Antón Lamazares
Si Anton Lamazares (Espanya, 1954) ay isang pintor na Espanyol. Kasama niya sina José María Sicilia, Miquel Barceló at Víctor Mira na mga miyembro ng "generación de los 80" (salinlahi ng 80). Sa pamamagitan ng paglikha sa paggamit ng iba’t ibang klase ng kahoy, karton, barnis at iba pang materyales, siya ay gumawa ng isang napaka-personal na daluyan ng sining. Mula sa simula ng isang mapaglarong pagpapahayag, ang kanyang estilo ay nagbago at umunlad patungong abstract expressionism at straightforward abstraction, at, mas kamakailan lamang, isang uri ng minimalism sa kung saan ang isang taimtim na diyalogo sa pagitan ng kaluluwa at memorya, ang espirituwal at ang senswall, tula at panaginip ay maaaring maganap. Ang kanyang mga gawa ay nakaeksibit sa buong mundo sa pamamagitan ng maraming mahalagang institusyon, kabilang ang National Museum Reina Sofia, ang Galisyanong Sentro para sa Kontemporaryong Sining at ang Museo ng Kontemporaryong Sining ng Madrid, pati na rin sa pamamagitan ng maraming mga pribadong kolektor at pundasyon.
Biyograpiya
baguhinKabataan: pagpinta at mga tula
baguhin(Galicia, 1954-1977)
Si Lamazares ay ipinanganak noong 2 Enero 1954 sa Maceira, isang pueblo sa Lalín (Pontevedra, Espanya). Ang kapaligiran sa kanayunan ay nagdulot ng malalim na epekto sa kanyang proseso ng paglikha at pag buo ng mga imahe. Ang unang mga taon ng kanyang pag-aaral (1963-1969) ay sa Pransiskanong seminaryo ng Herbón kung saan siya ay nahilig sa pag-aaral ng panitikan, na karamihan ay mga klasikong Latin at Griyego. Noong dekada sesenta siya nagsimulang magsulat ng mga tula at bumuo ng pakikipagkaibigan sa manunulat na si Álvaro Cunqueiro at sa mga pintor na sina Laxeiro at Manuel Pesqueira, na magiging kanyang impluwensiya. Ang kanyang bokasyon sa pahlikha ng sining ay nagsimulang lumipat mula sa mga tula patungo sa pagpipinta, Siya ay sumailalim sa mahabang paglalakbay sa buong Europa (1972) upang mag-aaral ng mg alikha ng mga idolong maestro kabilang sina Van Gogh, Klee, Rembrandt at Miró. Kabilang din sina Antoni Tàpies, Manuel Millares, Alberto Giacometti at Francis Bacon, pati na rin ang medyebal na sining at ang sining ng Oceania.
Sa pagtatapos ng kanyang paglalakbay siya ay nanalagi sa Barcelona, kung saan siya ay nagtrabaho bilang isang manggagawa sa konstruksiyon. Sa kanyang libreng oras kanyang inaral ang mga koleksiyon sa mga museo lalo na ang koleksiyon ng mga sining Romanesko sa Museo ng Marés at ng National Art Museum ng Catalunya. Sa Madrid, kung saan siya sumunod na nagpunta, siya ay patuloy na nakipag-ugnayan sa kanyang maestro na si Laxeiro, at kanyang nakilala ang makatang si Carlos Oroza, na ang pagkakaibigan ay mananatiling mahalaga sa kanya: ang diyalogo sa pagitan ng pagpipinta at tula ay isang temang hindi nawawala sa lahat ng kanyang trabaho.
Noong 1973, sa edad na 19 lamang, Si Lamazares ay nagsimulang maglabas ng kanyang mga kuwadro sa pamamagitan ng mga eksposisyong solo o kabilang sa grupo Noong 1975 siya ay nagsimula ng kanyang sapilitang serbisyo military sa Navy, sa El Ferrol. Noong 27 ng Setyembre ng taong iyon nabalitaan niya ang kagulat-gulat na balita ng mga huling pagpatay ng rehimeng Franco, matapos ang paglilitis sa Burgos; isa sa mga binitay ay ang kanyang kaibigang si Humberto Baena, isang 24-taong-gulang mula sa Pontevedra. Ang balita ay nagdala kay Lamazares sa isang lubo, na nagreresulta sa isang panahon ng saykayatrikong pagkakaospital. Sa panahong ito niya isinulat ang kanyang koleksiyon ng mga poems na Adibal.
