Anatomikong modernong mga tao
Ang terminong anatomikong mga modernong tao (Ingles: anatomically modern humans o AMH) sa paleoantropolohiya ay tumutukoy sa sinaunang mga indibidwal ng Homo sapiens na may hitsurang umaayon sa saklaw ng mga penotipo sa mga modernong tao. Ang anatomikong mga modernong tao(AMH) ay nag-ebolb mula sa arkaikong Homo sapiens sa Gitnang Paleolitiko mga 200,000 taon ang nakalilipas. Ang paglitaw ng anatomikong mga modernong tao(AMH) ay nagmarka ng pagsisimula ng subespesyeng Homo sapiens sapiens, i.e. ang subespesye ng Homo sapiens na kinabibilangan ng lahat ng mga modernong tao. Ang pinakamatandang mga labing fossil ng isang anatomikong mga modernong tao(AMH) ang mga labing Omo na may petsang 196,000 tao at kinabibilangan ng dalawang mga parsiyal na mga bungo gayundin din ang braso, hita, paa, at mga buto ng pelbis. [1] Ang ibang mga fossil ay kinabibilangan ng Homo sapiens idaltu mula sa Herto sa Ethiopia na may edad na 150,000 taon at ang mga labi mula sa Israel na may edad na 90,000 taon.
Anatomiya
baguhinAng anatomikong mga modernong tao ay itinatangi mula sa kanilang malapit na mga ninuno na arkaikong Homo sapiens ng isang bilang ng mga katangiang anatomiko. Ang mga arkaikong Homo sapiens ay matipunong mga kalansay na nagpapakitang ang mga ito ay namuhay ng isang pamumuhay na pisikal. Ito ay nangangahulugang ang mga anatomikong modernong tao(AMH) sa mga payat nitong katawan ay naging mas nakasalalay sa teknolohiya kesa sa hilaw na lakas pisikal upang matugunan ang mga hamon sa kanilang kapaligiran. Ang arkaikong Homo sapiens ay may labis na prominente o mapapansin mga brow bridge(na nakausling mga patong ng buto sa taas ng butas ng mata). Sa paglitaw ng anatomikong mga modernong tao(AMH), ang mga brow ridge ay labis na lumiit at sa mga modernong tao, ang mga ito sa aberahe ay halos hindi makita. Ang isa pang natatanging katangian ng anatomikong mga modernong tao(AMH) ang isang prominenteng baba na isang katangiang wala sa arkaikong Homo sapiens. Ang anatomikong modernong mga tao ay may isang bertikal na noo samantalang ang mga predesesor nito ay may mga noo na nakalihis ng paurong. [2] Ayon kay Desmond Morris, ang bertikal na noo sa mga tao ay hindi lamang nagbabahay ng mas malaking mga utak ngunit ang prominenteng noo ay gumagampan rin ng mahalagang papael sa pakikipagtalastasang pantao sa pamamagitan ng mga galaw ng kilay at pagkulubot ng balat ng noo.[3]
Sinaunang mga modernong tao
baguhinAng mga labing Omo, Hertho, Skhul, at Jebel Qafzeh remains ay minsang tinutukoy na "Sinaunang Modernong mga Tao" dahil ang mga labing pang kalansay nito ay nagpapakita ng isang halo ng mga katangiang arkaiko at moderno. Ang Skhul V halimbawa ay may prominenteng mga buto sa kilay(brow ridge) at isang nakausling mukha. Gayunpaman, ang kasong utak ng Skhul V ay natatangi mula sa mga Neanderthal at katulad ng kaso ng utak ng mga modernong tao. Sa Europa, ang mga sinaunang modernong tao ang mga Cro-Magnon.
