Anatidae
Ang Anatidae ay ang pamilyang biyolohikal ng mga ibon kung saan kabilang ang mga bibi, gansa at sisne. Mayroong isang cosmopolitan distribution (distribusyon sa buong mundo) ang pamilya, at makikita sa lahat ng mga kontinente sa mundo maliban sa Antarctica. Ang mga ito ay mga ibon na nakapag-angkop sa pamamagitan ng ebolusyon sa paglangoy, paglulutang sa ibabaw ng tubig, at sa ilang mga kaso, ang pagsisisid sa mababaw na tubig o higit na malalim pa. (Ang magpie goose ay hindi na itinuturing na bahagi ng Anatidae, ngunit ay inilagay sa kanyang sariling pamilya, ang Anseranatidae.) Ang pamilya ay naglalaman ng mahigit-kumulang na 174 mga uri ng hayop sa 43 mga genera.
Anatidae Temporal na saklaw: Oligoseno - kamakailan
| |
---|---|
Dendrocygna autumnalis | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Pamilya: | Anatidae Vigors, 1825
|
Tipo ng espesye | |
Anas platyrhynchos Linnaeus, 1758
| |
Subfamilies | |
Anatinae |
Sila ay karaniwang kumakain ng halaman, at sila ay nagpaparami nang iisa lamang ang kabiyak. Ang ilang mga species ay pinaamo para sa agrikultura, at marami pang iba ay para sa pagkain at libangan. Magmula noong 1600, nalipol ang 5 mga espesye, at marami pa ay nanganganib sa pagkalipol.