Agapornis roseicollis
Ang peach-faced lovebird (Agapornis roseicollis) ay isang species ng African lovebird na likas na matatagpuan sa mga tuyot na bahagi ng timog-kanlurang Africa, gaya ng Disyertong Namib. Maingay at laging humuhuni, ang mga ibong ito ay mahilig makihalubilo at malimit na makikitang nag-uumpukan sa maliliit na kawan sa iláng. Walang pinagkaiba ang balahibo ng lalaki at babaeng peach-faced lovebird. Marami ring kakaibang kulay o color mutation ang mga peach-faced lovebird. Kilalá ang mga lovebird sa kanilang posisyon kapag natutulog na magkatabi at nakapáling ang mga mukha kaharap ang isa't isa. Ang mga babaeng peach-face lovebird ay may katangian na naghihimay nang pahaba ng mga materyal na kanilang isusukbit sa kanilang likuran at dadalhin upang gamitin sa paggawa ng kanilang pugad. Sikát din bilang alagang hayop ang mga peach-faced lovebird.
Taksonomiya
baguhinInilarawan ng Pranses na ornithologist na si Louis Jean Pierre Vieillot noong 1818. Una itong pinangalanang Psittacus roseicollis, ngunit kalaunan ay inilipat sa genus na Agapornis kasama ng iba pang lovebird.
May dalawang subspecies ang Agapornis roseicollis:[1]
- Agapornis roseicollis, (Vieillot, 1818)
Paglalarawan
baguhinMaliit lámang ang peach-faced lovebird, ito ay may habang 17–18 cm na may karaniwang lápad ng pakpak na 106 mm at habà ng buntot na 44–52 mm.[3] Ang mga ibon sa iláng ay karaniwang luntian ang kulay at asul naman ang pigî. Mapula-pula ang mukha at lalamunan, na mas matingkad sa may noo at sa ibabaw ng mata. Ang tuka nitó at kulay sungay, ang iris ng mata ay kayumanggi at ang híta at paa ay kulay abó. Ang pula ng A. r. roseicollis ay mapusyaw kaysa A. r. catumbella.[2] Ang mga batá-batáng ibon ay may mapusyaw na pula ang mukha at lalamunan, a malunti-luntian ang noo at tuktok ng ulo, at ang tuka naman ay matingkad na kayumanggi sa punò.[2]
Pinagtitirhan
baguhinNaninirahan ang mga ito sa mga tuyot, malalawak na lupain sa timog-kanlurang Africa. Umaabot ang tirahan ng mga ito mula sa timog-kanlurang Angola, kabuoan ng Namibia hanggang sa ilawod ng lambak ng Ilog Orange na nasa hilagang-kanluran ng South Africa. Namumuhay ang mga ito sa may 1,600 metrong taas sa antas ng dagat sa mga broadleaved na kakahuyan, semi-disyerto, at mabundok na lugar. Nakasalalay ang mga pinagtitirhan nito sa kinaroroonan ng tubig kung saan sila nag-uumpukan upang uminom at magtampisaw.
Maraming nakaaalpas na alagang ibon sa iba't ibang panig ng mundo at may makikitang mga ibong-gala gaya sa kalakhang Phoenix, Arizona, kung saan ang mga ito'y naninirahan sa iba't ibang uri ng habitat, kapwa sa kabayanan at kanayunan. Ang ilan ay naninirahan sa mga cactus at madalas na kawan-kawan kung manginain sa mga patukaan ng ibon.[4]
Katayuan ng konserbasyon
baguhinNabawasan ang populasyon ng mga ibon sa ibang lugar sanhi ng pagbibitag upang ikalakal. Subalit, ang bilang nito ay dumami naman sa mga lugar kung saan may mga patubig at istrakturang gawa ng tao na nagiging bago nilang pugaran. Dahil dito, ang species ay nakaklasipika bilang Least Concern ng International Union for Conservation of Nature (IUCN).[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Zoological Nomenclature Resource: Psittaciformes (Version 9.004)". www.zoonomen.net. 5 Hulyo 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Forshaw (2006). plate 45.
- ↑ McLachlan G. R. & Liversidge, R. (1981). Roberts Birds of South Africa. Cape Town: John Voelcker Bird Book Fund. ISBN 0-620-03118-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Clark, Greg. "Peach-faced Lovebird Range Expansion Data in Greater Phoenix, Arizona Area". Nakuha noong 2011-02-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ {{{assessors}}} (2012). "Agapornis roseicollis". Pulang Talaan ng Nanganganib na mga Espesye ng IUCN. Bersiyong 2013.2. Internasyunal na Unyon para sa Konserbasyon ng Kalikasan. Nakuha noong 26 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)