Alamang
Ang alamang[1] (Ingles: krill) o aramang ay isang espesye ng mga maliliit na hipon. Ang mga ito ay isang uri ng mga hayop na inbertebrado na naninirahan sa dagat. Mahahalagang mga organismong sooplankton ang maliliit na mga krustasyanong ito, partikular[2] na bilang pangunahing pagkain ng mga balyena[3], mga dambuhalang page (mga higanteng manta), mga isdantuko, mga karnerong-dagat na kumakain ng alimango, at iba pang mga karnerong-dagat, at ilang uri ng mga ibong-dagat na halos kumakain lamang ng mga ito. Isa pang katawagan sa mga kril ang euphausiid, mula sa kanilang ordeng pangtaksonomiyang Euphausiacea. Nagmula ang pangalang krill mula sa Noruwegong krill na may ibig sabihing "batang kawag-kawag," "batang similya ng isda," o "batang tagumanak ng isda," na ikinakabit din sa iba pang mga uri ng isda.
Euphausiacea | |
---|---|
Isang hilagaing kril (Meganyctiphanes norvegica) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Subpilo: | |
Hati: | |
Superorden: | |
Orden: | Euphausiacea Dana, 1852
|
Mga pamilya at sari | |
Euphausiidae
|
Mga sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
- ↑ Encarta Reference Library Premium 2005.
- ↑ Gaboy, Luciano L. Krill - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.