Aklat

katipunan ng mga nailimbag na akda
(Idinirekta mula sa Libro)

Aklát o libró ang tawag sa katipunan ng mga nilimbag na akda.[1] Pisikal na bagay ang tipikal na itinuturing na mga aklat; gayunpaman, maaari rin itong tumukoy sa isang bahagi ng mas mahabang komposisyon, tulad ng kaso ng mga aklat sa Bibliya. Ang digital na katumbas ng mga aklat ay tinatawag naman na mga ebook, samantalang audiobook naman ang tawag sa mga aklat na nasa anyong tunog.

Napiling Artikulong KandidatoWikipedia:Mga nominasyon para sa Napiling Artikulo at Larawan
Napiling Artikulong Kandidato
Mga aklat.
Mga aklat.

Dahon ang tawag sa mga indibidwal na papel ng isang aklat, samantalang pahina naman ang tawag sa bawat harap at likod nito. Lomo naman ang tawag sa likurang bahagi o pinakatadyang ng isang aklat na hindi pa nabibigkis.[2] Ayon sa isang dokumento ng UNESCO noong 1964, maituturing na isang aklat ang isang limbag kung ito ay may 49 na pahina (25 dahon) o higit pa.[3] Tinatayang nasa 130 milyong aklat ang nailathala hanggang noong 2010, ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Google.[4]

Etimolohiya

baguhin

Hindi malinaw ang etimolohiya ng salitang aklat. Lumabas ito sa Vocabulario de la lengua tagala (1754) bilang aclat. Ayon dito, ang naturang salita ay ginamit din bilang isang pandiwa, para sa akto ng pagbuklat sa aklat.[5]

Samantala, direktang hiniram naman mula sa wikang Espanyol ang salitang libro.[6] Ginagamit din ito bilang isang pandiwa, para gawing aklat ang isang bagay (hal. pelikula o kanta).[6]

Kasaysayan

baguhin

Sinaunang panahon

baguhin
 
Isang kunipormeng ginawa noong panahon ni Xerxes I ng Imperyong Achaemenid, sa lalawigan ng Armenia (ngayo'y Lalawigan ng Van, Turkiye).

May mga ebidensiya na may wika na'ng ginagamit ang mga sinaunang tao simula pa noong tinatayang 35000 BKP. Gayunpaman, lumitaw lang ang pagsusulat noong tinatayang 3500–3000 BKP sa Sumer sa Mesopotamia.[7] Dito umusbong ang pagsusulat sa mga tabletang gawa sa luwad, na tinatawag na mga kuniporme (Ingles: cuneiform). Kumalat ang paraan ng pagsusulat na ito mula sa Sumer papunta sa mga kapitbahay nitong rehiyon, partikular na sa Ehipto, kung saan naimbento naman ang mga hiroglipo (Ingles: hieroglyphics).

Ginamit ang mga tableta mula Panahon ng Bronse hanggang Bakal. Bukod sa luwad, nagsusulat din ang mga sinaunang tao sa mga tabletang gawa sa pagkit.[8] Gayunpaman, maraming mananalaysay ang nagtuturo sa pinagmulan ng mga aklat sa mga papiro (Ingles: papyrus) ng mga taga-Ehipto.[9] Tinatayang unang nagawa noong 3000 BKP, ginagawang mga scroll ang mga ito sa pamamagitan ng pagtatahi sa mga indibidwal na pahina nito. Gawa ito sa halamang tambo, na laganap sa mga dalampasigan ng Ilog Nile.[8]

 
Isang pagguhit noong ika-19 na siglo na nagpapakita sa Dakilang Aklatan ng Alexandria. Ang naturang aklatan ang kinikilala bilang pinakamalaking aklatan ng sinaunang panahon.

Lumaganap ang paggamit ng mga scroll na papiro pagsapit ng ika-6 na siglo BKP sa mga bansa sa Dagat Mediteraneo, partikular na sa mga Griyego at Romano. Sa panahong ito, tinatayang nasa kalahating milyong scroll ang nasa Dakilang Aklatan ng Alexandria, mga 30 hanggang 70% ng lahat ng mga nagawang aklat nung panahong yon ayon sa ilang mga iskolar.[9] Ang monopolyo ng Ehipto sa papiro ang isa sa mga dahilan kung bakit naghanap ang mga karatig-bansa nito ng ibang alternatibong pagsusulatan.

Gawa sa balat ng hayop na pinanipis ang mga pergamino (Ingles: parchment). Kumpara sa papiro, mas madali itong sulatan, at nasusulatan ang harap at likod nito. Pagsapit ng ika-2 hanggang ika-4 na siglo KP, naisipan ng mga Romano na pagsamahin ang papiro at pergamino, at lagyan ng isang pabalat na gawa sa kahoy. Ang imbensiyong ito, na tinatawag na kodeks (Ingles: codex, maramihan codices), ang itinuturing ng mga eksperto bilang ang tunay na ninuno ng mga modernong aklat. Mabilis na tinangkilik ito ng mga tao, dahil na rin sa ginhawang hatid nito sa pagbabasa. Gayunpaman, nanatiling ginagamit pa rin ang mga scroll sa mga sekular na gawain, nang ilang siglo. Ang paglaganap ng Kristiyanismo noong ika-6 na siglo KP, sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga Kristiyanong manunulat sa kodeks, ang naging dahilan upang unti-unting lumaos ang mga scroll.[9] Tinatayang tumagal ang paggamit sa mga ito hanggang noong ika-8 siglo KP.[8]

Gitnang Panahon sa Silangang Asya

baguhin

Ang proseso ng paggawa sa papel ay nagsimula sa Tsina. May mga nahukay na bahagi ng mga sinaunang papel na tinatayang nagawa noong ikalawang milenyo BKP.[9] Samantala, ang eunuch na si Cai Lun ang itinuturing na nag-imbento sa proseso ng paggawa sa papel noong ikalawang siglo KP.[10] Ang prosesong ito ay sinasabing naipasa sa mga Muslim noong bandang 751 KP, sa rehiyon ng Samarkand.[11] Dumating naman ang prosesong ito sa Europa noong ika-13 siglo.[12] Dahil ginagawa ang karamihan sa mga papel sa lungsod ng Baghdad noon, tinawag itong bagdatikos.[13]

 
Harapan ng Diamond Sutra sa wikang Tsino, ang pinakamatandang napetsahang aklat sa mundo.

Samantala, nagsimula rin sa Tsina ang paglilimbag na silograpiya (Ingles: woodblock printing). Tinatayang nagsimula ito sa Dinastiyang Tang noong 700 KP. Noong 764 KP, nagpakomisyon naman si Prinsipe Shōtoku ng Hapón ng mga scroll na may nakalimbag na teksto ng mga dasal sa Budismo, isa sa mga pinakaunang halimbawa ng naturang proseso. Ang aklat na Diamond Sutra,[a][14] inilimbag noong 868 KP, ang itinuturing naman na pinakamatandang nailimbag na aklat napetsahan sa mundo.[9][15]

Tinatayang noong 971 KP, nilimbag rin sa lalawigan ng Zhejiang sa Tsina ang Tripitaka, isang banal na aklat sa Budismo, gamit ang mahigit 130,000 bloke ng kahoy para sa bawat pahina.[16] Gayunpaman, ang pagkakaroon ng maraming karakter sa mga wikang Tsino ang naging balakid upang hindi tuluyang umusad ang imbensyon na ito sa mas nakakarami. Samantala, gumawa rin ang kaharian ng Goryeo sa tangway ng Korea ng sarili nitong Tripitaka noong 1087.[16][17] Nakita ng mga hari ng Goryeo ang kahalagahan ng pagpreserba sa pagkakakilalanlan nila, dahil na rin sa tuloy-tuloy na pagsakop sa kanila ng mga tagalabas. Lalo pa itong naging mahalaga noong dekada 1220s nang sinugod at sinakop sila nang tuluyan (noong 1232) ng Imperyong Mongol sa pangunguna ni Ögedei Khan.[17]