Mula sa ekspresyonismo at Arte Povera hanggang sa pagpintang dalawahang mukha
baguhin(Madrid-New York, 1978-1989)
Noong 1978 si Lamazares ay lumipat sa Madrid, kung saan siya ay bumuo ng isang malapit na pagkakaibigan sa pintor na si Alfonso Fraile, pati na rin sa galleristang si Juana Mordó,[1] ang sining kritiko at makatang si Santiago Amón at ang neurologist na si Alberto Portera na naging daan patungo sa isang malaking grupo ng mga artista - manunulat, tagapaglikha ng pelikula, musikero at pintor na nagtitipon tuwing Sabado at Linggo sa kanyang bahay sa Mataborricos, kung saan si Lamazares ay nagsasagawa ng mga eksibisyon ng kanyang trabaho noong 1979.
Ang dekada ochenta ay isang panahon ng matinding aktibidad sa sining at malawak na pagkalat ng kanyang mga likha. Sa edad 30 si Lamazares ay nakatagpo ng isang puwang sa panorama ng Espanyol pati na rin sa internasyonal na sining. Ang kanyang mga kuwadro na nilikha ng panahong iyon ay nagpakita ng mapaglaro at mala-panaginip na mga imahe na inilarawan sa isang ekspresyinistikong paraan, kromatiko at orihinal. Siya ay nagkaroon ng eksposisiyon sa tanghalan ng Juana Mordó sa Madrid, sa Elisabeth Franck sa Belgium at sa Sala Gaspar sa Barcelona.[2] Di naglaon, siya ay lumpiat sa New York, kung saan siya ay nanatili ng dalawang taon dahil sa isang Fulbright Scholarship. Doon, ang kanyang mga obra, na kanyang ipinapakita sa Bruno Fachetti Gallery,[3] ay bumuo ng isang direksiyong mas puro at material. Nagkaroon ng panahon na hinati niya ang kanyang oras sa pagitan ng New York at Salamanca. Noong 1988 siya ay naglakbay sa Anatolia at bumisita sa templo ng Didyma bilang isang paggunita sa Hölderlin's Hyperion – at Istanbul, kung saan siya ay lubos na humanga sa mga simbahang Byzantine. Ang mga imahe mula sa kanyang karanasan, ay lumalabas sa pamamagitan ng pagkakaayos ng kahoy sa mga kuwadro na kanyang nilikha na makikita sa Galería Miguel Marcos.[4] Noong 1990 siya ay nagsimulang maghahanda ng isang bagong serye ng mga obra na idinisenyo upang tignan mula sa magkabilang panig, kung alin kanyang tinawag na mga bifrontes (bifacials).
Pagpipintang eskultural at malalaking mga pormat
baguhin(Paris-Madrid, 1990-2003)
Noong 1990 at 1991, si Lamazares ay nagpunta sa Paris dahil sa suporta ng Cite des Arts, at noong 1991 siya ay nagbukas ng isang malaking studio sa Madrid, kung saan siya ay nagsimulang magtrabaho sa seryeng Gracias vagabundas at Desazón de vagabundos (Ang Pagkabalisa ng Vagabonds).[5] Noong 1993 nakilala niya si Tàpies at nai-publish ang isang malawak na panayam sa kanya matapos gawaran si Tàpies ng Golden Lion sa Venice Biennale. Dahil sa imbitasyon ng Galician Centre para sa Kontemporaryong Sining, nagpunta siya sa Galicia noong Mayo-Nobyembre ng 1996 upang ipinta ang serye Gracias do lugar: Eidos de Rosalía, Eidos de Bama.[6] Mula Hunyo hanggang Nobyembre ng 1997 ay nagtrabaho siya sa labas sa Santa Baia de Matalobos sa Bes de Santa Baia. Noong 1998, sa Madrid, ipininta niya ang seryeng Titania e Brao, isang paggunita sa tag-araw sa Castillia, at pagkatapos kanya ding nilikha ang Pol en Adelán.[7]
Sa panahong ito, siya din ay gumawa maraming mga graphic na obra, kabilang ang isang suite ng mga etchings upang samahan ang limang teksto ni Gustavo Martín Garzo sa kanyang librong El Canto de la Cabeza at ang lithographs na kasama ng Itinerarium ni Egeria, isang likhang hinirang bilang aklat ng taon ng Le Monde Diplomatique. Noong 2001 siya ay nagpalabas ng isang grandeng eksibisyon sa daungan ng A Coruña na may pamagat na Un Saco de Pan Duro (Isang sako ng matigas na tinapay).[8]
