Ang mga Bikolano (Bikol: Mga Bikolnon) ay ang ikaapat na pinakamalaking pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas.[1] Kadalasang tinutukoy ang mga kalalakihan bilang Bikolano at ang mga kababaihan bilang Bikolana. Karaniwang tinutukoy ang kanilang katutubong rehiyon bilang Bicolandia, na binubuo ng buong Tangway ng Bikol at mga katabing maliliit na mga pulo, na lahat ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Luzon. Nasa 6,299,283 ang populasyon ng rehiyon sang-ayon sa senso noong 2010.[2]

Sila ay karamihang mga taong agrikultural at kanayunan, na nagtatanim ng bigas, niyog, abaka at mayaman sa mga tanim na pampalasa o pampang-anghang. Halos Kristiyano ang lahat sa kanila, na Romano Katoliko ang karamihan, subalit may ilang mga Protestanteng minorya. Patunay na ipinagdiriwang nila ang mga santo, at ibang patriyota. Nahahati ang kanilang wika batay sa kanilang lungsod na sa katunayan ay isang koleksyon ng malapit na kaugnay na baryedad, at malapit sa ibang wika sa gitnang Pilipinas, na lahat ay kabilang sa mga Austronesyo (partikular ang Malayo-Polinesyo) na superpamilya ng mga wika.[3]

Kasaysayan

baguhin
 
Mga Bikolano kasama ang kanilang kariton, mula sa Albay, mga 1899.

Sang-ayon sa isang pambayang epiko na pinamagatang Ibalong, ang mga tao ng rehiyon ay dating tinatawag bilang Ibalong or Ibalnong, isang pangalan na pinaniniwalaan na hinango mula kay Gat Ibal na namuno sa Sawangan (ang lungsod ng Legazpi ngayon) noong sinaunang panahon. Dating nangangahulugan ang Ibalong bilang "mga tao ng Ibal"; sa kalaunan, pinaikli ito sa Ibalon. Ang salitang Bikol, na pinalitan ang Ibalon, ay bikod (nangangahulugang "lumibut-libot") sa orihinal, na parang sinasalarawan ang prisipal na ilog sa lugar na iyon.

Hinayag ng mga hukay pang-arkeolohiya, na pinetsahan sa kasing aga ng Neolitiko, at mga hindi sinasadyang hanap dulot ng industriya ng pagmimina, paggawa ng lansangan at mga proyektong daang-riles, ang isang mayamang tinggalan ng seramikong artepakto sa kalupaang Bikol. Tinuturo din ng mga nahanap sa yungib na pang-libing ang kasanayan ng paggamit ng mga banga sa paglilibing bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas.

Pangunahing nagresulta ang impluwensya ng mga Kastila sa Bikol mula sa mga pagsisikap ng mga misyonaryong Agustino at Franciscano. Sa pamamagitan ng mga Franciscano, nagsimula ang taunang pista ng Birhen ng Peñafrancia, ang Patrona ng Bicolandia. Hiniling ni Padre Miguel Robles ang isang lokal na alagad ng sining na iukit ang replika ng bantayog ng Birhen sa Salamanca; ngayon, ipinagdiriwang ang bantayog sa taunang paradang plubyal sa Lungsod ng Naga.

 
Ang watawat ng mga kasapi ng Katipunan sa Bikol.

Aktibong nakilahok ang mga Bikolano sa pambansang paglaban sa Kastila, Amerikano, at Hapong pagsakop sa pamamagitan ng mga pinuno na bumangon upang makipagdigma: sina Simeón Ola at Gobernador Wenceslao Q. Vinzons.[4] Sa kasaysayan, ang mga Bikolano ay naging isa sa mga pinakamapaghimagsik laban sa banyagang pag-okupa, bilang isang resulta ng rehiyon na napakahirap kontrolin hanggang sa katupasan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Archived copy". Nakuha noong Enero 27, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2010 Census of Population and Housing, Report No. 2A: Demographic and Housing Characteristics (Non-Sample Variables) - Philippines" (PDF) (sa wikang Ingles). Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 19 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Bicol - people". Britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "The Bicolanos - National Commission for Culture and the Arts". Ncca.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Hulyo 2018. Nakuha noong 13 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)