Pinasunog ng mga Mongol ang Tripitaka noong 1232, kaya naman naglimbag muli sila ng bago.[17] Hindi ito matatapos hanggang 1251, kaya naman nagpalimbag rin sila ng iba pang mga aklat. Isa sa mga ito ang aklat na Sangjeong Gogeum Yemun,[b][16] na may mahigit 50 bolyum.[17] Inatasan ng hari noong 1234 ang ministrong si Choe Yun-Ui na ilimbag ito, at alam niya na kakailanganin nila ng napakaraming bloke ng kahoy para mailimbag ito.[16][17] Kaya naman, gumawa ng alternatibong paraan si Choe para solusyunan ito, na halos kapareho sa konsepto ng limbagang gagawin ni Johannes Gutenberg dalawang siglo sa hinaharap.[17]

 
Ang ginamit na nagagalaw na uri para mailimbag ang Jikji. Kasalukuyan itong nasa Timog Korea.
 
Ang Jikji, ang pinakalumang aklat na nalimbag gamit ang isang nagagalaw na uri. Kasalukuyan itong nasa Pambansang Aklatan ng Pransiya, sa Paris.

Nawala na sa kasaysayan ang aklat ni Choe.[17] Gayunpaman, noong 1377, inilimbag rin sa Goryeo ang Baegun Hwasang Chorok Buljo Jikji Simche Yojeol,[c] mas kilala sa pinaiksing tawag na Jikji.[17] Isinulat ito noong 1372 ng mongheng si Baegun, ang punong pari ng Templo ng Anguk at Shinwang sa Haeju sa ngayo'y Timog Korea. Namatay si Baegun noong 1374, tatlong taon bago ang paglimbag ng mga mag-aaral niya sa Jikji sa Templo ng Heungdeok sa Cheongju. May dalawang bolyum ito, pero tanging ang ikalawang bolyum lang ang nananatili hanggang ngayon. Ito ang itinuturing na pinakamatandang aklat na nailimbag gamit ang isang nagagalaw na uri (Ingles: movable type).[16]

Bagamat mas nauna ang Goryeo at Tsina sa paggawa sa unang limbagan kesa kay Gutenberg, hindi nila naipakalat ang paggamit nito sa mas makakarami, dahil na rin sa mga problemang panloob nila at sa paghihigpit ng mga pinuno nito sa paggamit sa naturang imbensyon.[17] Gayunpaman, posibleng nakaabot pa rin ito sa ma malalayong lugar dahil na rin sa laki ng sakop ng Imperyong Mongol noong 1200s. Noong naitatag ang Dinastiyang Yuan sa Tsina sa pangunguna ni Kublai Khan, inilipat niya ang kabisera ng imperyong Mongol sa Beijing. Maraming mga eksperto ang nagsasabi na posibleng naidala ng mga Mongol ang teknolohiya ng mga Koreano at Tsino papunta sa Gitnang Asya, partikular na sa mga Uyghur sa ngayo'y lalawigan ng Xinjiang sa Tsina, bagamat walang pisikal na patunay na nagpapatunay sa teoryang ito. Gayunpaman, ayon kay Tsien Tsuen-Hsien sa aklat na Science and Civilization in China (1985) ni Joseph Needham:

Kung may koneksyon man sa pagkalat ng paglilimbag sa pagitan ng Asya at ng Kanluran, may matinding opurtunidad para gumanap ng isang mahalagang papel sa pagpapakilalang ito ang mga Uyghur, na parehong gumagamit ng paglilimbag na silograpiya at sa nagagalaw na uri.[d][17]

— Tsien Tsuen-Hsien, Science and Civilization in China ni Joseph Needham

Gitnang Panahon sa Europa

baguhin
 
Isang halimbawa ng "pinaliwanag na manuskrito" (illuminated manuscript). Ang partikular na halimbawang ito ay mula sa aklat na Aklat ng mga Oras (Ingles: Book of Hours), tinatayang nilimbag noong 1460-65. Makikita ito ngayon sa Museo ng Sining ng Cleveland sa Estados Unidos.

Ang mga inobasyon na nagawa sa Asya ay di umabot sa Europa maging hanggang sa Gitnang Panahon, kaya naman mano-mano pa ring kinokopya ng mga eskriba ang mga aklat para makagawa ng panibagong kopya, lalo sa mga monasteryo. May mga silid ang mga malalaking monasteryo para lang sa gawaing ito, na tinatawag na scriptorium. Ginagawa rin sa mga silid na ito ang mga magagarang disenyo sa gilid. Tinatawag na mga pinaliwanag na manuskrito (Ingles: illuminated manuscript), ginagawa ito ng mga eskriba noong panahong yon para sa samu't saring bagay, madalas ng Simbahang Katoliko, at kahit maging sa mga batas, proklamasyon, at iba pang mga sekular na dokumento noong panahong yon.[9] Tinatayang nagsimula ito noong bandang 600 KP.[8]

Mahal at matrabaho ang paggawa sa mga aklat noong panahong ito, kahit na mataas ang pagpapahalaga ang binibigay ng marami sa mga ito. Gayunpaman, nang dumating ang papel mula Tsina sa Europa, nagmura ito nang kaunti. Ang mga Muslim ang unang nakagamit sa prosesong ito mula Tsina. Sinasabi na noong ika-12 siglo, may isang kalsada sa Marrakesh sa Morocco na may daan-daang nagbebenta ng aklat. Aabot pa ng dalawang siglo bago nagsimula ring gumawa ng mga papel ang mga Europeo.[9]

Johannes Gutenberg

baguhin
 
Kopya ng Bibliyang Gutenberg sa Pampublikong Aklatan ng New York. Kasalukuyang may 49 na kopya ang nananatili pa rin hanggang ngayon sa mundo.

Noong bandang dekada 1430s hanggang 1440s, sinubukan ng Aleman na si Johannes Gutenberg na gumawa ng isang mekanikal na limbagan. Matapos ng ilang mga prototype at paghahanap ng pondo para sa proyekto niya, matagumpay niyang nagawa ang isang mekanikal na nagagalaw na uri (Ingles: movable type) noong 1448.[9] Kilala ngayon bilang ang limbagang Gutenberg (Ingles: Gutenberg press), itinuturing ang imbensyong bilang isa sa mga pinakamahahalagang imbensyon ng tao. Sinimulan nito ang isang rebolusyon sa impormasyon at paglilimbag — ang "rebolusyong Gutenberg".[9] Nilimbag ni Gutenberg ang isang Bibliyang nasa wikang Latin, ngayon kilala bilang ang Bibliyang Gutenberg, noong 1450 hanggang 1455.[18] Ito ang unang mahalagang aklat na nailimbag gamit ang palimbagang ito. May 180 kopya na nalimbag, at naging matagumpay ito.[18][9] Ang tagumpay na ito ang naging dahilan para kumalat ang imbensyong ito mula Mainz kung saan nakatira si Gutenberg, papunta sa iba't ibang panig ng Alemanya at Europa.

