Antiseptiko
Ang antispetiko (Ingles: antiseptic, Griyego: ἀντί: anti, '"laban"[1] + σηπτικός: sēptikos, "putrepaktibo", "nakakabulok", "nakakasira"[2]) ay isang sustansiya na inilalapat sa mga sugat sa balat. Dahil sa antispetiko, nababawasan ang kalamangan na maimpeksiyon ang sugat. Kung kaya't sa ibang pananalita, ang mga antiseptiko ay mga sustansiyang antimikrobyal (mga antimikrobyal o "laban sa mikrobyo", antimikrobyo) na inilalapat sa tisyung biyolohikal na may buhay upang mabawasan ang maaaring pagkakaroon ng imperksiyon, sepsis, o putrepaksiyon (pagkabulok). Kabilang sa karaniwang ginagamit na antiseptiko ang alkohol, iyodina at mga langkapang merkuryo. Naiiba ang mga antiseptiko mula sa mga antibiyotiko: ang mga antiseptiko ay maaaring gamitin lamang sa ibabaw ng balat, samantalang ang mga antibiyotiko ay maaari ring paglakbayin sa loob ng katawan sa pamamagitan ng sistemang limpatiko upang lipulin ang bakterya. Naiiba rin ang mga antiseptiko mula sa mga disinpektante: ang mga disinpektante ay ginagamit lamang sa mga bagay na walang buhay upang sugpuin ang mga mikroorganismong nasa ibabaw ng mga bagay na ito.
Ang ilang mga antiseptiko ay tunay na mga pamatay-mikrobyo (mga hermisidyo o germicide sa Ingles), na may kakayahang sumira ng mga mikrobyo (bakteryosidal), habang ang iba naman ay mga bakteryostatiko na nakaiiwas lamang o nakapipigil lamang ng paglaki ng mga mikrobyo. Ang mga antibakteryal ay mga antiseptiko na napatotohanang may kakayahang lumaban sa bakterya. Ang mga mikrobisidyo (mga microbicide sa Ingles) na nakakawasak ng mga partikulo ng birus ay tinatawag na mga birisidyo o mga antibiral (antibirus).
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.