Teopanya
Ang Teopanya (Ingles: Theophany, na may kahulugang "pagpapakita ng Diyos",[1] mula sa sinaunang Griyegong (ἡ) Θεοφάνεια Τheophaneia, na hindi dapat ikalito sa sinaunang Griyegong (τὰ) Θεοφάνια (Theophania), isang kapistahan sa Delphi), ay ang pagpapakita ng Diyos o ng isang diyus-diyosan sa isang tao[2] o iba pang nilalang; o kaya ay "pagpaparamdam mula sa langit"[2] o isang "banal na pagpapahayag, pagbubunyag, o paglalantad."[3]
Nagamit ang salitang ito bilang pagtukoy sa mga pagpapakita o paglitaw ng mga diyus-diyosan sa sinaunang mga relihiyong Griyego at Malapit sa Silangan. Habang ang Iliad ang pinaka maagang napagkunan ng mga paglalarawan ng mga teopanya na nasa sinaunang klasikal na tradisyon (at lumilitaw sila sa kabuuan ng mitolohiyang Griyego), marahil ang pinaka maaagang deskipsiyon ng isang teopanya ay ang Epiko ni Gilgamesh.
Ang katagang teopanya ay nagkamit ng isang tiyak na paggamit para sa mga Kristiyano at mga Hudyo hinggil sa Bibliya: tumutukoy ito sa manipestasyon ng Diyos sa tao (kilala rin bilang Epipanya); ang malilirip o mauunawaang tanda kung saan ang pagkanaroroon, pagkanaririto, o pagkanaririyan (presensiya) ng Diyos ay naipahayag o naibunyag. Tanging isang maliit na bilang lamang ng mga teopanya ang matatagpuan sa Bibliyang Hebreo, na nakikilala rin bilang ang Lumang Tipan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Encyclopædia Britannica; nakuha noong 27 Pebrero 2008.
- ↑ 2.0 2.1 Theophany, teopanya Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., gabbydictionary.com
- ↑ J.T.Burtchaell, "Theophany", in New Catholic Encyclopedia, ika-2 edisyon (2003), 13:929.