Ang Ābādān (tungkol sa tunog na ito pakinggan  Persa: آبادان‎, pronounced [ʔɒːbɒːˈdɒːn]) ay isang lungsod sa lalawigan ng Khuzestan sa timog-kanlurang Iran. Kabisera ito ng Kondado ng Abadan. Ito ay nasa Pulo ng Abadan (68 kilometro ang haba, 3–19 kilometro o 2–12 milya ang lapad), at ang pulo ay hinahangganan ng daanang tubig na Shatt al-Arab sa kanluran at ng labasan ng tubig ng Ilog Karun na Bahmanshir (ang Arvand Rood) sa silangan. Nasa layo itong 53 kilometro (33 mi) mula sa Golpong Persiko,[2] malapit sa hangganang Iran-Irak.

Abadan

آبادان
Lungsod
Ābādān
Tanaw mula sa Abadan Oil Faculty
Tanaw mula sa Abadan Oil Faculty
Abadan is located in Iran
Abadan
Abadan
Kinaroroonan sa Iran at Asya
Mga koordinado: 30°20′21″N 48°18′15″E / 30.33917°N 48.30417°E / 30.33917; 48.30417
Bansa Iran
LalawiganKhuzestan
KondadoAbadan
DistritoCentral
Pamahalaan
 • AlkaldeHosein Hamid-Pour
Lawak
 • Urban
1,275 km2 (492 milya kuwadrado)
Taas
3 m (10 tal)
Populasyon
 (Senso 2016)
 • Kapal167/km2 (430/milya kuwadrado)
 • Urban
231,476 [1]
 • Ranggo ng populasyon sa Iran
Pang−40
DemonymAbadani (en)
Sona ng orasUTC+03:30 (IRST)
 • Tag-init (DST)UTC+04:30 (IRDT)
Kodigo ng lugar(+98) 061
KlimaBSk
Websaytwww.Abadan.ir

Demograpiya

baguhin
Historical population
TaonPop.±%
1910 400—    
1949 173,000+43150.0%
1956 220,000+27.2%
1980 300,000+36.4%
1986 6−100.0%
1991 84,774+1412800.0%
2001 206,073+143.1%
2006 217,988+5.8%
2016 231,476+6.2%
1949:[3], 1991:[4], 2006:[5], 2016: [1]

Bumaba sa halos sero ang sibilyang populasyon ng lungsod sa loob ng walong taon ng Digmaang Iran-Irak (1980–1988). Naitala lamang ng Senso 1986 ang anim na katao. Noong 1991, bumalik upang tumira sa lungsod ang 84,774 na katao.[4] Pagsapit ng 2001, tumaas ang populasyon sa 206,073 katao, at sang-ayon sa Senso 2006 ito ay nasa 217,988 katao na may 48,061 mga pamilya.[5] Isa sa pinakamalaki sa mundo ang Abadan Refinery. Umabot sa halos 350,000 katao ang populasyon sa kasalukuyan.

 
Abadan Oil Refinery noong 1970

Tanging 9% mga tagapangasiwa ng kompanya ng langis ay mula sa Khuzestan. Tumaas ang proporsiyon ng mga katutubong buhat sa Tehran, sa Caspian, Azarbaijan at Kurdistan mula 4% ng mga obrero (blue-collar workers) sa 22% ng mga manggagawa sa opisina (white-collar workers) sa 45% ng mga tagapangasiwa, kaya natitipon lamang ang mga nagsasalita ng Arabe sa mababang mga antas ng lakas paggawa. Madalas na pinadadala sa lungsod mula sa malayong mga pook ang mga tagapangasiwa.[6] Mayroon din nag-iisang simbahang Armenyo sa gitna ng lungsod.

Ang klima sa Abadan ay matigang (Köppen climate classification BWh) at katulad mpng sa Baghdad, ngunit bahagyang mas-mainit dahil sa mas-mababang latitud ng lungsod. Tuyo at napakainit ang mga tag-init na may mga temperaturang mataas pa sa 45 °C (113 °F) halos araw-araw, at halos madalas ang mga temperaturang mataas pa sa 50 °C (122 °F). Kilala ang Abadan bilang isa sa pinakamainit na mga tinitirhang pook sa mundo at nakararanas ng maraming mga bagyo ng buhangin at alikabok. Banayad na mabasa-basa at malatagsibol ang mga taglamig, bagamat maaaring magkaroon ng napakalamig na mga panahon. Nasa 16–20 °C (61–68 °F) ang mga temperatura kapag taglamig. Ang kumpirmadong pinakamataas na temperatura sa mundo ay isang biglaang pagtaas ng temperatura sa kasagsagan ng isang heat burst noong Hunyo 1967, na may temperaturang 87 °C (189 °F).[7] Ang pinakamababang naitalang antas ng temperatura sa lungsod ay −4 °C (25 °F) na naitala noong Enero 20, 1964 at Pebrero 3, 1967, habang pinakamataas naman ang 53 °C (127 °F) na naitala noong Hulyo 11, 1951 at Agosto 9, 1981.[8]

