Si Anna Ohura ay isang pinakasikat, pinakamaganda at pinakakilalang artistang pornograpiya sa bansang Japan magmula pa noong Agosto, 1999 hanggang noong Hunyo, 2003 at hindi lang sa bansa nila sikat sa larangan ng pornograpiya si Anna Ohura kundi sa buong mundo na rin na itinatapat sa mga sikat na artistang pornograpiya sa mundo. Isinilang siya sa Hokkaido, Japan na matatagpuan sa Hilagang Bahagi ng Bansang Japan noong 30 Mayo 1980 sa Amang Pranses (nguni't ayon sa ilang kaalaman tungkol kay Anna Ohura ay siya ay isang purong Haponesa nang walang halong anumang dugo ng ibang lahi at mababasa natin ito sa kanya mismong pagsasalaysay sa kanyang talambuhay na nakasulat sa Boobpedia) at sa Inang Haponesa at bukod pa sa kanyang ina'y iginagalang niya ang kanyang lola. Kaya siya nakilala bilang isa sa pinakamagandang artistang pornograpiya sa Japan dahil sa pambihirang laki ng dibdib, maliit na hubog ng baywang at ang mala-engkantada o diwata, mapang-akit at inosenteng uri ng pagmumukha na nagbigay ng paghanga sa kanyang mga tagahanga sa buong mundo na masasabing pinakamaganda at pinaka-kaaya-ayang artistang pornograpiyang Haponesa. Sa totoo lang, siya'y kaaya-aya't kahali-halinang artista sa kanyang mga tagahanga lalo na kapag siya'y ngumingiti. Mahina ang kanyang paningin kaya kung minsa'y gumagamit siya ng salamin o contact lense. Ang paborito niyang pagkai'y ang udon noodles pero hindi niya gusto ang soba noodles, paminsan minsa'y siya'y umiinom at naninigarilyo. Noong siya'y bata pa'y nangarap siyang maging isang comic writer at habang siya'y lumalaki sa piling ng kanyang pamilya'y nakikitaan siya ng kahali-halinang itsura noong siya nasa high school pa, paborito niyang pag-aralan ang araling panglipunan habang hindi niya kayang pag-aralan ang Math at English at hindi lang iyon, siya'y isa sa pinakasikat na estudyante sa high school sa kanilang lugar kaya nagka-interes ang kanyang Scout Master at ipinasok siya sa ganitong larangan at makikita naman natin sa lahat ng mga artistang pornograpiya na nagtungo't nagkaroon ng pagkuha ng litrato sa Okinawa noong 2000 ay siya lamang ang may pinakamaraming kuha ng mga litrato. Sa Japan ay may dalawang grupo ng kompanya ng pornograpiya ang isa'y indie at ang isa'y pro. Ang pro ay tumataguyod sa Samahan ng pag-aalaga sa moralidad sa Japan habang ang indie ay labas sa ganitong samahan. Nagsimula siyang magtrabaho sa XCITY noong 1999 para magpakita sa kanyang mga tagahanga kung ano ang mga programa nito at sa lahat ng mga artistang pumasok sa larangan ng pornograpiya sa bansang Japan ay siya lamang ang kauna-unahang nagpakilala ng kanyang propesyon sa mundo ng Internet na laganap sa buong mundo kaya magmula pa noong 1999 ay sinusubaybayan na siya ng kanyang mga tagahanga sa buong mundo hindi lamang sa Japan at nagtrabaho siya sa samahang pro na nagpalabas sa kanyang unang pelikula sa pornograpiya na pinamagatang Tawawana noong 2000, nakapaglakbay din siya sa Pilipinas, South Korea at Saipan at noong 2003 kung saan ito na ang kanyang huling pelikula sa pornograpiya sa samahang indie na pinamagatang Super Angle of Oppai. Pagkatapos niyang magdiwang ng kanyang ika-23 taong gulang ng kaarawan noong 2003 ay tuluyan na siyang namaalam sa industriya ng pornograpiya sa Japan. Sa totoo lang, marami din ang nakapuna na kung hindi niya pinasok ang ganitong laranga'y malamang na isa siya sa kanang kamay ng comic writer ng isang malaking comic company sa bansang ito, mayroon namang napansin na sa kanyang disenteng anyo't kaaya-aya'y nararapat siyang maging representante ng kanyang bansa para sa Pandaigdigang Kagandahan ng Kababaihan dahil sa perpektong hubog ng kanyang katawan na nararapat sa ganitong laranga't mayroon namang nakapuna sa kanyang anyong kagandahan na hindi mapapantayan ng sinumang artistang pornograpiya noong magsimula ang ganitong larangan hanggang ngayon. Dahil sa kanyang kasikatan di lamang sa Japan kundi pati na rin sa buong mundo'y naanyayahan siyang maging modelo ng isang malaking furniture sa Taiwan kaya nagbiro siya sa mga taga-media na siya lamang ang may pinakamalaking dibdib sa mga Haponesang pumasok sa ganitong larangan pero ang totoo'y hindi niya ito sinadya kundi isa lamang itong biro. Magpahanggang ngayo'y naaalala pa siya ng kanyang mga tagahanga di lang sa Japan kundi sa buong mundo pero unti-unti na itong naglalaho bilang paggalang sa kanyang kasalukuyang buhay sa ngayon. Ang Inglis na pagkakakilanlan ni Anna Ohura ay mababasa sa Boobpedia.[1]

  1. http://www.boobpedia.com/boobs/Anna_Ohura
Anna Ōura
Kapanganakan30 Mayo 1980
  • (Subprepektura ng Ishikari, Hokkaido, Hapon)
MamamayanJapan
Trabahoartistang pornograpiko, AV idol, erotic photography model