Alpabeto

(Idinirekta mula sa Alphabet)

Ang alpabeto (mula sa espanyol Alfabeto) ay isang pamantayang ng pangkat ng mga titik (pangunahing sinusulat na mga simbolo o grapheme) na ginagamit upang isulat ang isa o higit pa na mga wika batay sa mga pangkalahatang prinsipyo na ang mga titik ay kinakatawan ang mga ponema (pangunahing mga makabuluhang tunog)ng mga wikang sinsalita. Taliwas ito sa ibang sistema ng pagsusulat tulad ng pantigan (kung saan ang bawat karakter ay kinakatawan ng isang pantig) at logorapiya (kung saan ang bawat karakter ay kinkatawan ang isang salita, morpema, o semantikong yunit).

Maraming ginagamit na alpabeto sa buong mundo at ang pinakapopular ay ang alpabetong Latin[1] (na hango sa Griyego). Maraming mga wika ay ginagamit ang binagong anyo ng alpabetong Latin, na may kasamang karagdagang mga titik na nabubuo gamit ang mga diyakritikong marka. Habang karamihan sa mga alpabeto ay binubuo ng mga linya (linyang pagsusulat o linear writing), mayroon din mga di linyang pagsusulat tulad ng mga alpabetong ginagamit para sa Braille.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Haarmann 2004, p. 96