Ika-16 hanggang ika-19 na siglo

baguhin

Malaki ang epekto ng imbensyon ni Gutenberg sa kabuuan ng Europa. Tinatayang nasa 300 palimbagan ang nakatayo sa Alemanya bago matapos ang ika-15 siglo. Ayon sa isang pag-aaral sa Estados Unidos, nasa 30,000 aklat lang ang nailimbag bago ang pagkakaimbento ni Gutenberg sa limbagan niya. Pagsapit ng sumunod na siglo, tinatayang umabot na ito sa 10 hanggang 12 milyon.[9]

Sumasang-ayon ang mga iskolar na isa sa mga dahilan ang pagkakaimbento sa palimbagan ni Gutenberg sa pagsisimula sa Renasimiyento sa Europa. Kasabay ng pag-usbong ng pandaigdigang kalakalan noong pagpasok ng ika-16 na siglo, marami rin ang nagkainteres sa sinaunang Gresya at Roma dahil sa pagkalat ng impormasyon ukol dito. Ang pagkalat ng mga aklat sa mas nakararami ang itinuturong dahilan para sa pag-usbong ng mga makabagong ideya sa pulitika, rehiliyon, kultura, at iba pa.[9]

Gayunpaman, may mga sumubok din na pigilan ang pagkalat na ito, wala pang isang siglo pagkatapos maimbento ni Gutenberg ang limbagan niya. Noong 1487, inutos ni Papa Inosente VII na dumaan muna sa mga otoridad ng Simbahan ang lahat ng mga aklat na ililimbag sa Europa, upang masiguro na nakasulat lang ang mga Bibliya sa wikang Latin, ang wika ng Simbahan. Ang paghihigpit na ito sa wika (bukod sa iba pang mga hinaing) ang iprinotesta ni Martin Luther noong 1517, nang ipaskil niya ang 95 Tisis, na nagpasimula sa Protestantismo at kalaunan sa Kontra-Reporma ng Simbahan.[9]

Kasabay ng unti-unting pagsalin sa Bibliya sa iba't-ibang wika, nagsimula rin ang pag-akda ng mga may-akda sa kanilang wika mismo, tulad ng Banal na Komedya ni Dante sa wikang Italyano at Mga Kuwento sa Canterbury ni Chaucer sa wikang Gitnang Ingles. Umusbong din ang mga aklatan sa iba't-ibang panig ng kontinente, tulad ng Pambansang Aklatan ng Espanya sa Madrid at ang Aklatan ng Britanya sa London.[9]

Ang mabilis na paglimbag sa mga aklat ang nagbigay-daan upang pagkakitaan ito ng mga may-akda at mga manlilimbag, na nagbigay-daan naman upang lumutang ang konsepto ng karapatang-sipi sa mga may-akda. Ang Estatutong Anna, ginawang batas noong 1710 sa Inglatera, ang tinuturing na ang unang batas tungkol sa karapatang-sipi. Kinopya ito ng mga mambabatas ng Estados Unidos matapos nilang lumaya sa Gran Britanya.[9]

Kasabay ng paglago ng industriya ang mga inobasyon na nagawa nito sa aklat. Noong 1500s, ginawa ng Italyanong si Aldus Manutious ang mga pocketbook. Lumabas naman ang mga unang pabalat sa aklat noong 1832.[8]

Ang patuloy na pagmura ng produksiyon sa mga aklat ang naging dahilan upang dumami ang mga nagbabasa. Sa Estados Unidos at Gran Britanya unang nagsulputan ang mga samahan ng mga nagbabasa.[8] Sa siglo ring ito nagkaroon ng mga pabalat na matigas (hardcover) at papel (paperback).[8]

Sa Pilipinas

baguhin
 
Harapan ng Doctrina Christiana, ang pinakaunang aklat na nalimbag sa Pilipinas.

Ang aklat na Doctrina Christiana ('Doktrinang Kristiyano') ang itinuturing na pinakaunang aklat na nalimbag sa Pilipinas. May tatlong bersyon ito, na nalimbag sa pagitan ng 1590 hanggang 1593. Ang una, pinamagatang Bian Zhengjiao Zhenchuan Shilu,[e] ay isinulat ng prayleng si Juan Cobo at nilimbag sa pamamagitan ng silograpiya at nakasulat sa wikang Tsino.[19] Nadiskubre lang ito noong 1952 sa Madrid, at pinaniniwalaang na ngayon ng mga eksperto na hindi ito napetsahan dahil di pa ito lisensiyado. Ito ang sinasabing aklat na tinukoy ni Gobernador-Heneral Perez Dasmariñas sa kanyang sulat noong 1593 sa hari ng Espanya na si Felipe II. Dito, nilahad niya na kailangan niyang makakuha ng lisensya para ilimbag ang dalawang Doktrina para sa pagpapakalat ng Kristiyanismo sa lugar.[20] Nagresulta ito sa sikat na bersyon ng Doctrina na nakasulat sa wikang Espanyol at Tagalog (sa parehong alpabetong Romano at Baybayin), na pinamagatang Doctrina Christiana en lengua espanola y tagala ('Doktrinang Kristiyano sa wikang Espanyol at Tagalog'). Nagkaroon rin ito ng bersyon sa wikang Tsino para sa komunidad ng mga Tsino sa lugar, na pinamagatan namang Doctrina Christiana en letra y lengua China ('Doktrinang Kristiyano sa sulat at wikang Tsino'). Nilimbag ng Tsinong manlilimbag na si Keng Yong, pinaniniwalaan ng mga mananalaysay na siya at ang sikat na manlilimbag na si Juan de Vera ay iisang tao lang dahil sa gawain noon ng mga prayle sa Pilipinas na gawing Kristiyano ang mga Tsino noon at bigyan sila ng isang Kristiyanong pangalan.[20]

Si Juan de Vera ang kinikilalang naglimbag rin sa ilang mga pinakaunang aklat sa Pilipinas. Noong 1604, nilimbag niya ang Ordinationes Generales Provintiae Sanctissimi Rosarii Philippinarum ('Mga Pangkalahatang Ordinansa ng mga Ordinansa sa Pilipinas ng Lalawigan ng Banal na Rosaryo sa Pilipinas'), na nakasulat sa wikang Latin. Ito ang itinuturing na ang pinakamatandang aklat na nalimbag gamit ang nagagalaw na uri, na nananatili hanggang ngayon.[19] Bukod dito, nilimbag din ni De Vera noong 1602 sa Binondo ang aklat na Libro de Nuestra Señora del Rosario en lengua y letra de Filipinas ('Aklat ng Mahal na Ina ng Rosaryo sa wika at sulat ng Pilipinas') ni Padre Francisco Blancas de San Jose. Gayunpaman, nawala na ito sa kasaysayan, at pinagdududahan ng mga iskolar kung ginawa ba ito sa nagagalaw na uri o sa pamamagitan ng silograpiya.[20] Si De Vera rin ang naglimbag sa aklat na Libro de los Cuatro Postrimerias del Hombre ('Aklat ng Apat na Kahahantungan ng Tao'), na sinulat rin ni Padre De San Jose noong 1604.[19][20] Pinaniniwalaan na tinuloy ng kapatid ni Juan, si Pedro de Vera, ang paglilimbag nang namatay ito.[19] Ilan sa mga nilimbag niya ang Memorial de la Vida Christiana en Lengua China,[f] na sinulat ni Padre Domingo de Nieva. Dito, ginamit ni Pedro De Vera ang isang kombinasyon ng mga paraan ng mga Tsino at ng mga Europeo.[19] Sa ganitong paraan niya rin nilimbag ang Simbolo de la Fe, en Lengua y Letra China.[g][19] Samantala, isinulat noong 1613 ang Vocabulario de la lengua tagala ng prayleng si Pedro de San Buenaventura, ang kauna-unahang diksyonaryo ng wikang Tagalog.[21][22] May dalawa pang Vocabulario ang sumunod na nilimbag, noong 1754 at noong 1860.[22]

