Sulat Hanunuo
Ang Hanunoo (PPA: [hanunuʔɔ]), na isinasalin din bilang Hanunó'o, ay isa sa mga kaparaanan ng pagsulat na katutubo sa Pilipinas at ginagamit ng mga Mangyan ng katimugang Mindoro upang isulat ang wikang Hanunó'o.[1][2] Ito ay isang abugida na nagmula sa Sulat Brahmiko na malapit ang kaugnayan sa Sulat Tagalog, at kilala ito na nakasulat patayo ngunit sinusulat pataas, sa halip na pababa na nasa halos lahat ng ibang kaparaanan ng pagsulat (bagaman, binabasa ito ng pahalang mula sa kaliwa papuntang kanan). Madalas itong nakasulat sa kawayan sa pamamagitan ng pag-ukit ng mga titik nito ng patalim.[3][4] Karamihan sa mga kasalutang Hanunó'o ay kamakailan lamang dahil madaling masira ang kawayan at samakatuwid, mahirap matukoy ang kasaysayan nito.[5]
Hanunó'o (Baybaying Mangyan/Surat Mangyan) ᜱᜨᜳᜨᜳᜢ | |
---|---|
Uri | Abugida |
Mga wika | Hanunó'o |
Panahon | s. 1300–kasalukuyan |
Mga magulang na sistema | |
Mga kapatid na sistema | Sa Pilipinas: Buhid (Mangyan Baybayin, Surat Mangyan) |
ISO 15924 | Hano, 371 |
Direksyon | Kaliwa-kanan |
Alyas-Unicode | Hanunoo |
Lawak ng Unicode | U+1720–U+173F |
Kayarian
baguhinKumakatawan ang labinlimang saligang titik ng sulat Hanunó'o sa tig-iisa sa mga labinlimang katinig /p/ /t/ /k/ /b/ /d/ /ɡ/ /m/ /n/ /ŋ/ /l/ /r/ /s/ /h/ /j/ /w/ na susundan ng likas na katinig /a/.[4] Isinusulat ang mga ibang pantig sa pagbabago ng bawat titik gamit ang isa sa dalawang kudlit na nagbabago ng tunog ng patinig tungo sa /i/ o /u/.[3] Pareho ang glipo para sa /la/ at /ra/ ngunit magkaiba ang mga glipo para sa /li/ at /ri/, pati na rin para sa /lu/ at /ru/. Mayroon ding tatlong glipo na kumakatawan sa mga patinig na nag-iisa (ponetikong pinangungunahan ng impit, isinusulat bilang q sa Romanong pagsasatitik).[6] Hindi isinusulat ang mga huling katinig, kaya kailangang ipasiya ayon sa konteksto.[3] Si Antoon Postma, isang antropologong Olandes, na pumunta sa Pilipinas mula sa Olanda noong dekada 1950, ay nagpakilala sa pamudpod ( ᜴ ) upang ipahiwatig ang huling katinig na pantig.[7] (Nagsisilbi ang pamudpod bilang isang virama.)
Mga Patinig ng Hanunó'o | |||||
---|---|---|---|---|---|
Pauna | Dumidepende | ||||
Transkripsyon | a | i | u | i | u |
Titik | ᜠ | ᜡ | ᜢ | ᜲ | ᜳ |
Mga Pantig ng Hanunó'o[7] | ||||||||||||||||||
Transkripsyon | k | g | ng | t | d | n | p | b | m | y | r | l | w | s | h | |||
Katinig + a | ᜣ | ᜤ | ᜥ | ᜦ | ᜧ | ᜨ | ᜩ | ᜪ | ᜫ | ᜬ | ᜭ | ᜮ | ᜯ | ᜰ | ᜱ | |||
Katinig + i | ᜣᜲ | ᜤᜲ | ᜥᜲ | ᜦᜲ | ᜧᜲ | ᜨᜲ | ᜩᜲ | ᜪᜲ | ᜫᜲ | ᜬᜲ | ᜭᜲ | ᜮᜲ | ᜯᜲ | ᜰᜲ | ᜱᜲ | |||
Katinig + u | ᜣᜳ | ᜤᜳ | ᜥᜳ | ᜦᜳ | ᜧᜳ | ᜨᜳ | ᜩᜳ | ᜪᜳ | ᜫᜳ | ᜬᜳ | ᜭᜳ | ᜮᜳ | ᜯᜳ | ᜰᜳ | ᜱᜳ | |||
Kasama ang pamudpod | ᜣ᜴ | ᜤ᜴ | ᜥ᜴ | ᜦ᜴ | ᜧ᜴ | ᜨ᜴ | ᜩ᜴ | ᜪ᜴ | ᜫ᜴ | ᜬ᜴ | ᜭ᜴ | ᜮ᜴ | ᜯ᜴ | ᜰ᜴ | ᜱ᜴ |
Paalala: Nang walang wastong suporta sa pagsasalin, dapat kahawig ang pantig ng Hanunó'o na NGU sa itaas (ᜥᜳ) ng italikong V na isinama sa dalawang, agapay at pahilis na linya ( \\ ).
