5 Seconds of Summer

Ang 5 Seconds of Summer (kilala rin bilang 5SOS) ay isang Australyanong bandang pop-rock/pop-punk.[1][2]

5 Seconds of Summer
5 Seconds of Summer sa kanilang pagdalo sa Gantimpalang BRIT ng 2014 (BRIT Awards 2014) sa The O2 Arena sa Londres, Inglatera. Mula sa kaliwa: Michael Clifford, Calum Hood, Luke Hemmings at Ashton Irwin.
5 Seconds of Summer sa kanilang pagdalo sa Gantimpalang BRIT ng 2014 (BRIT Awards 2014) sa The O2 Arena sa Londres, Inglatera. Mula sa kaliwa: Michael Clifford, Calum Hood, Luke Hemmings at Ashton Irwin.
Kabatiran
Kilala rin bilang5SOS
PinagmulanSydney, New South Wales, Australya
GenrePop Punk, Pop Rock
Taong aktibo2011–kasalukuyan
LabelCapitol Records
MiyembroMichael Clifford
Luke Hemmings
Calum Hood
Ashton Irwin
Website5sos.com

Nabuo sila sa Sydney noong taong 2011 at binubuo ito ng mga kasaping sina Michael Clifford (gitara, bokalista), Luke Hemmings (bokalista, gitara), Calum Hood (bahista, bokalista) at Ashton Irwin (tambol, bokalista).[3] Sila ay orihinal na sumikat mula sa YouTube, na nagpapaskil ng mga bidyo ng kanilang mga sarili habang kumakanta ng mga sariling bersiyon ng mga sikat na awitin (cover songs) noong 2011. Mula roon, nagsimula silang magkaroon ng ilang mga tagasunod noong 2012, at matapos ay nakilala sila sa ibang bansa nang imbitahan sila ng bandang Ingles-Irlandes na One Direction sa kanilang Take Me Home Tour.

Tinatawag silang boy band ng midya.[4][5][6][7] Noong Pebrero 2014, inilabas nila ang awiting She Looks So Perfect bilang paunang awitin sa ibang bansa. Nanguna ito sa mga listahan ng Australya, New Zealand, Irlanda at ng Nagkakaisang Kaharian. Ang kanilang unang studio album na sunod sa kanilang pangalan (self-titled) ay inilabas noong Hunyo 2014, na nakarating sa #1 sa 11 bansa.[8] Nasundan ito ng paglalabas nila ng kanilang live album na LIVESOS noong Disyembre ng parehong taon.[9]

Kasaysayan

baguhin

2011-12: Pinagmulan at Paglulunsad

baguhin

Nag-umpisa ang 5 Seconds of Summer noong taong 2011 nang sina Luke Hemmings, Michael Clifford, at Calum Hood (na magkakaeskuwela sa Norwest Christian College) ay nagsama-sama at nagsimulang magpaskil ng mga bidyo nila habang umaawit ng mga sariling bersiyon ng mga kanta (cover songs) sa YouTube akawnt ni Hemmings. Ang unang bidyo ni Hemmings, isang bersiyon ng kantang Please Don't Go ni Mike Posner, ay ipinaskil noong 03 Pebrero 2011.[10] Ang sarili nilang bersiyon ng sikat na awit nina Chris Brown at Justin Bieber na "Next to You" ay nakatanggap ng higit 600,000 silip (view).[11] Noong Disyembre 2011, napabilang na rin sa kanilang banda si tambolista Ashton Irwin, at nabuo na nga ang kasalukuyang komposisyon ng 5 Seconds of Summer.[12]

 
Ang 5 Seconds of Summer sa kanilang pagtatanghal sa Detroit Switch Party ng Amp Radio sa Detroit, Michigan

