Antidepresanteng trisikliko

Ang antidepresanteng trisikliko (Ingles: tricyclic antidepressant o TCA) ang pinakamatandang klase ng mga antidepressant. Ito ay kumikilos sa pamamagitan ng paghaharang ng muling pagsisipsip ng ilang mga neurotransmitter gaya ng norepineprino at serotonin. Hindi na ito gaanong nirereseta ngayon dahil sa pagkakalikha ng mas selektibo at ligtas na mga antidepressant. Ang mga pangalawang epekto(side effects) nito ay kinabibilangan ng pagtaas ng pagtibok ng puso, kaantukan, tuyong bibig, konstipasyon, pagpapanatili ng ihi, malabong paningin, kalituhan, pagkahilo, at hindi pagganang sekswal(sexual dysfunction). Ang pagiging nakalalason nito ay tinatayang nangyayari sa 10 beses na normal na dosis nito. Ang mga ito ay kalimitang nakamamatay dahil ang mga ito ay maaaring magsanhi ng nakamamatay na arrhythmia. Gayunpaman, ang mga trisiklikong antidepressant ay ginagamit pa rin ng ilan dahil sa kanilang pagiging epektibo lalo na sa mga matinding kaso ng malaking depresyon. Ang mga drogang TCA ay kinabibilangan ng Amitriptyline (Elavil, Endep), Clomipramine (Anafranil), Doxepin (Adapin, Sinequan), Imipramine (Tofranil), Trimipramine (Surmontil) at iba pa.


Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.