Datos ng klima para sa Abadan (1951-2010)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 29.0
(84.2)
34.0
(93.2)
39.2
(102.6)
42.8
(109)
48.4
(119.1)
53.0
(127.4)
53.0
(127.4)
53.0
(127.4)
49.4
(120.9)
43.2
(109.8)
37.0
(98.6)
29.8
(85.6)
53
(127.4)
Katamtamang taas °S (°P) 18.1
(64.6)
20.9
(69.6)
25.9
(78.6)
32.2
(90)
39.2
(102.6)
43.8
(110.8)
45.4
(113.7)
45.4
(113.7)
42.5
(108.5)
36.1
(97)
26.8
(80.2)
19.9
(67.8)
33.0
(91.4)
Arawang tamtaman °S (°P) 12.7
(54.9)
15.0
(59)
19.4
(66.9)
25.2
(77.4)
31.2
(88.2)
35.2
(95.4)
36.7
(98.1)
36.3
(97.3)
33.0
(91.4)
27.5
(81.5)
20.0
(68)
14.3
(57.7)
25.5
(77.9)
Katamtamang baba °S (°P) 7.3
(45.1)
9.1
(48.4)
13.0
(55.4)
18.1
(64.6)
23.3
(73.9)
26.5
(79.7)
28.0
(82.4)
27.3
(81.1)
23.4
(74.1)
18.9
(66)
13.2
(55.8)
8.7
(47.7)
18.1
(64.6)
Sukdulang baba °S (°P) −4.0
(24.8)
−4.0
(24.8)
−1.0
(30.2)
7.0
(44.6)
12.0
(53.6)
17.0
(62.6)
17.0
(62.6)
19.4
(66.9)
14.0
(57.2)
7.0
(44.6)
−1.6
(29.1)
−1.0
(30.2)
−4.0
(24.8)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 35.5
(1.398)
20.0
(0.787)
19.2
(0.756)
14.4
(0.567)
3.2
(0.126)
0.1
(0.004)
0.0
(0)
0.0
(0)
0.1
(0.004)
3.9
(0.154)
20.5
(0.807)
36.4
(1.433)
153.3
(6.035)
Araw ng katamtamang pag-ulan 4.7 3.4 3.3 2.2 0.9 0.0 0.0 0.0 0.0 0.6 2.6 4.6 22.3
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 70 61 51 44 33 26 28 31 34 45 58 69 45
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 180.6 195.0 222.3 221.6 262.9 292.1 305.1 290.4 290.4 263.4 202.4 182.5 2,908.7
Sanggunian: Iran Meteorological Organization (records),[8] (temperatures),[9] (precipitation),[10] (humidity),[11] (days with precipitation),[12] (sunshine)[13]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Statistical Center of Iran > Home". www.amar.org.ir.
  2. "Abadan." Encyclopædia Britannica. 18 Pebrero 2007
  3. Hein & Sedighi 2016.
  4. 4.0 4.1 Lagassé 2000, p. 2
  5. 5.0 5.1 Vadahti 2006.
  6. Elwell-Sutton & de Planhol 1982, pp. 55–56
  7. Burt 2004, p. 36
  8. 8.0 8.1 * "Highest record temperature in Abadan by Month 1951–2010". Iran Meteorological Organization. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 27, 2015. Nakuha noong April 8, 2015. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  9. * "Average Maximum temperature in Abadan by Month 1951–2010". Iran Meteorological Organization. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Nobyembre 2015. Nakuha noong Abril 8, 2015. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Monthly Total Precipitation in Abadan by Month 1951–2010". Iran Meteorological Organization. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 3, 2015. Nakuha noong Abril 8, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Average relative humidity in Abadan by Month 1951–2010". Iran Meteorological Organization. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Nobyembre 2015. Nakuha noong Abril 8, 2015. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "No. Of days with precipitation equal to or greater than 1 mm in Abadan by Month 1951–2010". Iran Meteorological Organization. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Nobyembre 2015. Nakuha noong Abril 8, 2015. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Monthly total sunshine hours in ABADAN by Month 1951–2010". Iran Meteorological Organization. Nakuha noong Abril 8, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
Mga akda at websayt

References

baguhin