Ang Batong Bulaklak

"Ang Batong Bulaklak" (Ruso: Каменный цветок, tr. Kamennyj tsvetok, IPA [ˈkamʲənʲɪj tsvʲɪˈtok]), kilala din bilang "Ang Bulaklak ng Bato", ay isang kuwentong bayan (kilala din bilang skaz) ng rehiyon ng Ural ng Rusya na kinolekta at muling ginawa ni Pavel Bazhov, at nilathala sa Literaturnaya Gazeta noong 10 Mayo 1938 sa Uralsky Sovremennik. Kalaunan itong nilabas bilang isang bahagi ng koleksyon ng kwento na Ang Kahong Malakita. Tinuturing "Ang Batong Bulaklak" bilang ang isa sa mga pinakamahusay na mga kuwento sa koleksyon.[1] Sinalin ang istorya mula sa Ruso tungong Ingles ni Alan Moray Williams noong 1944, at maraming beses pagkatapos nito.

"Ang Batong Bulaklak"
May-akdaPavel Bazhov
Orihinal na pamagat"Каменный цветок"
TagapagsalinAlan Moray Williams (una), Eve Manning, et al.
BansaUnyong Sobyet
WikaRuso
SeryeKoleksyong Ang Kabaong Malakita
(Mga) anyo (Genre[s])skaz
Nalathala saLiteraturnaya Gazeta
Uri ng paglalathalaPeriyodiko
TagapaglathalaAng Unyon ng mga Manunulat na Sobyet
Uri ng midyaImprenta (pahayagan, hardcover at paperback)
Petsa ng paglathala10 Mayo 1938
Sumunod sa"Marko's Hill"

Ipinahiwatig ni Pavel Bazhov na lahat ng kanyang mga istorya ay maaring hatiin sa dalawang grupo batay sa tono: "nakatono sa bata" (e.g. "Silver Hoof") na may simpleng balangkas, ang mga bata bilang mga pangunahng mga tauhan, at isang masayang katapusan,[2] at "nakatono sa adulto". Tinawag niya itong "Ang Batong Bulaklak" ang kuwentong "naka-tono sa adulto."[3]

Kinukuwento ang istorya mula sa punto de bista ng haka-hakang si Lolo Slyshko (Ruso: Дед Слышко, tr. Ded Slyshko; literal: "Matandang Lalaking Listenhere").[4]

Paglalathala

baguhin

Binasa ng kritiko mula sa Moscow na si Viktor Pertsov ang manuskripto ng "Ang Batong Bulaklak" noong tagsibol ng 1938, nang lumakbay siya sa ibayo ng mga Ural kasama ang kanyang panayam na pampanitikan. Napahanga siya dito at nilathala niya ang pinaikling istorya sa Literaturnaya Gazeta noong Mayo 10, 1938.[5] Ang kanyang papuring pagsusuri ng The fairy tales of the Old Urals (Ruso: Сказки старого Урала, tr. Skazki starogo Urala) na sinamahan ng publikasyon.[6]

Pagkatapos ng paglabas sa Literaturnaya Gazeta, nailathala ang istorya sa unang bolyum ng Uralsky Sovremennik noong 1938.[7][8] Nilabas ito sa kalaunan bilang isang bahagi ng Ang Kahong Malakita na koleksyon noong Enero 28, 1939.[9]

Noong 1944, sinalin ang istorya mula Ruso tungo sa Ingles ni Alan Moray Williams at nilathala ng Hutchinson bilang bahagi ng koleksyong The Malachite Casket: Tales from the Urals.[10] Naisalin ang pamagat bilang "The Stone Flower".[11] Noong dekada 1950, ginawa ni Even Manning ang pagsalin ng The Malachite Casket.[12][13] Nilathala ang mga istorya bilang "The Flower of Stone".[14]

Nailathala ang istorya sa isang koleksyon na Russian Magic Tales from Pushkin to Platonov, na nilathala ng Penguin Books noong 2012. Naisalin ang pamagat bilang "The Stone Flower" (Ang Batong Bulaklak).[15]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Bazhov Pavel Petrovitch". The Russian Academy of Sciences Electronic Library IRLI (sa wikang Ruso). The Russian Literature Institute of the Pushkin House, RAS. pp. 151–152. Nakuha noong 25 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Litovskaya 2014, p. 247. (sa Ingles)
  3. "Bazhov P. P. The Malachite Box" (sa wikang Ruso). Bibliogid. 13 Mayo 2006. Nakuha noong 25 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Balina, Marina; Goscilo, Helena; Lipovetsky, Mark (25 Oktubre 2005). Politicizing Magic: An Anthology of Russian and Soviet Fairy Tales (sa wikang Ingles). The Northwestern University Press. p. 115. ISBN 9780810120327.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Slobozhaninova, Lidiya (2004). "Malahitovaja shkatulka Bazhova vchera i segodnja" “Малахитовая шкатулка” Бажова вчера и сегодня [Bazhov's Malachite Box yesterday and today]. Ural (sa wikang Ruso). Yekaterinburg. 1.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Komlev, Andrey (2004). "Bazhov i Sverdlovskoe otdelenie Sojuza sovetskih pisatelej" Бажов и Свердловское отделение Союза советских писателей [Bazhov and the Sverdlovsk department of the Union of the Soviet writers]. Ural (sa wikang Ruso). Yekaterinburg. 1.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Bazhov 1952, p. 243 (sa Ingles).
  8. "Kamennyj tsvetok" (sa wikang Ruso). FantLab. Nakuha noong 22 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "The Malachite Box" (sa wikang Ruso). The Live Book Museum. Yekaterinburg. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-11-23. Nakuha noong 22 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. The malachite casket; tales from the Urals, (Book, 1944) (sa wikang Ingles). WorldCat. OCLC 1998181.
  11. Bazhov 1944, p. 76. (sa Ingles)
  12. "Malachite casket : tales from the Urals / P. Bazhov ; [translated from the Russian by Eve Manning ; illustrated by O. Korovin ; designed by A. Vlasova]" (sa wikang Ingles). The National Library of Australia. Nakuha noong 25 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Malachite casket; tales from the Urals. (Book, 1950s) (sa wikang Ingles). WorldCat]]oclc = 10874080.
  14. Bazhov 1950s, p. 9 (sa Ingles).
  15. Russian magic tales from Pushkin to Platonov (Book, 2012) (sa wikang Ingles). WorldCat.org. OCLC 802293730.