Simeón Ola
Si Simeón Ola y Arboleda (2 Setyembre 1865–14 Pebrero 1952) ay isang bayani ng Himagsikang Pilipino at ang pinakahuling heneral na sumuko sa hukbong Amerikano noong Digmaang Pilipino-Amerikano.[1]
Simeón Ola | |
---|---|
Kapanganakan | 2 Setyembre 1865 |
Kamatayan | 14 Pebrero 1952 |
Mamamayan | Pilipinas |
Trabaho | politiko, military personnel |
Himagsikang Pilipino
baguhinPinanganak si Ola sa Guinobatan sa Albay kina Vicente Ola at Apolonia Arboleda.[2] Nag-aaral siya ng pilosopiya nang itigil niya ito noong 1896 para makisapi sa Katipunan.[2] Matapos ang himagsikan laban sa Espanya, ipinagpatuloy niya ang pakikidigma laban sa mga Amerikano.
Digmaang Pilipino-Amerikano
baguhinDahil hindi mapigil ng hukbong Amerikano ang mga paglusob ni Ola, mismong sinasabi ni Heneral Taft na ang mga tauhan ni Ola ang mga pinakamatindi niyang naharap,[2] nagpatayo na lamang sila ng mga concentration camp sa buong Kabikulan, tulad nang ginagawa na nila noong panahong iyon sa buong bansa.[3] Noong Nobyembre 1902 dinalaw ni Heneral Jesse Garwood si Ola, nakikiusap na sumuko na siya.[2] Tumanggi si Ola at ipinagpatuloy niya ang kaniyang mga pagsalakay sa hukbong Amerikano hanggang siya'y madakip noong 5 Setyembre 1903. Noong 25 Setyembre ng taong iyon, sumuko sa wakas sina Ola at ang kaniyang mga tauhan. Hinatulan si Ola ng 30 taon sa bilangguan bagaman pinalaya rin siya niyong sunod na taon.
Buhay pampolitika
baguhinNgayong malaya na, tumakbo si Ola bilang alkalde ng Guinobatan at nanalo; siya ang naging unang alkalde ng bayan.[4] Namatay siya noong 14 Pebrero 1952, halos anim na taon matapos kilalanin sa wakas ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas. Noong 25 Setyembre 2004 inilipat ang kaniyang mga labi sa Dambana ni Simeón A. Ola sa Liwasang Ola sa Guinobatan.[5][6] Mayroon ding nakatayong bantayog ni Ola sa Liwasan ng Pamana ng Kabikulan sa Legazpi.[7]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ http://www.mb.com.ph/issues/2005/12/21/OPED2005122152182.html
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-13. Nakuha noong 2008-12-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Itinatag ang pinakauna sa Marinduque. Birtle, pág. 272.
- ↑ http://www.inquirer.net/globalnation/sec_fea/2004/sep/30-03.htm[patay na link]
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-28. Nakuha noong 2008-12-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.bicolmail.com/issue/september30/reinterment.html[patay na link]
- ↑ Image:GeneralOla.jpg (sa Ingles)