Ang kanyang trabaho ay pinili para sa internasyonal na promosyon, kasama na ng iba pang mga Espanyol na pintor na tulad nina Antonio Saura, Martín Chirino, Joan Hernández Pijuan, Millares, Pablo Serrano, Jorge Oteiza at Tàpies ng Ministry of Foreign Affairs sa ilalim ng programang Sining Espanyol para sa Mundo. Sa panahong ito si Lamazares ay naglakbay sa Florence at Assisi unang suriin ang sining ng panahon ng “Renaissance” pati na rin upang makakuha ng kaalaman tungkol kay Saint Francis, kanino niya inialay ang kanyang bagong serye, ang Follente Bemil.[9]
Mula sa abstraksiyon hanggang poetikong minimalismo
baguhin(Berlin, magmula 2004)
Noong 2004, si Lamazares ay lumipat sa Berlin kung saan siya ay naninirahan hanggang ngayon. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang ama, sinimulan niya ang serye ng E fai frío no lume. Siya ay ang paksa ng mga malalaking eksibisyon sa Slovenia at sa Museum (Church) Kiscelli sa Budapest (Hungary).[10]
Di naglaon, ginugol niya ang kaniyang sarili sa seryeng Domus Omnia,[11] at nakipagtulungan sa paglikha ng dalawang libro ng sining ni Oroza: Deseo sin trámite na may serigraph at Un sentimiento ingrávido recorre el ambiente na kung saan siya ay nagbigay ng limang lithographs.[12]
Noong 2008 kanyang inilabas ang Horizonte sin dueño sa National Gallery ng Jordan (Amman) at isang antolohiya ng kanyang mga grapikong trabaho sa Suriang Cervantes of Damascus (Syria), kung saan ang makatang si Taher Riyad ay nag alay ng koleksiyon ng mga tula, ang Cantos de Lamazares para sa kanya. Noong 2009 kanyang ineksibit ang kanyang trabaho sa Queen Sofía Spanish Institute,[13] pati na rin sa Orense (Espanya), sa Cultural Centre of the Delegation.[14] Siya rin ay lumahok sa isang naglalakbay na eksibisyon dedikado sa makatang si Vicente Aleixandre at siya ay tumanggap ng Laxeiro Prize na nagbibigay –pugay sa trabaho ang kanyang buhay at ang kanyang kabantugan sa buong mundo. Noong 2010 ipinakita sa isang eksibit ang kanyang trabaho sa Simbahan ng Unibersidad, sa Santiago de Compostela, at sa Tui, kung saan ang dokumentaryong Horizonte sin dueño ay ipinalabas sa kanyang internasyunal na film festival, Play-Doc.[15] Ang pelikula, sa direksiyon ng magkapatid na sina Nayra at Javier Sanz (Rinoceronte Films), ay may nagsasadula ng isang paglalakbay sa pamamagitan ng sansinukob ng pagpipinta, tula at likas na yaman mula sa perspektibo ng Antón Lamazares.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Juana Mordó, una vida por el arte español". El País (sa wikang Kastila).
- ↑ "Antón Lamazares: "Cuando pinto trato de expresarme con cosas mínimas, y tocar el alma"" (pdf). La Vanguardia (sa wikang Kastila).
- ↑ "Chirino y Lamazares exponen en Nueva York". El País (sa wikang Kastila).
- ↑ "Fieles a su propia sangre" (pdf). ABC (sa wikang Kastila).
- ↑ "«Utilizo la pintura a bofetadas»". El País (sa wikang Kastila).
- ↑ "Lamazares presenta un montaje "poseído por el hábitat" de Galicia". El País (sa wikang Kastila).
- ↑ "Antón Lamazares: "A mi pintura hay que acercarse a gatas, con mirada de niño"; Territorios de la emoción" (pdf). ABC (sa wikang Kastila).