Napukaw nila ang interes ng ilan sa mga malalaking record labels at tagapaglathala, at kalauna'y lumagda sila sa isang publishing deal ng Sony ATV Music Publishing.[13] Bagama't wala silang matatawag na malaking pagtataguyod maliban sa Facebook at Twitter,[13] ang kanilang unang labas na musika, isang EP na pinamagatang Unplugged, ay umabot sa numero 3 sa listahan ng iTunes sa Australya,[13] at pang-dalawampu naman sa New Zealand at Suwesya. Muling lumaki ang mga sumusunod sa kanila mula sa ibayong-dagat nang si Louis Tomlinson mula sa bandang Ingles na One Direction ay nagpaskil ng kawing (link) patungo sa bidyong YouTube ng banda ng kanilang awiting Gotta Get Out, at siya'y nagsabing naging tagahanga siya ng 5 Seconds of Summer "pansumandali".[14] Muling napukaw ang interes ng One Direction nang inilabas ng banda ang kanilang unang single, ang Out of My Limit noong 19 Nobyembre 2012, nang nagtuwit naman ang isa pang miyembro ng One Direction na si Niall Horan ng kawing patungo sa bidyo nito.[15]

Ginugol ng 5 Seconds of Summer ang ikalawang bahagi ng 2012 upang magsulat at buuin ang kanilang tunog kasama sina Christian Lo Russo at Joel Chapman ng bandang Australyanong Amy Meredith, kung saa'y nakasama nila ang mga ito sa pagsulat ng dalawang kantang nagtatampok sa Somewhere New na EP - ang Beside You at Unpredictable. Kasamang pinrodyus ni Joel Chapman ang EP. Inilabas ng 5 Seconds of Summer ang kanilang unang single na Out of My Limit noong 19 Nobyembre 2012, at nakatanggap ang kalakip na bidyo nito ng mahigit 100,000 silip sa unang 24 na oras nito.[16] Noong Disyembre 2012 ay lumarga ang mga miyembro sa isang lakbay-pagsulat ng awit (songwriting trip) sa Londres kung saa'y tumulong din sumulat ang iba't ibang mga mang-aawit gaya ng bandang McFly,[17] si Roy Stride ng Scouting for Girls,[17] si Nick Hodgson ng Kaiser Chiefs,[17] si Alex Gaskarth ng All Time Low,[17] Jamie Scott,[18] Jake Gosling,[19] Steve Robson,[18] at James Bourne ng bandang Busted.[20]

2013-kasalukuyan: 5 Seconds of Summer at LIVESOS

baguhin
 
5 Seconds of Summer habang nagtatanghal sa entablado sa Italya

Noong 14 Pebrero 2013, inanunsiyong ang 5 Seconds of Summer ay magiging suportang akto (support act) ng bandang One Direction para sa pandaigdigang lakbay-konsiyerto (concert tour) nito ng Take Me Home.[21] Nagsimula ang pagronda sa O2 Arena sa Londres noong 23 Pebrero 2013, at sasamahan ng 5 Seconds of Summer ang One Direction sa mga palabas nito sa UK, Estados Unidos, Australya at New Zealand, kasama na ang 7 mga palabas sa Allphones Arena sa mismong bayan ng 5 Seconds of Summer sa Sydney.[22] Habang nakapahinga sa Take Me Home Tour, umuwi ang 5 Seconds of Summer sa Australya kung saa'y bumandera sila para sa mga pambansang pagtatanghal, na ang mga petsang nakatakda rito'y napakyaw sa loob lamang ng ilang minuto. Nasa mga ganitong panahon nang magsimulang magkaroon ng kasikatan at maging mas kilala ang banda.[23] Noong 21 Nobyembre 2013, inanunsiyo ng banda na lumagda na sila sa Capitol Records.[24]

Noong 5 Pebrero 2014, ibinilang ng 5 Seconds of Summer ang kanilang paunang awitin na “She Looks So Perfect” para sa pre-order sa Tindahan ng iTunes.[25]

