Tibok-tibok
Ang tibok-tibok (Kapampangan: tibuktibuk) ay isang Kapampangang puding na panghimagas na gawa sa gatas ng kalabaw at galapong. Nagmula sa lalawigan ng Pampanga sa Pilipinas, patok na patok ito sa Cagayan. Malahalaya ang tekstura nito, at binubudburan ito ng latik bago ihain. Mayroon itong katangi-tanging puti na kulay na parang krema at may pinong, matamis at bahagyang maalat na lasa. Halos magkapareho ito ng mas karaniwang maha blangka, na gawa naman sa gata at gawgaw.[1][2]
Ibang tawag | carabao-milk pudding |
---|---|
Kurso | Panghimagas |
Lugar | Pilipinas |
Rehiyon o bansa | Pampanga, Cagayan |
Ihain nang | temperatura ng silid, malamig |
Mga katulad | Maja blanca, blancmange, leche flan |
|
Etimolohiya
baguhinPinangalang tibok-tibok itong panghimagas dahil sa paraan kung paano malaman kung luto na ito. Kapag lumapot na ito habang niluluto, bumubulubok ito ngunit walang bulang nakakaabot sa ibabaw, parang tumitibok na puso.[3][4]
Paghahanda
baguhinMagkatulad ang paghahanda ng tibok-tibok at mahablangka. Hinahalo ang gatas ng kalabaw at kaunting galapong, giniling na malagkit na ibinabad nang magdamag. Pinapalasa ito ng puting asukal at balat ng dayap. Pinapakuluan ito sa mababang init habang binabati hanggang lumapot ang timpla. Ibinubuhos ito agad sa patag na bandeha na sinapinan ng dahong saging at pinapalamig doon. Maaari ring ibuhos ito sa hulma kung ninanais. Karaniwang inihahain ito sa mga hiwang parisukat o hiwang diyamante. Binubudburan ito ng latik.[4] Itinatabi ito sa loob ng lalagyan na hindi mapapasukan ng hangin para hindi ito matuyo.[1][3][5][6]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Authentic Tibok Tibok (Carabao's Milk Pudding)" [Awtentikong Tibok Tibok]. Foxy Folksy (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maja Blanca Recipe" [Resipi ng Maha Blangka] (sa wikang Ingles).
- ↑ 3.0 3.1 "Tibok Tibok Recipe" [Resipi ng Tibok Tibok]. Global Granary (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Tibok-Tibok Recipe" [Resipi ng Tibok-tibok]. Panlasang Pinoy Recipes™ (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tibok-Tibok". Kawaling Pinoy. Nakuha noong Disyembre 17, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tibok-Tibok (Carabao's Milk Pudding)". Kawaling Pinoy Tasty Recipes. Nakuha noong Disyembre 17, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)