Artemisia absinthium
Ang Artemisia absinthium o artemisyang absinta (Ingles: absinthium, absinthe wormwood o "absintang damong-maria", wormwood, absinthe[2], o grand wormwood, "maringal na damong-maria") ay isang uri ng artemisya o damong-maria na katutubo sa Europa, Asya, at Hilagang Aprika. Tinatawag din itong absinta.[3]
Artemisia absinthium | |
---|---|
Likas na Artemisia absinthium sa Caucasus. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Asterales |
Pamilya: | Asteraceae |
Sari: | Artemisia |
Espesye: | A. absinthium
|
Pangalang binomial | |
Artemisia absinthium |
Bilang mga gamot
baguhinKasama ang Artemisia vulgaris, isa pang damong-maria, pinahahalagahan ang Artemisia absinthium sa Silanganin at Kanluraning bahagi ng mundo. Kapwa mapait ang lasa ng mga A. vulgaris at A. absinthium ngunit mainam para sa mga karamdamang pangdaanan ng pagkain (tiyan at bituka), at maging sa pagpapapainam ng pagdumi.[2], magkasama sa isang pahina ngunit magkahiwalay ang paglalarawan sa bawat uring ito ng mga Artemisia. Tinatawag itong wormwood sa Ingle, o "uod-kahoy", sapagkat mainam itong pampurga o pangtanggal ng mga parasitikong bulati sa katawan ng tao. Ginagamit din itong sangkap sa mga mapapait ngunit pampaganang mga alak, na iniinom bago kumain (tinatawag na mga aperitif sa Ingles (aperitip) at vermouth o bermut ang isang halimbawa ng alak na ito).[2]
Bukod sa pagiging isang pampaganang inumin bago kumain, nakapagpapasigla rin ito sa atay at ng sinapupunan, partikular na sa panahon ng panganganak. Naglalaman sila ng maaaring makaadik (hindi mapigilan ang pagkonsumo) na thujone.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Linnaeus, Carolus (1753). Species plantarum :exhibentes plantas rite cognitas, ad genera relatas, cum differentiis specificis, nominibus trivialibus, synonymis selectis, locis natalibus, secundum systema sexuale digestas... Bol. 2. Holmiae (Laurentii Salvii). p. 848. Nakuha noong 2008-09-08.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Ody, Penelope (1993). "Artemisia absinthium and A. vulgaris, wormwood and mugwort". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 39 - ↑ Gaboy, Luciano L. 'Absinthe, absinta, uri ng alak; uri ng halama, absinta - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.