Ang mga unang aklat sa Pilipinas ay puro mga doktrina ng Simbahan at diksyonaryo. Mga Tsino rin ang unang mga manlilimbag sa Pilipinas. Gayunpaman, ang Pilipinong si Tomas Pinpin ang sinasabing unang Pilipinong manlilimbag.[20][19] Taga-Abucay sa Bataan, kilala rin siya bilang ang unang Pilipinong may-akda, dahil sa pag-akda niya sa Librong Pagaaralan nang mga Tagalog nang Uicang Castila (moderno: 'Aklat ng wikang Espanyol na Pag-aaralan ng mga Tagalog') noong 1610. Nilimbag niya rin sa parehong taon ang Arte y Reglas de la Lengua Tagala ('Sining at Tuntunin ng wikang Tagalog') ni Padre De Jose, at noong 1613 naman, nilimbag niya ang Vocabulario de la Lengua Tagala sa tulong ni Domingo Loag, isang Pilipinong manlilimbag.[19] Bukod sa Laguna at Bataan, naglimbag rin siya sa Binondo, at nakagawa siya ng di bababa sa isang dosenang akda mula 1609 hanggang 1639.[20]

Tinatayang nasa 100 aklat ang nailimbag sa Pilipinas mula 1563 hanggang 1640.[19] Ayon sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), tinatayang nasa 6000 akda naman ang nailimbag sa bansa mula 1593 hanggang 1900.[20]

Modernong panahon

baguhin

Mataas na ang literasiya sa mga mauunlad na bansa sa Europa gayundin sa Estados Unidos pagpasok ng ika-20 siglo, kaya naman lalo pang dumami ang paggawa sa mga aklat sa panahong ito. Ang mga inobasyon sa paglilimbag ang nagpamura sa presyo ng mga aklat. Sa siglo ring ito umusbong ang mga aklat na pang-edukasyon at pampaaralan, gayundin ang mga aklat na tungkol sa isang partikular na paksa o larangan.[23]

Ang paglaki ng industriya ay pansamantalang pinabagal nang sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa. Sinundan ito ng Dakilang Depresyon noong dekada 1920s hanggang 1930s, na lalo pang nagpabagal sa industriya. Gayunpaman, gumawa ng mga paraan ang mga palimbagan para manatiling buhay sa panahong ito, kabilang na ang pagbibigay ng diskwento at paglimbag sa mas marami at mas murang mga paperback. Parehas ding bumagal ang industriya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dahil sa kakulangan sa mga papel.[23]

Pagkatapos ng digmaan, mabilis ding nakabawi ang industriya, partikular na ang industriya ng aklat sa Alemanya, kung saan halos nawala ang buong industriya nito matapos itong makatanggap ng matinding pinsala mula sa nagdaang digmaan.[23]

Patuloy ang paglago ng mga aklat sa sumunod na kalahati ng ika-20 siglo, kahit na sa pagpasok ng telebisyon at iba pang mga uri ng libangan. Gayunpaman, ang pagpasok ng mga kompyuter at kalaunan ang internet noong huling dekada ng siglo ang nagbigay-daan upang bumagal ang paglagong ito. Ang pag-usbong ng mga ebook at audiobook sa ika-21 siglo, at ang unti-unting pagsasa-digital ng mga aklat ang nagpapabago sa tanawin ng mga aklat sa kasalukuyan.[24]

Ayon sa nilalaman

baguhin
 
Mga nobela sa isang tindahan ng mga aklat.

Madalas hinahati ng mga aklatan ang mga aklat nila sa dalawa: piksyon at di-piksyon. Hinahati ang mga ito sa kani-kanilang mga dyanra, tulad ng komedya at horror sa piksyon.

Piksyon

baguhin
 
Mga aklat na piksyon sa isang aklatan.

Piksyon ang tawag sa kahit anong produkto ng imahinasyon. Kathang-isip ang nilalaman ng mga aklat na piksyon. Bagamat gawa-gawa ito, posible ibase ng may-akda ang kuwento niya sa isang tunay na pangyayari. Posible ring tunay ang mga lugar o maging mga karakter.[25]

Maraming dyanra ang piksyon. Nahahati ito kalimitan sa anim:[26]

  • Misteryo – mga kuwentong sumesentro sa isang misteryosong pangyayari tulad ng isang di maresolbang krimen. May mga clue na binibigay ang may-akda na madalas nakatago at nakakalat sa kuwento, pero tipikal na lalabas lang ang sagot sa misteryo sa dulo ng kuwento. Thriller, horror, at krimen ang ilan sa mga dyanrang nasa ilalim nito. Ang kuwento ni Sherlock Holmes na isinulat ni Arthur Conan Doyle at ang mga gawa ni Agatha Christie tulad ng And There Were None (1939) ang ilan sa mga sikat na halimbawa ng dyanrang ito.

Di-piksyon

baguhin
 
Mga aklat na di-piksyon sa isang aklatan.

Di-piksyon ang tawag sa mga aklat na naglalaman ng mga tunay na pangyayari o impormasyon. Halimbawa nito ang mga anekdota, ensiklopedya, at talambuhay. Bagamat tunay ang nilalaman ng mga aklat na ito, posible rin silang gumamit ng istraktura at paraan ng pagkukuwentong tulad ng mga piksyon, tulad ng aklat na In Cold Blood (1966) ni Truman Capote.[25]

May limang pangunahing uri ang di-piksyon:[32][33]

  • Nagagalugad – tulad ng mga tradisyonal na di-piksyon, nagbibigay din ito ng impormasyon. Gayunpaman, mas nagpopokus ito sa isang partikular na paksa, at kalimitang maiksi at para sa mga batang mambabasa.
  • Naratibo – mga di-piksyon na gumagamit ng mga estilo at paraan ng pagkukuwentong tulad ng mga piksyon. Bagamat matagal na itong ginagamit ng ilang mga manunulat, sumikat lang ang estilong ito noong pagpasok ng ika-21 siglo, kaya naman maraming mga talambuhay at mga aklat sa kasaysayan na nilimbag sa kasalukuyan ang kabilang sa dyanrang ito.
  • Ekspositoryo – mga di-piksyon na nagpopokus lang sa isang ispesipikong paksa. Madalas pambata, kalimitang agham at matematika ang pokus nito, at nagtatampok ng malikhaing sining upang mapukaw ang interes ng mambabasa.
  • Aktibo – mga di-piksyon na nagtuturo at naggagabay sa mambabasa ng isang kasanayan. Ilan sa mga halimbawa nito ang aklat-panluto at field guide.

Ayon sa pormat

baguhin

Hinahati din ang mga aklat base sa pormat nito — kung paano ito nilimbag. Sa mahabang panahon, may dalawang pormat lang ang meron: ang hardcover at paperback, pero sa pagpasok ng ika-21 siglo, nagkaroon din ng mga aklat na nililimbag nang digital (mga ebook) at nang tunog (mga audiobook).

