Ang Sumasayaw na Tubig, ang Kumakantang Mansanas, at ang Nagsasalitang Ibon

Ang "Sumasayaw na Tubig, ang Kumakantang Mansanas, at ang Nagsasalitang Ibon" ay isang Sicilianong kuwentong bibit na kinolekta ni Giuseppe Pitrè,[1] at isinalin ni Thomas Frederick Crane para sa kaniyang Mga Italyanong Kuwentong Popular.[2] Isinama ni Joseph Jacobs ang muling konstruksiyon ng kuwento sa kaniyang Mga Europeong Kuwentong-pambayan at Kuwentong Bibit.[3] Ang orihinal na pamagat ay "Li Figghi di lu Cavuliciddaru", kung saan nagbibigay si Crane ng literal na pagsasalin ng "Ang mga Anak na Babae ng Nagtitpon ng Damo."[4]

Ang kwuento ay ang prototipikong halimbawa ng Aarne–Thompson–Uther kuwento tipong 707, kung saan binigay nito ang pangalan nito.[5] Ang mga alternatibong pangalan para sa uri ng kuwento ay Ang Tatlong Ginintuang Anak na Lalaki, Ang Tatlong Ginintuang Anak, Ang Ibon ng Katotohan, Portuges: Os meninos com uma estrelinha na testa, lit. 'Ang mga lalaking may maliliit na bituin sa noo',[6] Ruso: Чудесные дети, romanisado: Chudesnyye deti, lit. 'Ang mga Kahanga-hanga o Milagrosong Bata',[7] o Hungaro: Az aranyhajú ikrek, lit. 'Ang mga Kambal na may Ginintuang Buhok''.[8]

Ayon sa folkloristang si Stith Thompson, ang kuwento ay "isa sa walo o sampung pinakakilalang plot sa mundo".[9]

Pagkalat

baguhin

Tangway Iberiko

baguhin

Mayroon ding mga pagkakaiba sa mga wikang Romanse: isang bersiyon ng Español na tinatawag na Los siete infantes, kung saan mayroong pitong bata na may mga bituin sa kanilang mga noo,[10] at isang Portuges, As cunhadas do rei (Ang mga hipag ng Hari).[11] Parehong pinapalitan ang mga hindi kapani-paniwalang elemento ng Kristiyanong imahe: ang diyablo at ang Birheng Maria.[12]

Isang pagkakaiba sa format ng taludtod ang nakolekta mula sa Kapuluang Madeira.[13] Ang isa pang bersiyon ay nakolekta mula sa Kapuluang Azores.[14]

Pilipinas

baguhin

Ang may-akdang si Dean Fansler ay nangolekta ng isang kuwento na pinamagatang The Wicked Woman's Reward, mula sa isang Gregorio Frondoso, isang Bicolano mula sa Camarines. Ang kuwentong ito ay nagpapakita ng tunggalian sa pagitan ng dalawang babae ng hari: pinapalitan ng isa ang anak ng isa para sa isang pusa.[15][16]

Itinala ni Propesor Damiana Eugenio ang kuwentong Thai na Ang Apat na Punong Champa at Tsinong kuwentong Pusa Kapalit ng Prinsipe bilang mga "banyagang analogo" sa mga bersiyon ng Filipino ng kuwento ng asawa ng hari na pinalayas sa palasyo dahil sa intriga ng babae at mga akusasyon ng panganganak sa mga hayop.[17]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Li figghi di lu cavuliciddaru". Fiabe Novelle e Racconti Popolari Siciliani (sa wikang Italyano). Bol. 1. L. Pedone-Lauriel. 1875. pp. 316–328.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Pitrè lists his informant for this story as [Rosalia] Varrica.
  2. Crane, Thomas. "Chapter 1" . Italian Popular Tales . The Dancing Water, the Singing Apple, and the Speaking Bird  – sa pamamagitan ni/ng Wikisource.
  3. Jacobs, Joseph (1916). "The Dancing Water, the Singing Apple, and the Speaking Bird". European Folk and Fairy Tales. New York: G. P. Putnam's Sons. pp. 51–65.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. See the   note to the tale. in Italian Popular Tales.
  5. "Der Vogel der Wahrheit 707" [The Bird of Truth 707]. Lexikon der Zaubermärchen (sa wikang Aleman). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 6, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Contos Maravilhosos: Adversários Sobrenaturais (300–99)" (sa wikang Portuges). p. 177. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 6, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Toporkov, Andrei (2018). "'Wondrous Dressing' with Celestial Bodies in Russian Charms and Lyrical Poetry" (PDF). Folklore: Electronic Journal of Folklore. 71: 210. doi:10.7592/FEJF2018.71.toporkov. ISSN 1406-0949. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Hunyo 6, 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Bódis, Zoltán (2013). "Storytelling: Performance, Presentations and Sacral Communication". Journal of Ethnology and Folklorsitics. Estonian Literary Museum, Estonian National Museum, University of Tartu. 7 (2): 22. eISSN 2228-0987. ISSN 1736-6518. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 6, 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Thompson, Stith (1977). The Folktale. University of California Press. p. 121. ISBN 0-520-03537-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Cuentos Populares Españoles. Aurelio M. Espinosa. Stanford University Press. 1924. pp. 234–236
  11. Contos Tradicionais do Povo Português. Vol. I. Teófilo Braga. Edições Vercial. 1914. pp. 118–119.
  12. The Pleasant Nights – Volume 1. Edited with Introduction and Commentaries by Donald Beecher. Translated by W. G. Waters. University of Toronto Press. 2012. pp. 600–601.
  13. Azevedo, Alvaro Rodrigues de. Romanceiro do archipelago da Madeira. Funchal: "Voz do Povo". 1880. pp. 391–431.
  14. "The Listening King". In: Eells, Elsie Spicer. The Islands of Magic: Legends, Folk and Fairy Tales from the Azores. New York: Harcourt, Brace and Company. 1922.
  15. Fansler, Dean S. Filipino Popular Tales. American Folk-Lore Society. 1921. pp. 309-310.
  16. Tan, Susie L. Asian Hearts: A Review of Filipino and Chinese Folktales. De La Salle University Press, 1998. p. 107. ISBN 9789715552486.
  17. Eugenio, Damiana L. Philippine Folk Literature: The folktales. University of the Philippines Press, 2001. p. 188. ISBN 9789715422888.