Ahenteng Kahel
Ang Ahenteng Kahel (Ingles: Agent Orange ) ang pangalang kodigo para sa isa sa mga herbisidyo at depoliante na ginamit ng mga armadong pwersa ng Estados Unidos bilang bahagi ng programang digmaang herbisido na Operasyon Ranch Hand noong Digmaang Vietnam mula 1961 hanggang 1971. Tinataya ng Vietnamna ang 400,000 mga katao ang napatay o nalumpo at 500,000 mga bata ang ipinanganak na depekto sa kapanganakan(birth defects). [1] Ang Red Cross ng Viet Nam ay nagtantiya na hanggang 1 milyong mga katao ang nabaldado o nagkaroon ng mga problema sa kalusugan sanhi ng Ahenteng Kahel.[2]
Deskripsiyong kemikal at toksikolohiya
baguhinSa kemikal na paglalarawan, ang Ahenteng Kahel ay tinatayang 1:1 halo ng dalawang mga herbisidong phenoxyl – asidong 2,4-dichlorophenoxyacetic (2,4-D) at asidong 2,4,5-trichlorophenoxyacetic (2,4,5-T) – sa anyong iso-octyl ester.[3]
Sa isang ulat noong 1969 na isinulat nina K. Diane Courtney at iba pa, natagpuan na ang 2,4,5-T ay maaaring magsanhi ng mga depekto sa kapanganakan at kapanganakan ng patay na sanggol(stillbirths) sa mga daga.[4] Ang ilang mga pag-aaral ay nagpakita ng tumaas na mga rate ng kamatayan sa kanser para sa mga manggagawang nalantad sa 2,4,5-T. Sa isang gayong pag-aaral mula sa Hamburg, Alemanya, ang panganib ng kamatayan sa kanser ay tumaas ng 170% pagkatapos ng pagtatrabaho ng 10 taon sa seksiyong lumilikha ng 2,4,5-T sa pagmamanupakturang planta sa Hamburg.[5] Ang ilang mga pag-aaral ay nagmungkahing ang pagkakalantad sa Ahenteng Kahel ay nagdudulot ng tumaas na panganib ng acute myelogenous leukemia sa mga anak ng mga Amerikanong beterano(sundalo) ng Digmaan ng Vietnam.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ York,Geoffrey; Mick, Hayley; "Last Ghost of the Vietnam War", The Globe and Mail, Hulyo 12, 2008
- ↑ Jessica King (2012-08-10). "U.S. in first effort to clean up Agent Orange in Vietnam". CNN. Nakuha noong 2012-08-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ IOM, 1994: p. 90
- ↑ Buckingham, 1992: Chapter IX – Ranch Hand Ends
- ↑ Dwyer and Flesch-Janys, "Editorial: Agent Orange in Vietnam", American Journal of Public Health, Abril 1995, Vol 85. No. 4, p. 476
- ↑ Frumkin, 2003: pp.245–255[patay na link]