Hardcover

baguhin

Hardcover (literal na 'matigas na pabalat') ang tawag sa mga aklat na may pabalat na gawa sa isang matigas na materyales. Sa modernong panahon, kalimitang cardboard ang materyales na ito. Nagmula ito sa mga kodeks na may pabalat na gawa sa kahoy.[34] Para maprotektahan ang pabalat nito, kalimitang nilalagyan ang mga ito ng dust jacket.[35]

Madalas na nililimbag muna ang isang aklat sa pormat na hardcover bago ang iba pang mga pormat. Madalas ding ito ang pormat na makikita sa mga aklatan, lalo sa mga sikat na aklat.[35]

Matitibay ang mga hardcover. Dahil dito, naging dominanteng pormat ito ng mga aklat sa mahabang panahon. Gayunpaman, mahal ang paglimbag sa ganitong paraan, kaya naman madalas na limitado lang ito sa mga aklat na inaasahang papatok o sisikat ng mga palimbagan sa modernong panahon. Unti-unti itong naungusan ng mga paperback simula noong dekada 1930s, at kalauna'y naungusan nang tuluyan noong dekada 1960s.[34] Gayunpaman, nananatiling mabenta ang mga hardcover dahil sa tibay nito at sa patuloy na pagtangkilik ng mga tao, bukod sa iba pang mga dahilan.[35]

Paperback

baguhin

Paperback (literal na 'papel na likod') ang tawag sa mga aklat na may pabalat na gawa sa malambot na materyales. Tinatangkilik ang mga ito dahil sa pagiging mura nito kumpara sa mas dominanteng hardcover.[35] Partikular na sumikat ito noong kasagsagan ng Dakilang Depresyon at sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa tinatawag na 'Rebolusyon ng Paperback'.[34][35]

May mga mura na'ng paperback bago pa man pumasok ang ika-20 siglo. Ang chapbook sa Europa ang isang maagang halimbawa nito. Samantala, sumikat naman noong ika-19 na siglo ang mga dime novel sa Estados Unidos at dime dreadful sa Gran Britanya.[34]

May dalawang klase ng paperback: pangmasa (Ingles: mass market) at pampalitan (Ingles: trade). Tipikal na mas maayos at mas mataas ang kalidad ang mga paperback na pampalitan kumpara sa mga bersyon nitong pangmasa.[34] Nililimbag madalas ang mga di-piksyon, memoir, at tula sa paperback na pampalitan, habang madalas namang nililimbag ang mga piksyon sa pangmasang paperback.[35]

Tinatayang noong dekada 1960s naungusan ng mga paperback ang mga hardcover pagdating sa benta. Ayon sa Kapisanan ng mga Amerikanong Manlilimbag (AAP), tinatayang nasa 56% sa mga aklat na nabenta noong 2009 ang paperback (parehong pangmasa at pampalitan), kumpara sa 35% ng mga hardcover.[34]

 
Isang ebook na binabasa gamit ang isang e-reader.

Ebook ang tawag sa mga aklat na nalimbag sa paraang digital. Depende sa mga kahulugan, maaari rin itong tumukoy sa digital na bersyon ng isang pisikal na aklat. Dahil dito, kilala rin ito sa tawag na electronic book ('elektronikong aklat') at digital book ('aklat na digital').[34]

Binabasa ang mga ebook gamit ang isang smartphone, kompyuter, o di kaya'y isang e-reader. Kumpara sa mga pisikal na aklat, mas mura kalimitan ang paglimbag sa mga ebook. Dahil sa pagiging digital nito, hindi ito nawawala sa merkado, at madaling mada-download at mababasa agad ito ng mga mambabasa.[34]

Ang mga unang ebook ay puro mga aklat na nasa pampublikong domain. Pag-usbong ng internet sa ika-21 siglo, nagsimulang maglimbag din ang mga palimbagan ng mga ebook bukod sa mga pisikal na aklat. Nagsulputan din ang mga online na tindahan ng aklat, katulad ng Amazon at Play Books ng Google. Bagamat maliit na porsyento lang ng mga aklat na nabebenta kada taon ang ebook sa ngayon, unti-unti itong tumataas, at inaasahan tataas pa ito lalo. Gayunpaman, malaking problema sa industriya ang pamimirata sa mga ebook.[34]

Audiobook

baguhin

Audiobook ang tawag sa mga aklat na nasa anyong tunog. Isa itong recording ng boses ng isang narrator, na papakinggan naman ng tagapakinig. Nagsimula noong dekada 1930s sa Estados Unidos bilang isang kagamitan sa edukasyon, naging isang pormal na pormat ito ng mga aklat pagpasok ng ika-21 siglo sa tulong ng internet.[36]

Kilala ito dati sa tawag na talking book (literal na 'nagsasalitang aklat'). Orihinal itong rinerekord sa mga cassette o vinyl. Sa kasalukuyan, naka-digital na ang halos lahat ng mga audiobook, na mapapakinggan naman sa isang smartphone, kompyuter, o entertainment system. Binebenta ang mga ito sa mga online na tindahan ng musika, tulad ng Spotify, o di kaya'y sa isang dedikadong tindahan para sa mga audiobook tulad ng Audible.[36]

Ayon sa sukat

baguhin

Nakadepende ang sukat ng isang aklat base sa papel nito. Galing ang mga pangalan ng sukat sa dami ng tiklop na kailangang gawin para makagawa ng isang pahina. Halimbawa, ang tiniklop ang orihinal na papel nang apat na beses sa sukat na 'quarto'.[37]

Ipinapakita ng talahanayan sa baba ang iba't-ibang sukat ng mga aklat na ginagamit sa industriya.

Mga sukat ng aklat[37]
Pangalan Sukat
miniature >2 pul × 1.5 pul (5.08 cm × 3.81 cm)
sexagesimo-quarto (64mo) 2 pul × 3 pul (5.08 cm × 7.62 cm)
quadragesimo-octavo (48mo) 2.5 pul × 4 pul (6.35 cm × 10.16 cm)
tricesimo-secondo (32mo) 3.5 pul × 5.5 pul (8.89 cm × 13.97 cm)
octodecimo (18mo) 4 pul × 6.5 pul (10.16 cm × 16.51 cm)
sextodecimo (16mo) 5 pul × 7.5 pul (12.70 cm × 19.05 cm)
duodecimo (12mo) 5 pul × 7.375 pul (12.70 cm × 18.73 cm)
duodecimo (malaki) (12mo) 5 pul × 7.5 pul (12.70 cm × 19.05 cm)
crown octavo (8vo) 6 pul × 9 pul (15.24 cm × 22.86 cm)
octavo (8vo) 6 pul × 9 pul (15.24 cm × 22.86 cm)
medium octavo (8vo) 6.125 pul × 9.25 pul (15.56 cm × 23.50 cm)
royal octavo (8vo) 6.5 pul × 10 pul (16.51 cm × 25.40 cm)
super octavo (8vo) 7 pul × 11 pul (17.78 cm × 27.94 cm)
imperial octavo (8vo) 8.25 pul × 11.5 pul (20.96 cm × 29.21 cm)
quarto (4to) 9.5 pul × 12 pul (24.13 cm × 30.48 cm)
folio (fo) 12 pul × 19 pul (30.48 cm × 48.26 cm)
elephant folio (fo) 23–25 pul (58.42–63.50 cm)
atlas folio (fo) 25–50 pul (63.50–127.00 cm)
double elephant folio (fo) 50 pul (127.00 cm)+

Aklatan

baguhin
 
Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa Ermita sa Maynila.

