Antipapa Ursicinus
Si Ursicinus,o Ursinus ang hinalal na papa o Obispo ng Roma sa isang marahas na nilabanang halalan noong 366 CE bilang katunggali kay Papa Damaso I. Si Ursicinus ay namuno sa Roma ng ilang mga buwan noong 366-367 at pagkatapos ay idineklarang Antipapa at namatay noong 381 CE. Si Papa Liberius ay pinatalsik noong 355 CE sanhi ng isang alitan kay Emperador Constantius II na isang Ariano tungkol sa pagtrato nito sa Arianismo. Si Antipapa Felix II ay inilagay na kahalili nito. Pagkatapos ng kamatayan ng Emperador, si Liberius ay kalaunang muling inilagay at si Felix ay pinatalsik sa Roma. Gayunpaman, ang mga magkatunggaling partido ay nanatiling malaking polarisado sa Roma.