Ika-5 dantaon

(Idinirekta mula sa 423)

Ang ika-5 dantaon (taon: AD 401 – 500), ay isang panahon mula 401 hanggang 500 Anno Domini (AD) o Common Era (CE) o Karaniwang Panahon sa kalendaryong Huliyano. in the Julian calendar. Bantog ang ika-5 siglo sa pagiging panahon ng migrasyon at kawalang-tatag ng politika sa buong Eurasya.

Milenyo: ika-1 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  400 dekada 410 dekada 420 dekada 430 dekada 440
dekada 450 dekada 460 dekada 470 dekada 480 dekada 490
Ang Silangang Emisperyo sa dulo ng ika-5 dantaon AD.

Nakita nito ang pagbasak ng Kanlurang Imperyong Romano, na natapos noong 476 AD. Napagharian ang imperyong ito ng mahihinang emperador, na unti-unting natitipon ang totoong kapangyarihang pampolitika sa mga pinunong militar. Ipinahintulot ang panloob na kawalang-tatg ang isang hukbong Visigoth na umabot at nakawan ang Roma noong 410. May muling oagbawi ang naganap noong sumunod na mga dekada, pero ang nakatanggap ang Kanlurang Imperyo ng isa pang seryosong dagok sa isang pangalawang banyagang pangkat, ang Vandals, na inokupa ang Carthage, ang kabisera ng isang labis na mahalagang lalawigan sa Aprika. Naunsiyami ang mga pagsubok sa muling pagkuha ng lalawigan ng pagsalakay ng mga Hun sa ilalim ni Attila. Pagkatapos ng pagkatalo ni Attila,[1] nagsanib puwersa ang parehong Silangan at Kanlurang mga imperyo para sa huling pag-atake sa Vandals sa Hilagang Aprika, ngunit kamangha-manghang kabiguan ang kampanyang ito.

Sa Tsina, nagpatuloy ang panahon ng Labing-anim na Kaharian. Nakilala ito sa pagbuo at pagbagsak ng maliit na mga kahariang sumasailalim, na pinamumunuan ng nakikidigmang pangkat-etniko. Pagkatapos ng pagbagsak ng Dating Qin tungo sa dulo ng nakaraang siglo, muling napag-isa ang hilagang Tsina ng Hilagang Wei noong 439.Sa Kanlurang dinastiyang Jin, pinagsama ng estadistang Jin at heneral na si Liu Yu ang kanyang kapangyariha at pinilit ang huling Emperador ng dinastiyang Jin, si Emperor Gong ng Jin, na bumama sa kanya noong 420. Nilikha nito ang dinastiyang (Liu) Song, na naging panimulang punto ng panahon na tinatawag bilang Hilaga at Katimugang mga dinastiya.

Tungo sa dulo ng ika-5 dantaon, ang Imperyong Gupta ng India ay sinalakay mula sa Gitnang Asya at naokupahan ng mga elemento ng mga taong Hun. Maaring may kaugnayan ang mga taong ito sa mga Hun na winasak ang Roma noong parehong panahon.

Mahahalgang tao

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Roberts, J: "History of the World.". Penguin, 1994. (sa Ingles)
  2. "Kalidasa - Indian author". britannica.com.