Agueda Esteban
Si Agueda Esteban (Pebrero 9, 1868 – 1944) ay isang babaeng katipunero sa Maynila. Bumibili siya ng mga pulbura ng baril at mga bala na kanyang dinadala sa kanyang asawa na nasa Kabite.
Agueda Esteban | |
---|---|
Kapanganakan | 5 Pebrero 1868
|
Kamatayan | Setyembre 1944 |
Mamamayan | Pilipinas |
Personal na buhay
baguhinIpinanganak si Agueda de la Cruz Esteban noong Pebrero 5, 1868 sa Binondo sa Lungsod ng Maynila kina Ambrosio Esteban at Francisca de la Cruz.[1]
Nakapag-aral siya sa "Arrabal's Escuela de Niñas" na isang pangbabaeng paaralan sa pagtangkilik ni Doña Vicenta de Roxas.[2] Nagpakita si Agueda Esteban ng katalinuhan sa paaralan. Nailathala sa isang pahayagan sa Maynila na tinatawag na La Oceania ang kanyang mga sulating nagawa.[1]
Ikinasal si Agueda Esteban kay Koronel Mariano Barroga, na kilala din bilang "Tungkod", na taga-Batac sa probinsiya ng Ilocos Norte.[1][3][4] Kinailangang iwan ni Agueda Esteban ang kanilang tatlong anak sa ampunan ng Hospicio de San Jose noong mapatapon sa Guam si Koronel Barroga noong 1901.[1]
Noong 1911 ay ikinasal si Agueda Esteban kay Heneral Artemio Ricarte pagkatapos ng pagkamatay ni Koronel Barroga noong 1902.[2][1]
Kasapi sa rebolusyon
baguhinIpinakilala si Agueda Esteban sa rebolusyonaryong kilusan laban sa administrasyong Espanyol ng kanyang asawa na si Koronel Barroga.[1]
Tinulungan ni Agueda Esteban ang mga Katipunero sa pamamagitan nang palihim na pag-iipon ng mga sulphur, copper, at lead na gamit sa paggawa ng mga bala at pulbura. Ang mga ito ay palihim din niyang inihahatid sa kanyang asawa na si Koronel Barroga na nasa Cavite.[1][3][2]
Tinulungan din niya si Heneral Artemio Ricarte sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga paggalaw ng tropa nito.[1]
Noong sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas, nagsilbing tagapagdala ng mga mahahalagang papeles na katulad ng mga istratehiya sa digmaan at mga plano ng pag-atake si Agueda Esteban sa pagitan ng kanyang asawa na si Koronel Barroga na nasa Maynila at ni Heneral Ricarte na nasa San Francisco de Malabon sa Cavite.[2][3] Hindi kailanman pinaghinalaang bahagi ng mga aktibidad sa rebolusyon si Agueda Esteban dahil siya ay isang babae.[1]
Naaresto sina Agueda Esteban, ang kanyang asawa na si Koronel Barroga, at Heneral Ricarte noong Hulyo 1, 1990 matapos matuklasan ng mga awtoridad ang mga nakatagong granada sa bahay nina Agueda Esteban.[1]
Naiwan si Agueda Esteban upang alagaan ang kanyang pamilya noong napatapon sa Guam ang kanyang asawa kasama ang iba pang mga rebolusyunaryo noong Enero 16, 1901.[1]
Ipinagpatuloy pa rin ni Agueda Esteban ang planong buhayin ang rebolusyon kasama si Heneral Ricarte sa kabila ng pagkamatay ng kanyang asawa.[1]
Nakulong sa Old Bilibid Prison si Agueda Esteban noong 1904 pagkatapos matuklasan ng mga ahente ng Amerikano ang kanilang plano.[1]
Pagkatapos palayain si Agueda Esteban ay nagpatuloy pa rin ang kanyang pakikipag-ugnayan kay Heneral Ricarte.[1]
Kamatayan
baguhinYumao si Agueda Esteban noong Abril 1945 sa edad na 70 taong gulang habang siya ay papunta sa kabundukan ng Hilagang Luzon para samahan ang kanyang asawa na si Heneral Ricarte.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 1.14 Mosura, Alve. "Agueda Esteban (1868 - 1945)". Amazing Filipino Women Heroes. Philippine Veterans Affairs Office - Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 28, 2022. Nakuha noong Pebrero 21, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "Women in the Revolution". Philippine Journal of Education, Volume 76 on Google Books. Agosto 1997. Nakuha noong Pebrero 21, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 "CENTRAL LUZON & NCR, Philippines Unsung Heroes". www.msc.edu.ph. Nakuha noong Pebrero 21, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Palafox, Quennie Ann J. (Setyembre 4, 2012). "Our Founding Mothers: Lest We Forget". National Historical Commission of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 2, 2022. Nakuha noong Pebrero 21, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)