Aklatan ang tawag sa isang silid o gusali na may koleksyon ng mga aklat.[38] Tinatawag ding ito na bibliyoteka at ateneo.[38] Maaari rin itong tumukoy sa isang koleksyon ng mga aklat. Sa modernong panahon, naglalaman ang mga karamihan sa mga aklatan ng parehong pisikal at digital na mga aklat. Posible rin itong nasa internet lang, tulad ng kaso ng Proyektong Gutenberg. Bukod sa mga aklat, maaari ding maglaman ang mga aklatan ng mga CD, DVD, kompyuter, at iba pang mga paraan para makakuha ng impormasyon.[39]

Makikita madalas ang mga aklatan sa mga paaralan, bagamat may mga pampublikong aklatan din tulad ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Nagkakaiba ang laki ng mga aklatan depende sa koleksyon nito; ang Aklatang Briton at ang Aklatan ng Kongreso ng Estados Unidos ay may mahigit 170 milyong aklat sa kanilang koleksyon.[40]

Orihinal na ginawa ang mga aklatan upang mga mga taguan ng aklat. Ang Dakilang Aklatan ng Alexandria ay ang pinakamalaking aklatan ng sinaunang panahon, kung saan nasa 200,000 hanggang 700,000 aklat ang tinatayang nakatago. Pagsapit ng ika-11 siglo, unti-unting naitatag ang mga pamantasan sa Europa, at nagkaroon ang mga ito ng mga aklatan. Sa mga sumusunod na siglo, lumaganap ang pagkakaroon ng mga pribadong aklatan, lalo na sa mga hari sa Europa. Gayunpaman, ang pagpasok ng Renasimiyento ang naging dahilan upang magkaroon ng mga aklatan na para mga iskolar. Ang Biblioteca Marciana ng Cosimo de' Medici at ang aklatan ni Lorenzo de' Medici ang ilan sa mga maagang halimbawa nito. Samantala, ang pagpasok ng internet sa ika-21 siglo ang nagbigay-daan naman upang magkaroon ng mga tinatawag na virtual library (literal na 'aklatang birtwal'), na inaalok ng maraming mga aklatan bilang isang karagdagang serbisyo.[39]

Klasipikasyon

baguhin

Hinahati ng mga unang aklatan ang kanilang mga aklat base sa mga malalawak na paksa, tulad ng mga agham, pilosopiya, rehiliyon, at batas. Halimbawa nito ang sistemang Pinakes na ginamit ng iskolar na si Callimachus sa Dakilang Aklatan ng Alexandria noong ikatlong siglo BKP.[41] Ginamit din bilang batayan ng pagkaklase ang wika ng aklat gayundin ang pormat nito.

Gayunpaman, naging imposible ang pagkaklase sa mga aklat batay sa mga malalawak na paksa pagsapit ng ika-16 na siglo dahil sa mabilis na pagdami ng mga nalilimbag na aklat kada taon.[42] Noong 1627, nilimbag ng Pranses na si Gabriel Naudé ang Advis pour dresser une bibliothèque ('Ukol sa Pagtatag ng isang Aklatan'). Dito, hinati niya ang mga aklat sa pitong (kalaunan labindalawang) larangan.[43] Noong 1842 naman, dinebelop naman ni Jacques Charles Brunet ang isang sistema ng klasipikasyon na tatawagin kalaunan bilang ang klasipikasyong Paris Bookseller. Itinuturing na pinakaunang modernong klasipikasyon, hinati naman ni Brunet sa limang larangan ang mga aklat.[44]

Ang Klasipikasyong Desimal ni Dewey ay ang pinakaginagamit na klasipikasyon ng aklat sa mundo ngayon. Unang dinebelop ni Melville Dewey noong 1876 sa Estados Unidos, hinahati nito ang mga aklat sa sampung pangunahing klase (kumakatawan sa mga malalawak na larangan tulad ng agham pangkalikasan at kasaysayan). Ito rin ang nagsilbing batayan para sa iba pang mga pangkalahatan at pambansang sistema ng klasipikasyon, tulad ng klasipikasyon ng Aklatan ng Kongreso at ng klasipikasyong tutuldok.[45][46]

Heto ang mga sistema ng klasipikasyong na may malawakang paggamit lalo na sa mga bansang nagsasalita ng Ingles:

May mga klasipikasyon ding ginawa para sa mga ispesipikong paksa o disiplina. Halimbawa nito ang Klasipikasyong Moys para sa larangan ng abogasya (sa Canada, Australia, New Zealand, at Gran Britanya),[47] at Klasipikasyong Harvard-Yenching para sa mga aklat na nakasulat sa wikang Tsino.[48] Bukod pa dito, may mga sistema ring ginawa ang ilang mga bansa para sa mga aklat nila: ilan sa mga halimbawa nito ang Klasipikasyong Desimal ng Hapon, Klasipikasyong Desimal ng Korea (sa Timog Korea), Klasipikasyon ng Aklatang Tsino (sa Tsina), at ang Bagong Klasipikasyon para sa mga Aklatang Tsino (sa Taiwan, Hong Kong, at Macau).[46]

Epekto

baguhin

Ayon sa isang editoryal ng The Stanford Daily noong 2019, nakakahimok na paraan ang mga aklat upang kumonekta ang mga tao sa iba. Nagbibigay ang mga ito ng simpatiya habang binabasa ang mga karanasang pinagdadaanan ng iba o ng isang komunidad.[49] Pinapalawak nito ang pag-intindi sa kalikasan ng tao, at ginagamit din bilang isang kasangkapan sa edukasyon. Naghihimok din ito ng malalimang pag-iisip, at hinuhulma din ito sa pagtingin sa mundo.[50]

Sa isang pag-aaral sa sikolohiya sa Pamantasan sa Buffalo, napag-alaman ng mga sikolohista na kumikiling ang mga tao sa mga salitang may kinalaman sa kamakailang binasa nila, tulad ng mga salamangkero sa mga nakabasa ng Harry Potter at bampira naman sa mga nakabasa sa Twilight. Samantala, sa isang hiwalay na pag-aaral naman na isinagawa sa Pamantasan ng Toronto, napag-alaman na nakakapagpabago ng katauhan ang mga aklat. Sa eksperimentong ito, na isinagawa noong 2008 sa 166 na tao, pinabasa ang dalawang grupo ng maiksing kuwento ni Anton Chekhov na Dama s sobachkoy ('Ang Ginang na may kasamang Aso'), isa sa orihinal na anyo nito, at isa sa istilong dokumentaryo. Napag-alaman sa pag-aaral na ito na mas nakakapagbago ng personalidad ang mga piksyon kumpara sa di-piksyon, dahil sa pagpokus nito sa mga iniisip ng mga karakter, kumpara sa pagtingin bilang tagalabas, ayon kay Keith Oatley, isa sa mga sikolohista sa pag-aaral.[51][52]

Pagpepreserba

baguhin
 
Isang konserbador na tumitingin sa mga dokumento.

Depende sa materyales na ginamit, mabilis na nabubulok ang mga aklat sa paglipas ng panahon, kabilang na yung mga itinuturing na mga "mahahalaga" sa kultura o kasaysayan. Pinapahaba ng mga konserbador (Ingles: conservator) ang buhay ng mga ito, sa pamamagitan ng samu't saring paraan sa kimika, at nakadepende ito sa pagkakagawa sa aklat. Madalas na itong isinasagawa ng mga grupo ng konserbador, sa ilalim ng mga pamahalaan ng bansa, tulad ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas. Hindi pormal na propesyon ito hanggang noong dekada 1960s, nang naganap ang isang mapaminsalang baha sa Arno sa Florence, Italya noong 1966.[53] Pininsala nito ang maraming mga mahahalagang dokumento (bukod pa sa ibang mga gawa sa panahon ng Renasimiyento), kaya pinagtulungan itong isaayos ng mga konserbador sa buong mundo sa pangunguna ni Peter Waters.[53][54][55]

 
Mahalagang pangyayari ang naganap na mapaminsalang baha sa Arno sa Florence, Italya noong 1966 upang maging pormal na propesyon ang pagpepreserba sa mga aklat.

