Para sa uri ng bato, pumunta sa batong pamantig.

Ang Pantig ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.

Mga Pormasyon ng PantigBaguhin

Sa Wikang Filipino, ang sampu na pormasyon ng pantig ay ang mga sumusunod:

  • P - (patinig), halimbawa: a-so
  • KP -(katinig-patinig), halimbawa: ba-ta
  • PK -(patinig-katinig), halimbawa: es-trang-he-ro
  • KPK -(katinig-patinig-katinig), halimbawa: bun-dok
  • PKK - (patinig-katinig-katinig), halimbawa: ins-tru-men-to
  • KKP -(katinig-katinig-patinig), halimbawa: pro-tes-ta
  • KKPK -(katinig-katinig-patinig-katinig), halimbawa: plan-tsa
  • KKPKK -(katinig-katinig-patinig-katinig-katinig), halimbawa: tsart
  • KPKK -(katinig-patinig-katinig-katinig), halimbawa: nars
  • KKPKKK - (katinig-katinig-patinig-katinig-katinig-katinig), halimbawa: shorts


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.