Ang Airbus A340 ay isang mahabang range, apat na makina, malawak na katawang pampasaherong komersyal na jet airliner na ginawa na kompanyang Europeo na Airbus. Ito ay pinagkakabit-kabit sa Toulouse, Pransya. Nakakaupo dito ang 375 mga pasahero sa karaniwang uri at 400 mga pasahero sa pinahabang seryeng 600. Depende sa modelo, mayroon itong range sa pagitan ng 6,700 hanggang 9,000 milya (10,800 hanggang 14,500 km).

A340-300

Marami mga kompanyang airlines ang gumagamit nito kagaya ng Philippine Airlines. Isa ito sa pinakamalaking eroplano sa buong mundo. Ang kalaban nito ay ang Boeing 777 na gawa naman ng kompanya ng Boeing. Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.