May apat na pangunahing hakbang ang ginagawa sa pagpepreserba sa mga aklat: pagpapabagal, paglilinis, pagsasaayos, at pagpapanumbalik. Meron ding sinusunod na etika ang mga konserbador, lalo na sa mga kemikal na ginagamit nila na madalas ay hindi na maibabalik pa matapos nitong mailapat. Bilang pagtugon sa pagbabago ng klima, unti-unti na ring nagsasagawa ng mga pagbabagong nakapokus sa pagpapanatili. Noong dekada 2000s, nagsimula na'ng hindi gumawa ng isang pangkalahatang paraan sa pagpepreserba, at nagpokus na lang sa mga paraang nakadepende sa lokal upang umayon ang mga ito sa klima ng lugar at kagamitan.[56]

Talababa

baguhin
  1. 'Diyamanteng Sutra', Sanskrito: Vajracchedikā Prajñāpāramitā Sūtra, literal na 'Ang Pagperpekto ng Teksto ng Karunungan na Mala-kidlat na Humahati'
  2. Koreano: 상정고금예문, Hanja: 詳定古今禮文, literal na 'Ang Ibinigay na Tekstong Pangritwal ng Nakaraan at Hinaharap'.
  3. Koreano: 백운화상초록불조직지심체요절, Hanja: 白雲和尙抄錄佛祖直指心體要節, literal na 'Mga Direktang Utos ni Buddha sa Kaisipan ni Monghe Baegun'.
  4. Orihinal na teksto: If there was any connection in the spread of printing between Asia and the West, the Uyghurs, who used both block printing and movable type, had good opportunities to play an important role in this introduction.
  5. Tsino: 辯正教真傳實錄; 'Ang Testimonya ng Tunay na Relihiyon')
  6. 'Memoryal sa Buhay ng Kristiyano sa wikang Tsino'; Tsino: 新刊僚氏正教便览, literal na 'Ang Bagong Lathalain ng Simbahan'
  7. 'Mga Simbolo ng Fe, sa wika at sulat Tsino'; Tsino: 新刊格物窮理錄, literal na 'Ang Bagong Dyornal sa Kahirapang Materyal'