Pinagmulan ng mga modernong tao
baguhinGaya ng karaniwang itinatanghal, may dalawang pangunahing magkatunggaling mga modelo sa paksang ito: ang kamakailang pinagmulang Aprikano at ang ebolusyong multirehiyonal. Ang debate ay umuukol sa parehong relatibong halaga ng pagpapalit ng pakikipatalik sa ibang uri na nangyari sa mga area sa labas ng Aprika nang ang mga alon ng mga tao(mga ninuno ng tao) ay lumisan dito upang ikolonisa ang ibang mga are at ang relatibong kahalagahan ng mas kamakailang mga alon kesa sa mga kamakailang mga alon. Ang nananaig na pananawa na kilala bilang modelong pinagmulang Aprikano ay nagsasaad na ang lahat o halos lahat ng henetikong dibersidad ng tao sa buong mundo ay mababakas pabalik sa unang anatomikong mga modernong tao na lumisan sa Aprika. Ang modelong ay sinusuportahan ng marami at independiyenteng mga linya ng ebidensiya gaya ng fossil rekord at henetika. Sa kasaysaya, ang mga kritiko ng pananaw na ito ay kadalasang pinapangkat bilang naniniwala sa "hipotesis na multirehiyonal" na nawalan ng kasikatan simula mga simulang 1990. Ang gayong mga kritiko ay nangangatwiran ang mahalagang mga halaga ng mas matandang hindi-Aprikanong lahing henetiko ay nakapagpatuloy sa iba't ibang mga bahagi ng daigdig sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa hindi nito uring anatomikong mga modernong tao. Ayon sa malakas na mga bersiyon, ang modelong multirehiyonal ng iba't ibang mga populasyon ng tao sa buong mundo ngayon ay magkakaroon ng nagpapatuloy na materyal henetiko na bumabalik sa sinaunang mga tao gaya ng Homo erectus. Ang isang malawak na hanay ng datos sa henetikang ebolusyonaryong tao(Jobling, Hurles at Tyler-Smith, 2004) ay malakas na pumapabor sa modelong kamakailang pinagmulang Aprikano. Ang mga analisis ng modernong mga Europeo ay nagmungkahing walang DNA na mitokondriyal(direktang linyang pang-ina) na nagmumula sa mga Neanderthal ang nakapagpatuloy sa mga modernong panahon. [4][5][6]
Gayunpaman, ang kamakailang pagsesekwensiya ng mga genome ng Neanderthal at mga Denisovan ay nagpapakita ng isang paghahalo. Ang isang draptong sekwensiyang publikasyon ng the Neanderthal Genome Project noong Mayo 2012 ay nagpapakita ng isang anyo ng hibridisasyon sa pagitan ng mga arkaikong tao at mga modernong tao na nangyari pagkatapos ang mga modernong tao ay lumitaw mula sa Aprika. Ang tinatayang 1 hanggang 4 porsiyento ng DNA sa mga Europeo at mga Asyano(i.e. French, Chinese at Papua probands) ay hindi moderno at nagsalo ng sinaunang DNA ng Neandethal at hindi sa Aprikanong Sub-Suharan(i. e., Yoruba at San probands),[7] samantalang ang mga Melanesian ay may karagdagang 1-6% pinagmulang Denisovan.[8] Sa kasanayan, ang kontrobersiyal ay pangkalahatang tungkol sa mga spesipikong panahon at mga spesipikong mungkahi para sa mga panahon ng gayong pakikipagtalik sa ibang uri. Ang pag-iral at kahalagahan ng daloy ng gene mula Aprika ay pangkalahatang tinatanggap samantalang ang posibilidad ng magkahiwalay na mga instansiya ng pagtatalik sa ibang uri sa pagitan ng kamakailang mga pagdating na sub-Saharan at ang kanilang hindi mas modernong mga kakontemporaryo(nabuhay sa parehong panahon) sa iba't ibang mga pre-kasaysayan ay hindi partikular na kontrobersiyal. Gayunpaman at ayon sa kamakailang mga pag-aaral henetiko, ang mga modernong tao ay tila nakipagtalik sa hindi bababa sa dalawang mga pangkat ng mga sinaunang tao: ang mga Neanderthal at mga Denisovan. [9]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Fossil Reanalysis Pushes Back Origin of Homo sapiens". Scientific American. Pebrero 17, 2005.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Encarta, Human Evolution". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-31. Nakuha noong 2012-09-07.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-10-29 sa Wayback Machine. - ↑ Desmond Morris (2007). "The Brow". The Naked Woman: A Study of the Female Body. ISBN 0-312-33853-8.
{{cite book}}
: Unknown parameter|chapterurl=
ignored (|chapter-url=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Krings M, Stone A, Schmitz RW, Krainitzki H, Stoneking M, Pääbo S (1997). "Neandertal DNA sequences and the origin of modern humans". Cell. 90 (1): 19–30. doi:10.1016/S0092-8674(00)80310-4. PMID 9230299.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ No Neandertals in the Gene Pool Naka-arkibo 2009-02-15 sa Wayback Machine., Science (2004).
- ↑ Serre, D; Langaney, A; Chech, M; Teschler-Nicola, M; Paunovic, M; Mennecier, P; Hofreiter, M; Possnert, G; Pääbo, S (2004). "No evidence of Neandertal mtDNA contribution to early modern humans". PLoS Biology. 2 (3): 313–7. doi:10.1371/journal.pbio.0020057. PMC 368159. PMID 15024415.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Green RE, Krause J, et al. A draft sequence of the Neandertal genome. Science. 2010 May 7;328(5979):710-22. doi:10.1126/science.1188021 PMID 20448178
- ↑ Reich D ., et al. Denisova admixture and the first modern human dispersals into southeast Asia and oceania. Am J Hum Genet. 2011 Oct 7;89(4):516-28, doi:10.1016/j.ajhg.2011.09.005 PMID 21944045 .
- ↑ Mitchell, Alanna (Enero 30, 2012). "DNA Turning Human Story Into a Tell-All". NYTimes. Nakuha noong Enero 31, 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)