Kesong puti
Ang kesong puti ay isang keso sa Pilipinas na malambot, di-nilalaon, at maputi. Gawa ito sa di-sinagap na gatas ng kalabaw at asin na kinulta ng suka, katas ng citrus, o minsan kuwaho. Maaari rin itong gawin mula sa gatas ng kambing o baka. Mayroon itong banayad na alat at maasim na lasa. Kapag ginamit ang pampaasido (acidifying agent), kahawig ito sa queso blanco o paneer. Kapag ginamit naman ang kuwaho, kahawig ito sa buffalo mozzarella. Maaari ring mag-iba ang kahalumigmigan, mula sa halos malagulaman hanggang sa matigas at matatag. Maaari itong kainin nang nag-iisa lamang, sabayan sa tinapay (kadalasan pandesal), o gamitin sa mga iba't ibang putahe sa lutuing Pilipino. Karaniwan itong ibinebenta na nakabalot sa dahon ng saging.[1]
Kesong puti | |
---|---|
Bansa | Pilipinas |
Pinagmumulan ng gatas | Kalabaw, Kambing, Baka |
Pastyurisado | Oo |
Tekstura | Malambot |
Tagal ng paglaon | Wala |
|
Ang pangalan nito, binabaybay ring quesong puti, ay salitang Tagalog, at ginagamit itong pangalan sa mga lalawigan ng Laguna at Bulacan. Sa Cavite, kilala ito bilang kesilyo (kasilyo rin o quesillo); habang sa hilagang Cebu, kilala ito bilang queseo o kiseyo.[2]
Etimolohiya
baguhinAng kesong puti ay mula sa salitang queso mula sa Kastila na may pang-angkop na -ng, at sa salitang puti. Sa mga ibang bahagi ng Pilipinas, ginagamit ang kesilyo o kasilyo sa Caviteno at queseo o kiseyo sa Sebwano. Ang mga ito ay isinakatutubong pagbaybay ng salitang quesillo sa wikang Kastila ("maliit na keso").[2]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Ponseca, Nicole & Trinidad, Miguel (2018). I Am a Filipino: And This Is How We Cook [Pilipino Ako: At Ganito Kami Magluto] (sa wikang Ingles). Artisan Books. ISBN 9781579658823.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ 2.0 2.1 Edgie Polistico (2017). Philippine Food, Cooking, & Dining Dictionary [Diksyonaryo ng Pilipinong Pagkain, Pagluluto, & Kainan] (sa wikang Ingles). Anvil Publishing, Incorporated. ISBN 9786214200870.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]