- ↑ "Apoteosis del exceso". El País (sa wikang Kastila).
- ↑ "Canto de la carne". El País (sa wikang Kastila). "La carne no es triste" (pdf). ABC (sa wikang Kastila). "El Kama-sutra de Lamazares". El Cultural (El Mundo) (sa wikang Kastila).
- ↑ "Los demonios interiores de Lamazares asaltan el museo Kiscelli de Budapest". El País (sa wikang Kastila). "The exhibition of the painter Antón Lamazares" (sa wikang Ingles). Museum Kiscelli.
- ↑ "Antón Lamazares expone en SCQ la serie «Domus Omnia»". La Voz de Galicia (sa wikang Kastila).
- ↑ "Carlos Oroza reaparece con un libro ilustrado por Antón Lamazares". El País (sa wikang Kastila). "Un sentimiento ingrávido entre Lamazares y Oroza". Faro de Vigo (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-04-19. Nakuha noong 2010-06-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Filmando a Lamazares". El País (sa wikang Kastila). "Anton Lamazares at Queen Sofia". Village Voice (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-04-04. Nakuha noong 2010-06-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "A construción da alma de Antón Lamazares". El País (sa wikang Galego).
- ↑ "Un documental sobre el pintor Antón Lamazares levanta el telón de la sexta edición del festival de cine de Tui". La Voz de Galicia (sa wikang Kastila).
Biblyyograpiya
baguhin- AMÓN, Santiago, "La pintura de Lamazares y la luz crepuscular", Lamazares 1978-1986, La Coruña, Durán, 1986.
- CALVO SERRALLER, Francisco, "La musa en cueros", Madrid, Montenegro, 1986; "Casa de la pintura", Domus Omnia, Madrid, Álvaro Alcázar, 2007.
- CASTRO, Fernando, "Fragmentos de un texto que no pude escribir", Antón Lamazares. Un saco de pan duro, La Coruña, Ayto. de La Coruña, 2001.
- CASTRO, Luisa, "Alma en lunes o la noche de las estrellas que brillan poco", Antón Lamazares. Alma en lunes, Orense, Museo Municipal, 2002.
- FUENTES FEO, Javier, "Inventar y divulgar nuevos secretos. En torno a la pintura de Antón Lamazares", Lamazares, Madrid, SEACEX, 2005.
- GABILONDO, Ángel, "Del verde llover", Antón Lamazares. Gracias do lugar, Santiago de Compostela, CGAC, 1997; "Una conversación entre Ángel Gabilondo y Antón Lamazares" (entrevista), Lamazares, Madrid, SEACEX, 2005.
- LOGROÑO, Miguel, "Todos los ojos del mundo", Reconocimientos. Colección Miguel Logroño, Santander, Museo de Bellas Artes, 2007.
- MARTÍN GARZO, Gustavo, "Jonás y la calabacera", Antón Lamazares. Iles Quén, Madrid, La Caja Negra, 2000.
- MIKUŽ, Jure, "La imagen original bajo las capas del palimpsesto de la conciencia", Lamazares, Madrid, SEACEX, 2005.
- MOURE, Gloria, "Antón Lamazares", Artforum, Nueva York, mayo de 1987.
- MURADO, Miguel-Anxo, "Hermana carne", Follente Bemil, Madrid, Metta, 2003.
- RIVAS, Manuel, "La leyenda de Antón Lamazares", Antón Lamazares, Murcia, Palacio Almudí, 1995.
- SANDOVAL, Michael, "Antón Lamazares. The Vagabond Shaman", Antón Lamazares, Nueva York, Queen Sofía Spanish Institute, 2009.
Mga panlabas na kawing
baguhin- Documentary about Lamazares at Play-Doc
- Lamazares at SEACEX Naka-arkibo 2011-07-20 sa Wayback Machine.
- Works by Lamazares at the Colección Caixanova Naka-arkibo 2012-03-05 sa Wayback Machine.
- Lume na fonte. Exhibition for the "Xacobeo 2010" in Santiago de Compostela
- La pintura de Lamazares y la luz crepuscular Santiago Amón (nakasalin sa Kastila)
- Exhibition catalogue of Domus Omnia & E fai frío no lume (nakasalin sa Kastila)
- Website of painter Antón Lamazares