Si Akihiko Hoshide (星出 彰彦 Hoshide Akihiko?, born December 28, 1968) ay isang inhenyerong Hapon at astronaut ng JAXA. Noong 30 Agosto 2012, si Hoshide ang naging pangatlong astronaut na Hapon na naglakad sa kalawakan.[1]

Akihiko Hoshide
NASDA/JAXA Astronaut
KabansaanJapanese
EstadoActive
Kapanganakan (1968-12-28) 28 Disyembre 1968 (edad 55)
Setagaya, Tokyo, Japan
Ibang trabaho
Engineer
Panahon sa kalawakan
140 araw 17 oras 26 minuto
Seleksiyon1999 NASDA Group
Kabuoang EVA
3
Kabuoang panahon sa EVA
21 oras at 23 minuto
MisyonSTS-124, Soyuz TMA-05M (Expedition 32/33)
Sagisag ng misyon

Personal na buhay

baguhin

Siya ay ipinanganak noong 1968 sa Setagaya, Tokyo, Japan, ngunit lumaki sa New Jersey, Estados Unidos.[2]

Edukasyon

baguhin

Nakatanggap siya ng International Baccalaureate Diploma mula sa United World College of South East Asia noong 1987, isang Bachelor’s degree sa Mechanical Engineering mula sa Keio University noong 1992, at isang Master of Science degree in Aerospace Engineering mula sa University of Houston Cullen College of Engineering noong 1997.

Karanasan

baguhin

Pumasok siya sa National Space Development Agency of Japan (NASDA) noong 1992 at nagtrabaho sa pagpapaunlad ng H-II launch vehicle nang dalawang taon. Mula 1994 hanggang 1999, siya ay naging astronaut support engineer para sa NASDA Astronaut Office, tinaguyod ang pagpapaunlad ng astronaut training program at sinuportahan si astronaut Koichi Wakata sa pagsasanay at misyon nito sa STS-72.

Karera bilang astronaut

baguhin
 
Hoshide taking a space selfie during extravehicular activity (EVA) on September 5, 2012, with the Sun behind him.

Noong Pebrero 1999, si Hoshide ay pinili ng NASDA (JAXA ngayon) bilang isa sa tatlong Hapon na kandidatong Hapon para sa International Space Station (ISS). Nagsimula ang kanyang ISS Astronaut Basic Training program noong Abril 1999 and at naging sertipikadong astronaut noong Enero 2001. Simula Abril 2001, sumali siya sa ISS Advanced Training, pati na rin sa pagtataguyod ng pag-unlad ng hardware at operasyon ng Japanese Experiment Module Kibō at ng H-II Transfer Vehicle (HTV).

Noong Mayo 2004, natapos niya ang Soyuz-TMA Flight Engineer-1 training sa Yuri Gagarin Cosmonaut Training Center sa Star City, Russia at pagkaraan ay lumipat sa Johnson Space Center. Natapos niya ang NASA Astronaut Candidate Training at itinalaga bilang tripulante ng STS-124, ang pangalawa sa tatlong lipad na magdadala ng component sa International Space Station upang matapos ang laboratoryong Kibō ng Japan noong Mayo 2008.

Pagkaraang matagumpay na makabalik sa Daigdig pagkaraan ng misyong STS-124, ginamit ni Hoshide ang kanyang oras sa pakikipag-usap sa mga mag-aaral tungkol sa kanyang misyon. Binisita niya ang ilang paaralan gaya ng  Assumption St. Bridget School at Thomas Jefferson High School for Science and Technology.

Naglakay muli siya pabalik ng International Space Station noong 15 Hulyo 2012 sakay ng Soyuz TMA-05M. Sa kanyang pamamalagi, siya ay matagumpay na nag-record ng unang voice acting performance mula sa kalawakan para sa isang cameo appearance sa ika-31 episode ng seryeng anime na Space Brothers, at ipinalabas noong 4 Nobyembre 2012.[3][4]

Ang kanyang mga space selfie noong 2012, kasama ng isa pang space selfie na nakapaskil sa Instagram[5] ay lumabas maraming listahan ng selfie noong 2013.[6][7]

Noong 10 Hunyo 2014, ipinahayag ng NASA na si Hoshide ang magiging commander ng undersea exploration mission na NEEMO 18  sakay ng Aquarius underwater laboratory, nagsimula noong 21 Hulyo 2014 at nagtagal ng siyam na araw.[8][9]

Sanggunian

baguhin
  1. William Harwood (Agosto 30, 2012). "Spacewalkers run into major snag replacing power unit". Spaceflight Now. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 3, 2013. Nakuha noong Setyembre 1, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. NASA (Abril 29, 2008). "NASA - Preflight Interview: Mark Kelly, Commander". NASA. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 3, 2013. Nakuha noong Agosto 31, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Astronaut Hoshide to Record Space Brothers Cameo from Space". Anime News Network. Hulyo 14, 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 22, 2013. Nakuha noong Agosto 30, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Astronaut Successfully Dubs Space Brothers Anime From Space". Anime News Network. Oktubre 8, 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 29, 2013. Nakuha noong Oktubre 11, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Gordon, Naomi (Disyembre 11, 2013). "8 surprising celebrity selfies: Pope Francis, Darth Vader and the Obamas". Digital Spy. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 27, 2013. Nakuha noong Disyembre 27, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Seven of the best selfies you will see today: As selfie is named word of the year, we round up seven of the best". Metro. Nobyembre 19, 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 30, 2014. Nakuha noong Disyembre 27, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Obama caught snapping 'funeral selfie': Craziest selfies of all time". NY Daily News. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 28, 2013. Nakuha noong Disyembre 27, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "NASA Announces Two Upcoming Undersea Missions". NASA. Hunyo 10, 2014. Nakuha noong Hunyo 26, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Bergin, Chris (Hunyo 11, 2014). "NEEMO returns with two new underwater missions". NASASpaceflight. Nakuha noong Hunyo 24, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)