Adiksiyon

(Idinirekta mula sa Adik)

Ang adiksiyon o pagkakagumon, na tinatawag ding pagkasugapa o pagkakalulong, ay ginagamit sa maraming mga diwa o mga konteskto upang ilarawan ang obsesyon, kompulsiyon, o labis na pagsandig o pagpapasailalim na sikolohikal, katulad ng: pagkakalulong sa bawal na gamot halimbawa na ang alkoholismo, pagkakalulong sa nikotina, suliraning pagsusugal, krimen, salapi, labis na pagtatrabaho, kompulsibong pagkain, adiksiyon sa kompyuter, pagkagumon sa larong bidyo, pagkahumaling sa pornograpiya, adiksiyon sa panonood ng telebisyon, at iba pang uri ng matinding pagkahaling, sobrang pagkahumaling, o labis na pagkahilig sa katulad na mga bagay.

Isang suliranin ang pagkakalulong sa labis na pag-inom ng alak o anumang inuming nakalalasing.

Sa terminolohiyang medikal, isang neurobiyolohikong kagusutang kroniko ang kalulungan, kagumunan, kasugapaan, o labis na kahumalingan, na may mga dimensiyong henetiko, sikososyal, pampaligid, at nilalarawan ng isa sa mga sumusunod: ang patuloy na paggamit ng isang sustansiya sa kabila ng nakakapinsalang mga epekto nito, huminang kontrol o taban dahil sa paggamit ng gamot (ugaling mapilit o kaasalang kompulsibo), at preokupasyon o pagiging abala ng isipan sa paggamit ng gamot para sa mga layuning hindi para sa panggagamot o pagtanggap ng lunas, na sa madaling sabi ay ang paghahangad, paghahanap, at pangangailangan ng gamot.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Consensus Document: The American Academy of Pain Medicine, The American Pain Society, The American Society of Addiction Medicine, 2001.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Panggagamot at Karamdaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.