Si Alain Clément (ipinanganak noong 1925) ay isang Pranses na tagapamahayag, korespondiyente, at komentarista. Isa siya sa mga itinuturing na pinakapalaisip at mapunahing manunuri ng mga kaganapang pampolitika sa Estados Unidos.[1]

Alain Clément
Kapanganakan1925
MamamayanPransiya
Trabahomanunulat

Talambuhay

baguhin

Isinilang siya sa Douai, Pransiya. Nag-aral siya sa Sorbonne. Noong 1925, sumali siya sa pahayagang Le Monde ng Paris. Mula 1948 hanggang 1962, naging korespondiyente siya ng Le Monde sa Alemanya. Nang lumaon, naging korespondiyente siya ng pahayagang ito sa Estados Unidos, na nakabase sa Washington, D.C.. Nakilala siya dahil sa kanyang mga pagtalakay ukol sa mga pangyayari sa pamahalaan ng Estados Unidos, pati na ang hinggil sa mga personaheng nagsisiganap sa gobyernong ito.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Patrick O'Donovan; Marcus Cunliffe; Alain Clément; Massimo Salvadori; Sigmund Skard; Peter von Zahn; Max Warren; Herbert von Borch; Raymond Aron (1965). "Alain Clément". The United States, Life World Library. Time-Life Books, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), paglalarawan sa may-akda ng Kabanata 3: The Enduring Flexibility of a Political System ng aklat na ito, pahina 50.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.