Ang ugnayan sa pagitan ng 5SOS at One Direction ay sumasaklaw sa parehong grupo na pinamamahalaan ng nakabase sa Londres na Modest! Management. Ito ang nagdala sa 5SOS sa pagtawag sa kanila bilang boy band ng midya.[4] Ayon naman sa mga kasapi ng banda ay hindi isang boy band ang kanilang grupo.[2] Di gaya ng maraming mga boy band, sila ang nagsusulat ng sarili nilang mga kanta, nagpapatugtog ng sarili nilang mga instrumento, at hindi maituturing na isang grupong sumasayaw.[26] Magkagayunman, nakaakit ang banda ng malaking hukbo ng mga babaeng tagasunod gaya ng ibang mga boy band.[27] Inihambing ni Ashton Irwin ang mga babaeng tagasunod ng banda sa Fall Out Boy na may malaki ring grupo ng mga babaeng tagahanga. Itinuro naman ni John Feldmann, punong mang-aawit ng bandang Goldfinger at prodyuser sa 5 Seconds of Summer, ang grupo ng mga tagahanga ng 5 Seconds of Summer sa “isang pundamental na pagbabago ng demo[grapiko]ng pop punk,” na nagbabanggit ng unti-unting paglipat ng demograpiya mula sa mayoryang mga lalaking tagapakinig ng mga mang-aawit ng unang bahagi ng dekada 90 gaya ng Blink-182 at Green Day.[28]

Noong huling bahagi ng Marso 2014, inilabas ang She Looks So Perfect sa Nagkakaisang Kaharian (UK). Sa kabila ng isang araw lang na pangununa nito sa tindahan ng iTunes sa Inglatera at sa pagtatapos ng linggo ay nasa pinakahuli ng Nangungunang Sampu (Top 10), ang 5 Seconds of Summer ay naging ikaapat na bandang Australyano na may numero unong isahang awit sa UK, at unang nakagawa nito sa loob ng 14 na taon.[29] Sa listahan nung sumunod na linggo ay bumagsak ito sa pangsampu, na siyang pinakamalaking pagbulusok mula sa numero uno mula noong bumagsak ang awitin ng bandang McFly na “Baby’s Coming Back”/“Transylvania” mula una patungong pang-20, sa ikalawang linggo rin nito sa talaan ng UK.

Noong 5 Marso 2014, inanunsiyong muli nilang sasamahan ang One Direction sa kanilang lakbay-konsiyerto bilang suportang akto sa kanilang 2014 Where We Are Tour sa Estados Unidos, Kanada, UK at Europa.[30] Noong 9 Abril 2014, nag-umpisa ang She Looks So Perfect EP sa ikalawang puwesto sa Billboard 200.[31]

Noong 9 Mayo 2014, inilabas nila ang kanilang ikalawang isahang awit, ang "Don't Stop." Nag-umpisa ito sa ikalawang puwesto sa UK Singles Chart, kasunod lamang ng awiting Ghost ni Ella Henderson.[32] Sinabi ng Billboard na "sa ugat ng She ng Green Day at All The Small Things ng Blink-182, ang Don't Stop ang pantapat ng 5SOS para sa nakaaakit na awiting pop-punk, na may mga letrang matamis pakinggan sa likod ng di-akmang pang-aakit nito. Maaari pang pakinisin ang tulay nito, subalit ang kawit na iyon ang isang tampok ng buong album." Nakarating ito sa unang puwesto sa 4 na bansa at sa kabuua'y nakaabot ito sa nangungunang 10 sa 8 bansa.[33]

Noong 13 Mayo 2014, inanunsiyo ng banda na ang kanilang paunang album, na pinangalanang 5 Seconds of Summer, ay ilalabas sa 27 Hunyo 2014 sa Europa at Australya, na may kasunod pang ibang mga awiting ilalabas. Nagwagi ang album ng gantimpalang Kerrang!;[34] sinabi ni Luke Hemmings na isang tunay na karangalang magwagi nito, dahil ang kanilang mga idolong banda’y nasa Kerrang! din.[35] Nag-umpisa ang album sa unang puwesto sa Talaan ng Billboard at nakaabot sa unang puwesto sa 13 bansa, maging sa nangungunang 10 sa 26 na bansa.

Noong 15 Hulyo 2014, inilabas ng banda ang kanilang ikatlong isahang awit, ang "Amnesia," na siyang nag-iisang awiting hindi isinulat ng mga mismong miyembro ng banda, kundi ng bandang Good Charlotte, isang Amerikanong pop-rock na banda. Ayon sa Billboard, "taglay ang nakasosorpresang tagos sa damdaming boses at pinakanakapapasong mga letra sa album, naitatag ng bagong awiting 'Amnesia' ang sarili nito bilang pinakamatagumpay na Di-Birong Awit (Serious Pose) ng 5 Seconds of Summer. Sa pagdadala nito sa mga di-batang tagapakinig pabalik sa kanilang mga kabiguan sa pag-ibig noong sila'y nag-aaral pa, ang 'Amnesia' ang nagpapakita ng maraming kakayahan (versatility) ng 5SOS, at maaaring magtaka ang sinuman kung bakit nasa hulihan ito ng paunang album ng grupo."[33]