Sanggunian

baguhin
  1. McFarland, Curtis; Komisyon sa Wikang Filipino (2017). Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino. Anvil Publishing. ISBN 9789712727443.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. English, Leo James (1977). "Lomo". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Recomendacion sobre la Normalizacion internacional de las Estadisticas relativas a la Edicion de Libros y Publicaciones Periodicas" [Mungkahi Ukol sa Pandaigdigang Pamantayan ng Estadistika na may Kinalaman sa Paglalathala ng mga Aklat at Periodical] (sa wikang Kastila). UNESCO. 19 Nobyembre 1964. Nakuha noong 11 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Taycher, Leonid (5 Agosto 2010). "Books of the world, stand up and be counted! All 129,864,880 of you" [Mga aklat ng mundo, tumindig at mabilang! Lahat kayong 129,864,880.]. Inside Google Books (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. De Noceda, Juan José (1754). De Sanlucar, Pedro (pat.). Vocabulario de la lengua tagala [Bokabularyo ng wikang Tagalog] (sa wikang Kastila). Imprenta de la compañia de Jesus. p. 3. Nakuha noong 21 Hulyo 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "libro". Tagalog Lang (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Mark, Joshua J. (28 Abril 2011). "Writing" [Pagsusulat]. World History Encyclopedia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 8.6 Burnell, Cerrie (21 Setyembre 2021) [3 Disyembre 2019]. "A little history of reading: How the first books came to be" [Isang maliit na kasaysayan ng pagbabasa: Paano nagsimula ang mga unang aklat]. BookTrust (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.00 9.01 9.02 9.03 9.04 9.05 9.06 9.07 9.08 9.09 9.10 9.11 9.12 9.13 9.14 "History of Books" [Kasaysayan ng mga Aklat]. Understanding Media and Culture [Pag-intindi sa Midya at Kultura] (sa wikang Ingles). University of Minnesota. Nakuha noong 26 Hulyo 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Tsien, Tsuen-Hsuin (1985). Needham, Joseph (pat.). Paper and Printing [Papel at Pag-imprenta]. Science and Civilisation in China, Chemistry and Chemical Technology (sa wikang Ingles). Bol. V.1. Cambridge University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Ward, James (2015). The Perfection of the Paper Clip: Curious Tales of Invention, Accidental Genius, and Stationery Obsession [Ang Pagkaperpekto sa Clip ng Papel: Mga Kakaibang Kuwento ng Imbensyon, Aksidenteng Pagkahenyo, at Kaadikan sa Stationery] (sa wikang Ingles). Atria Books. ISBN 978-1476799865.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Burns, Robert I. (1996). "Paper comes to the West, 800–1400". Sa Lindgren, Uta (pat.). Europäische Technik im Mittelalter. 800 bis 1400. Tradition und Innovation [Teknolohiyang Europeo sa Gitnang Panahon. 800 hanggang 1400. Tradisyon at Inobasyon] (sa wikang Aleman) (ika-4 (na) edisyon). Berlin: Gebr. Mann Verlag. pp. 413–422. ISBN 978-3-7861-1748-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Murray, Stuart A. P. (2009). The Library: An Illustrated History [Ang Aklatan: Isang Nakaguhit na Kasaysayan] (sa wikang Ingles). Skyhorse Publishing. p. 57.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Schopen, Gregory (2004). "Diamond Sutra". MacMillan Encyclopedia of Buddhism. Bol. 1. New York, Estados Unidos: MacMillan Reference USA. pp. 227–28. ISBN 0-02-865719-5.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Daley, Jason (11 Mayo 2016). "Five Things to Know About the Diamond Sutra, the World's Oldest Dated Printed Book" [Limang Bagay na Dapat Malaman Tungkol sa Diamond Sutra, ang Pinakamatandang Napetsahang Nalimbag na Aklat sa Mundo]. Smithsonian Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 16.2 16.3 16.4 Newman, M. Sophia (19 Hunyo 2019). "So, Gutenberg Didn't Actually Invent Printing As We Know It: On the Unsung Chinese and Korean History of Movable Type" [So Di Pala si Gutenberg ang Nag-imbento sa Paglilimbag Tulad ng Alam Natin: Ukol sa Nakatagong Kasaysayan ng mga Tsino at Koreano sa Nagagalaw na Uri]. Literary Hub (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.00 17.01 17.02 17.03 17.04 17.05 17.06 17.07 17.08 17.09 Newman, M. Sophia (2016). "The Buddhist History of Moveable Type" [Ang Budismong Kasaysayan ng Nagagalaw na Uri]. Tricycle (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 Lehmann-Haupt, Hellmut E. (27 Abril 2022) [5 Pebrero 2000]. "Johannes Gutenberg". Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 19.0 19.1 19.2 19.3 19.4 19.5 19.6 19.7 19.8 Lee, Gracie (7 Hulyo 2021). "Early Printing in the Philippines" [Maagang Paglilimbag sa Pilipinas]. BiblioAsia (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 20.2 20.3 20.4 20.5 20.6 Vallejo, Rosa M. "Books and Bookmaking in the Philippines" [Mga Aklat at Paggawa sa mga Aklat sa Pilipinas]. Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Agosto 2022. Nakuha noong 26 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Wolff, John U. (2011). "The Vocabulario de Lengua Tagala (sic) of Fr. Pedro de San Buenaventura (1613)" [Ang Vocabulario de Lengua Tagala ni Padre Pedro de San Buenaventura (1613)]. Philippine and Chamorro Linguistics Before the Advent of Structuralism [Lingwistikang Pilipino at Chamorro Bago ang Pagpasok ng Istrakturalismo] (sa wikang Ingles). Akademie Verlag. doi:10.1524/9783050056197.33 – sa pamamagitan ni/ng De Gruyter.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. 22.0 22.1 Ocampo, Ambeth R. (1 Agosto 2014). "'Vocabulario de la Lengua Tagala'" (sa wikang Ingles). Inquirer. Nakuha noong 24 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 23.0 23.1 23.2 "book publishing" [paglilimbag sa mga aklat]. Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Nuwer, Rachel (25 Enero 2016). "Are paper books really disappearing?" [Mawawala na nga ba talaga ang mga aklat na papel?]. BBC (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 25.0 25.1 25.2 25.3 Grant, Matt (2020). "The Difference Between Fiction and Nonfiction" [Ang Pagkakaiba ng Piksyon at Di-piksyon]. BookRiot (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 26.0 26.1 26.2 Donohue, Tracy (11 Mayo 2016). "Types of Fiction" [Mga Uri ng Piksyon]. Iowa Reading Research Center (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. tarasonin (12 Hulyo 2019). "The 50 Best Historical Fiction Books of All Time" [Ang 50 Pinakamagagandang Aklat na Historikal na Piksyon sa Lahat ng Panahon]. Barnes and Noble (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Weldon, Glen; Mayer, Petra (12 Hulyo 2017). "Let's Get Graphic: 100 Favorite Comics And Graphic Novels" [Maging Grapiko Tayo: 100 Paboritong Komiks At Nobelang Nakaguhit]. NPR (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. 29.0 29.1 "What Is the Fantasy Genre? History of Fantasy and Subgenres and Types of Fantasy in Literature" [Ano ang Dyanrang Pantasya? Kasaysayan ng Pantasya at mga Subdyanra at Uri ng Pantasya sa Panitikan]. Masterclass (sa wikang Ingles). 2 Oktubre 2021. Nakuha noong 2 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Mayer, Petra (18 Agosto 2021). "We asked, you answered: Your 50 favorite sci-fi and fantasy books of the past decade" [Nagtanong kami, sumagot kayo: Ang inyong 50 paboritong aklat na sci-fi at pantasya ng nagdaang dekada]. NPR (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "29 of the Best Science Fiction Books Everyone Should Read" [29 sa mga Pinakamagagandang Aklat na Piksyong Maagham na Dapat Basahin ng Lahat]. Wired (sa wikang Ingles). 22 Nobyembre 2021. Nakuha noong 2 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Bober, Tom (15 Nobyembre 2019). "5 Kinds of Nonfiction" [5 Uri ng Di-piksyon]. American Association of School Libraries (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2022. Nakuha noong 2 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Stewart, Melissa (Mayo 2018). "5 Kinds of Nonfiction" [5 Uri ng Di-piksyon] (PDF) (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  34. 34.0 34.1 34.2 34.3 34.4 34.5 34.6 34.7 34.8 "Book Formats" [Mga Pormat ng Aklat]. Understanding Media and Culture [Pag-intindi sa Midya at Kultura] (sa wikang Ingles). University of Minnesota. Nakuha noong 3 Agosto 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. 35.0 35.1 35.2 35.3 35.4 35.5 Hill, Nicole (2020). "The Different Types of Book Formats Explained" [Mga Iba't-ibang Uri ng Pormat ng Aklat Pinaliwanag]. BookRiot (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. 36.0 36.1 Harris, Mark (28 Abril 2020). "What Are Audiobooks?" [Ano ang mga Audiobook?]. Lifewire (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. 37.0 37.1 "Guide to book formats" [Gabay sa mga pormat ng aklat]. Abe Books (sa wikang Ingles). 3 Hunyo 2021. Nakuha noong 6 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. 38.0 38.1 "aklatan". Diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 6 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. 39.0 39.1 Haider, Salmon (29 Hulyo 2022) [20 Hulyo 1998]. "library" [aklatan]. Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Tanjeem, Namera (2020). "How Many Books is Too Many? Ask the World's 10 Biggest Libraries" [Ilang Aklat ang Masyado na'ng Marami? Tanungin [mo] ang 10 Pinakamalalaking Aklatan ng Mundo]. BookRiot (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Murray, Stuart (2009). The library: an illustrated history [Ang aklatan: isang nakaguhit na kasaysayan] (sa wikang Ingles). Lungsod ng New York, Estados Unidos: Skyhorse Pub. ISBN 9781602397064. OCLC 277203534.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Shera, Jesse H. (1965). Libraries and the organization of knowledge [Mga aklatan at ang pag-oorganisa sa kaalaman] (sa wikang Ingles). Hamden, Connecticut, Estados Unidos: Archon Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. Clarke, Jack A. (1969). "Gabriel Naudé and the Foundations of the Scholarly Library" [Si Gabriel Naudé at ang mga Pundasyon ng Iskolar na Aklatan]. The Library Quarterly (sa wikang Ingles). 39 (4): 331–343. doi:10.1086/619792. ISSN 0024-2519. JSTOR 4306024. S2CID 144274371.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Sayers, Berwick (1918). An introduction to library classification [Pagpapakilala sa klasipikasyon sa aklatan] (sa wikang Ingles). New York, Estados Unidos: H. W. Wilson.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "A Brief Introduction to the Dewey Decimal Classification" [Mabilis na Pagpapakilala sa Klasipikasyong Desimal ni Dewey] (sa wikang Ingles). OCLC. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2013. Nakuha noong 10 Agosto 2022. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. 46.0 46.1 Taylor, Insup; Wang Guizhi. "Library Systems in East Asia" [Mga Sistema sa Aklatan sa Silangang Asya]. McLuhan Studies (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Pebrero 2014. Nakuha noong 10 Agosto 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "IALS Library" [Aklatan ng IALS]. Institute of Advanced Legal Studies. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 10 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. Wu, Eugene W. (1993). "The Founding of the Harvard–Yenching Library" [Ang Pagtatag sa Aklatang Harvard-Yenching]. Journal of East Asian Libraries (sa wikang Ingles). 101 (1): 65–69. Nakuha noong 10 Agosto 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. Pai, Sarayu (8 Nobyembre 2019). "The impact of books" [Ang epekto ng mga aklat]. The Stanford Daily (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. Tenner, Shara (21 Enero 2020). "How books affect modern society" [Paano nakakaapekto ang mga aklat sa modernong lipunan]. Life is an Episode (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. Flood, Alison (7 Setyembre 2011). "Reading fiction 'improves empathy', study finds" ['Nagpapahusay ng pakikiramay' ang pagbabasa sa piksyon, ayon sa isang pag-aaral]. The Guardian. Nakuha noong 10 Agosto 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Gow, Kailin (7 Disyembre 2012). "How Fiction Impacts Fact: The Social Impact Of Books" [Paano Nakakaapekto ang Piksyon sa Katotohanan: Ang Epektong Panlipunan ng mga Aklat]. The Fast Company. Nakuha noong 10 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. 53.0 53.1 Kirchgaessner, Stephanie (4 Nobyembre 2016). "Florence flood 50 years on: 'The world felt this city had to be saved'" [Pagbaha sa Florence 50 taong ang lumipas: 'Pakiramdam ng mundo, kailangan iligtas ang lungsod na ito']. The Guardian (sa wikang Ingles). Roma, Italya. Nakuha noong 10 Agosto 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. Nix, Elizabeth (22 Agosto 2018) [3 Nobyembre 2016]. "The Disaster that Deluged Florence's Cultural Treasures" [Ang Sakunang Nagpadelubyo sa mga Kayamanang Pangkultura ng Florence]. History (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. Miller, William; Pellen, Rita M., mga pat. (2006). Dealing with Natural Disasters in Libraries [Pagtugon sa mga Sakuna sa mga Aklatan] (sa wikang Ingles). New York, Estados Unidos: The Haworth Press. ISBN 9781136791635. Nakuha noong 10 Agosto 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. Dardes, Kathleen; Standiforth, Sarah. "Preventive Conservation: Sustainable Stewardship of Collections" [Pagpepreserbang Nagpipigil: Napapanatiling Pangangasiwa sa mga Koleksyon]. The Getty Conservation Institute (sa wikang Ingles). Getty Conservation Research Foundation Museum. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hulyo 2020. Nakuha noong 10 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)