Amniota
Ang mga amniota ay isang pangkat ng mga tetrapoda na may umangkop na pang-lupaing itlog na may mga amnios. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga synapsida at sauropsida gayundin ang mga fossil na ninuno nito. Ang mga embryong amniota kahit pa initlog o dinadala sa tiyan ay pinoprotektahan at tinutulungan ng ilang mga ekstensibong membrano. Sa mga mamalyang eutheria gaya ng mga tao, ang mga membranong ito ay kinabibilangan ng amniotikong sac na pumapalibot sa fetus. Ang mga embryonikong membranong ito at kawalan ng mga yugtong larva ay nagtatangi ng mga amniota mula sa mga tetrapodang ampibyan.[1] Ang unang mga amniota na tinatawag na mga basal na amniota gaya ng Casineria ay katulad ng mga maliliit na butiki at nag-ebolb mula sa mga ampibyang reptiliomorpha mga 340 milyong taon ang nakalilipas. Ang mga itlog nito ay makapagpapatuloy ng wala sa tubig na pumapayag sa mga amniote na sumanga sa mga mas tuyong kapaligiran. Ang mga itlog ay maaari ring makahinga at makaya ang mga dumi na pumapayag sa mga itlog at mismong amniota na mag-ebolb sa mas malalaking mga anyo. Ang itlog na amniotiko ay kumakatawan sa mahalagang diberhensiya sa loob ng mga bertebrata. Ang isa ay pumayag na magparami sa tuyong lupain na malaya sa anumang pangangailangan ng bumalik sa tubig para sa reproduksiyon gaya ng kailangan sa mga ampibyan. Mula sa puntong ito, ang mga amniota ay kumalat sa buong daigdig na kalaunang naging mga nananig na bertebratang pang-lupain. Sa napaka-simula ng kasaysayang ebolusyonaryo ng mga amniote, ang mga basal amniota ay naghati sa dalawang mga linya: ang mga synapsida at mga saurosida na parehong nagpapatuloy sa kasalukuyang panahon. Ang pinakamatandang fossil na synapsida ang Protoclepsydrops mulga mga 320 milyong taon ang nakalilipas samantalang ang pinakamatandang alam na fossil ng sauropsida ay malamang na Paleothyris sa order na Captorhinida mula sa Gitnang Pennsylvaniyano mga 306 hanggang 312 milyong taon ang nakalilipas.
Mga amniota | |
---|---|
A baby tortoise emerges from an amniotic egg | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Reptiliomorpha |
Klado: | Amniota Haeckel, 1866 |
Clades | |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Benton, Michael J. (1997). Vertebrate Palaeontology. London: Chapman & Hall. pp. 105–109. ISBN 0-412-73810-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)