Inanunsiyo noong 22 Nobyembre 2014 na ilalabas ng banda ang kanilang unang live album na pinamagatang LIVESOS sa 15 Disyembre 2014.[9]

Impluwensiya

baguhin

Ayon sa banda, nagbigay-inspirasyon sa kanila ang mga bandang McFly, Blink-182, All Time Low, Green Day, Boys Like Girls, at Busted.[12][36]

Mga Kasapi ng Banda

baguhin
Michael Clifford
Luke Hemmings
Calum Hood
Ashton Irwin

Michael Clifford

baguhin

Si Michael Gordon Clifford[37][38] ay ipinanganak noong (1995-11-20) 20 Nobyembre 1995 (edad 28).[37] Bukod sa may dugong Australyano, siya rin ay may dugong Ingles, Eskoses, Irlandes, at Aleman.[39] Ang kanyang ina ay si Karen Clifford at siya ay nag-iisang anak.[37][40] Nag-aral siya sa Norwest Christian College at doo'y naging kaklase niya sina Hemmings at Hood.[41] Siya ang lumikha ng pangalan ng banda, 5 Seconds of Summer, habang sila ay nag-aaral.[42] Siya ay gitarista at bokalista sa grupo.[43]

Luke Hemmings

baguhin

Si Luke Robert Hemmings[38][44] ay ipinanganak noong (1996-07-16) 16 Hulyo 1996 (edad 28) sa Sydney, Australya,[44] at ang pinakabata sa grupo. Ang kanyang mga magulang ay sina Andrew at Liz Hemmings,[44] at may dalawa siyang kapatid, sina Ben at Jack.[40][44] Nag-aral siya sa Norwest Christian College kung saan naging kaklase niya sina Clifford at Hood.[41][44] Siya ang orihinal na lumikha ng opisyal na akawnt ng kasalukuyang 5 Seconds of Summer sa YouTube, at unang nagkarga ng bidyo ng kanyang pag-awit na "Please Don't Go."[44] Siya ang gitarista at kasalukuyang pangunahing bokalista ng banda.[43]

Calum Hood

baguhin

Si Calum Thomas Hood[38][45] ay ipinanganak noong (1996-01-25) 25 Enero 1996 (edad 28).[45] Siya ay may dugong Eskoses at Kiwi.[45][46] Ang kanyang ina ay si Joy Hood na mula sa New Zealand[45] at may kapatid siyang si Mali Koa, na dating sumali sa bersiyong Australyano ng The Voice.[40][45] Nag-aral siya sa Norwest Christian College at naging kaklase sina Clifford at Hemmings at binuo nila ang 5 Seconds of Summer habang sila ay nag-aaral.[41] Napili siyang maging kinatawan ng Australya sa larong futbol at ipinadala sa Brazil noong 2012 subalit binitiwan niya ito upang makapagpokus siya sa karera niya sa banda.[45][47] Siya ay bokalista at ang kasalukuyang bahista ng grupo.[43]

Ashton Irwin

baguhin

Si Ashton Fletcher Irwin[38][48] ay ipinanganak noong (1994-07-07) 7 Hulyo 1994 (edad 30) sa Hornsby, Australya.[48] Ang kanyang ina ay si Anne Marie Irwin at may dalawa siyang kapatid, sina Harry at Lauren.[40][48] Nag-aral at nagtapos siya ng sekundarya sa Richmond High School.[41] Dati rin niyang sinubukang sumali sa edisyong Australyano ng The X Factor noong 2010.[48][49] Minsan din siyang naging bahagi ng dalawahang grupong may pangalang Swallow The Goldfish kasama ang kanyang kaibigan.[48][50] Naging bahagi siya ng banda noong Disyembre 2011 at mula noon ay tumutugtog na kasama sina Clifford, Hemmings, at Hood.[51] Siya ay bokalista at ang kasalukuyang tambolista ng 5 Seconds of Summer.[43]

Paglalakbay

baguhin

Pambukas na Akto

baguhin

Sariling Pagtatanghal

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Maliban kung tuwirang tutukuyin, ang lahat ng mga sanggunian ay orihinal na nakasulat sa wikang Ingles. Isinalin ang mga bahagi ng pinagkunang pahinang web batay sa konsepto at pagkakaunawa ng mga sumulat ng artikulo.