Gumagamit ang sulat na ito ng solong ( ᜵ ) at dobleng ( ᜶ ) panandang danda.[7]
Direksyon ng pagsusulat
baguhinKaraniwang isinusulat ang sulat Hanunó'o palayo sa katawan (mula ibaba pataas) sa mga tudling mula kaliwa pakanan.[3] Sa loob ng mga tudling, maaaring magkaroon ng anumang oryentasyon ang mga titik ngunit dapat pare-pareho ang oryentasyon para sa lahat ng mga titik sa isang teksto. Kadalasang patayo ang mga titik na nasa kaliwa ang tuldik ng /i/ at nasa kanan ang /u/, o pahalang na nasa itaas ang /i/ at nasa ibaba ang /u/.[6] Madalas na nagsusulat ang mga taong kaliwete nang pabaligtad sa direksyon ng pagsusulat (kanan pakaliwa sa halip ng kaliwa pakanan) at sa mga titik mismo.[4]
Pag-aaral ng pagsusulat
baguhinPangunahing nang pinag-aaralan ng mga binatang at dalagang Hanunó'o (tinatawagang layqaw) ang pagsusulat upang kabisaduhin ang mga awit ng pag-ibig. Ang layunin ay matutuo ng mararaming kanta hangga't maaari, at nakatutulong ang paggamit nitong kaparaanan sa pagsulat ng mga kanta sa prosesong ito. Ginagamit din ito upang magsulat ng mga liham, abiso, at iba pang dokumento. Hindi kinakabisaduhan nang magkakasunod ang mga titik; kadalasang nagsisimula ang mga mag-aaral sa pagsusulat ng kanilang pangalan. Mataas ang kanulatan sa mga Hanunó'o kahit may kakulangan sa pormal na edukasyon sa pagsusulat nito.[4]
Unicode
baguhinAng sakop ng Hanunó'o sa Unicode ay U+1720–U+173F:
Hanunoo[1][2] Ang opisyal na pangkodigong talangguhit ng Unicode Consortium (PDF) | ||||||||||||||||
0 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | A | B | C | D | E | F | |
U+172x | ᜠ | ᜡ | ᜢ | ᜣ | ᜤ | ᜥ | ᜦ | ᜧ | ᜨ | ᜩ | ᜪ | ᜫ | ᜬ | ᜭ | ᜮ | ᜯ |
U+173x | ᜰ | ᜱ | ᜲ | ᜳ | ᜴ | ᜵ | ᜶ | |||||||||
Talababa |
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ http://newsinfo.inquirer.net/985669/protect-all-ph-writing-systems-heritage-advocates-urge-congress
- ↑ Postma, Antoon (Hulyo 1971). "Contemporary Mangyan Scripts". Philippine Journal of Linguistics. 2 (1): 1–12.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Rubino, Carl. "The Hanunoo Script". Ancient Scripts of the Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-10-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 Conklin, Harold C. (2007). Fine Description: Ethnographic and Linguistic Essays. New Haven: Yale University Southeast Asia Studies. pp. 320–342.
{{cite book}}
: Unknown parameter|lagnuage=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Postma, Antoon (Hulyo 1971). "Contemporary Mangyan Scripts". Philippine Journal of Linguistics (sa wikang Ingles). 2 (1): 1–12.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Daniels, Peter; William Bright (1996). The World's Writing Systems. New York: Oxford University Press. pp. 481–484.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 "Chapter 17: Indonesia and Oceania" (PDF). Unicode Consortium. Marso 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)