  1. Midgarden, Cory (23 Abr 2014). "5 Seconds Of Summer's New York City Fans Are Like 'A Good Version' Of Tinder". MTV News. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Agosto 2014. Nakuha noong 17 Ago 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Smirke, Richard (8 Abr 2014). "5 Seconds of Summer Goes Global - But They're Not The Next One Direction". Billboard. Nakuha noong 17 Ago 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "5 Seconds Of Summer - The Band You Should Be Obsessing Over". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-04. Nakuha noong 24 Ago 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Knopper, Steve (9 Abr 2014). "On the Charts: Aussie Boy Band 5 Seconds of Summer Almost Top 'Frozen'". Rolling Stone. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hulyo 2014. Nakuha noong 17 Ago 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Good, Jenna (19 Mayo 2014). "The ultimate compliment! One Direction's Liam Payne is 'jealous' of Sydney boy band 5 Seconds of Summer's musical talents". Mail Online. Nakuha noong 17 Ago 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lawrence, Jesse (22 Peb 2014). "Is 5 Seconds Of Summer The New Kid On The Boy Band Block?". Forbes. Nakuha noong 17 Ago 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Weston, Tamara (Abril 2014). "5 Seconds Of Summer Is Your Next Favorite Boy Band (They're One Direction-Approved!)". TeenVogue. Nakuha noong 17 Ago 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "5SOS, The Script & Boyzone: Top 4 Live Decider Special Guests". Australya: Yahoo! 7 TV. 13 Okt 2014. Nakuha noong 29 Okt 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Peters, Mitchell (22 Nob 2014). "5 Seconds of Summer Announce New Live Album 'LIVESOS'". Billboard. Nakuha noong 23 Nob 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Please dont go (cover) Mike Posner". 3 Peb 2011. Nakuha noong 17 Ago 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Langlands, Alex (14 Mayo 2012). "Meet 5 Seconds Of Summer, Your Hosts For This Evenings Entertainment". Nakuha noong 24 Ago 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Fuamoli, Sosefina (19 Dis 2012). "the AU interview: 5 Seconds of Summer (Sydney)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-26. Nakuha noong 17 Ago 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 13.2 Creswell, Toby (30 Hul 2012). "Smells like teen spirit". The Age. Nakuha noong 31 Ago 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Tomlinson, Louis (6 Nob 2012). "Louis Tomlinson Twitter". Twitter. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Horan, Niall (27 Nob 2012). "Just been showed this video – TUNNNEEEEE!". Twitter. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Mccabe, Kathy (18 Nob 2012). "Sydney teen band 5 Seconds Of Summer is getting hot in the UK". Herald Sun. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  17. 17.0 17.1 17.2 17.3 Moss, Liv (28 Mar 2014). "Who are 5 Seconds Of Summer?". Official Charts Company. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 Aquilina, Jessica (15 Peb 2013). "Local boys to play support for One Direction tour". Hills News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-20. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Goodwyn, Tom (21 Mar 2014). ""Retaining your own individuality is the most important thing" – hmv.com talks to 5 Seconds Of Summer, Part I". hmv.com. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Mccabe, Kathy (18 Peb 2013). "Things are hotting up for 5 Seconds Of Summer". The Daily Telegraph Australia. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Mccabe, Kathy (14 Peb 2013). "One Direction picks× Australian band 5 Seconds Of Summer as support act for world tour". news.com.au. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Pebrero 2013. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "One Direction Tour Dates & Tickets". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-04-11. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "5 Seconds Of Summer Announce Australian Tour". The Hot Hits. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-02. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "5 Seconds Of Summer Got Signed To Capitol Records". The Hot Hits. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-02. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "She Looks So Perfect - Single by 5 Seconds Of Summer". iTunes. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Margaret, Mary (12 Abr 2014). "Frozen's Big Competition: 5 Things to Know About 5 Seconds of Summer". People. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Oktubre 2014. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Lewak, Doree (22 Abr 2014). "5 Seconds of Summer uber-fans storm NYC in boy band mania". New York Post. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Shultz, Cara Lyn (4 Ago 2014). "5 Seconds of Summer: 'If Anyone Puts Us Down, We Don't Care'". New York Post. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "5SOS triumph in UK singles charts". BBC. 30 Mar 2014. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Lawrence, Jesse (5 Mar 2014). "One Direction's Where We Are Tour Gets Jolt With 5 Seconds Of Summer As Opening Act". Forbes. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Cashmere, Paul (9 Abr 2014). "5 Seconds Of Summer Debuts At No 2 In USA". Noise11. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Alexander, Susannah (22 Hun 2014). "Ella Henderson holds on to No.1 single, pushes 5SOS into second". Digital Spy. UK. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Oktubre 2014. Nakuha noong 14 Dis 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. 33.0 33.1 Lipshutz, Jason (22 Hul 2014). "5 Seconds of Summer Scores With Debut Album: Track-By-Track Review". Billboard. New York. Nakuha noong 14 Dis 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Kerrang! Awards 2014: 5 Seconds Of Summer, You Me At Six Win Big". MTV UK. 13 Hun 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Hulyo 2014. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Cabooter, James (13 Hun 2014). "5 Seconds Of Summer win Kerrang! award after supporting 1D". Daily Star. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. DeVille, Chris (17 Abr 2014). "The Week In Pop: 5 Seconds Of Summer And The Evolution Of Pop-Punk Boy Bands". Stereogum. Nakuha noong 19 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. 37.0 37.1 37.2 "50 Facts About Michael Clifford". The Fact Site. Nakuha noong 15 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. 38.0 38.1 38.2 38.3 "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. Nakuha noong 15 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. Nakuha noong 15 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. 40.0 40.1 40.2 40.3 "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. Nakuha noong 14 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. 41.0 41.1 41.2 41.3 "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. Nakuha noong 14 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. Nakuha noong 14 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. 43.0 43.1 43.2 43.3 "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. Nakuha noong 14 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. 44.0 44.1 44.2 44.3 44.4 44.5 "50 Facts About Luke Hemmings". The Fact Site. Nakuha noong 15 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. 45.0 45.1 45.2 45.3 45.4 45.5 "50 Facts About Calum Hood". The Fact Site. Nakuha noong 15 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. Nakuha noong 14 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. Nakuha noong 15 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. 48.0 48.1 48.2 48.3 48.4 "50 Facts About Ashton Irwin". The Fact Site. Nakuha noong 15 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. Nakuha noong 15 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. Nakuha noong 15 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. Nakuha noong 14 Okt 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. The Hot Hits (12 Set 2012). "5 Seconds of Summer Join Hot Chelle Rae's Australian Tour". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-04. Nakuha noong 7 Set 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. Poppy Reid (14 Peb 2013). "Sydney's 5 Seconds of Summer support 1D on World Tour". Nakuha noong 7 Set 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. NovaFM (17 Hul 2012). "5 Seconds of Summer Twenty Twelve Tour". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-22. Nakuha noong 7 Set 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. Under The Radar. "Under The Radar NZ". Nakuha noong 7 Set 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. "5 Seconds of Summer Announce 2014 UK Tour Agh!". Nakuha noong 7 Set 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. Lucy Wood (5 Mar 2014). "5 Seconds of Summer announces 5 Countries 5 Days European Tour". Nakuha noong 7 Set 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "There's No Place Like Home Tour". 5sos-official.tumblr.com. 7 Set 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-07-11. Nakuha noong 10 Hul 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. "'ROCK OUT WITH YOUR SOCKS OUT' 2015 UK & EUROPEAN TOUR !". 5sos.com. 7 Set 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-11-06. Nakuha noong 10 Hul 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. "5 SECONDS OF SUMMER". 5sos-official.tumblr.com. 17 Hul 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-06. Nakuha noong 7 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. "5 SECONDS OF SUMMER". 5sos-official.tumblr.com. 30 Hul 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-06. Nakuha noong 7 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)