Antoine Lavoisier
Si Antoine-Laurent de Lavoisier o Antoine Laurent Lavoisier[1] (26 Agosto 1743 – 8 Mayo 1794), ay kilala bilang ama ng kimika ng makabagong-panahon,[2] Isa siyang kimiko, biyologo, ekonomista, maharlika, politiko, at manananggol. Higit siyang kilala sa kaniyang mga gawaing may kaugnayan sa larangan ng kimika.[1]
Antoine Lavoisier | |
---|---|
Kapanganakan | 26 Agosto 1743 |
Kamatayan | 8 Mayo 1794 | (edad 50)
Trabaho | Kimiko, ekonomista, maharlika, biyologo, politiko, at manananggol. |
Talambuhay
baguhinIsinilang siya sa Paris, Pransiya noong 1743. Bilang anak isang mayamang abogado, nag-aral din siya ng pagkamanananggol, ngunit sinabayan niya rin ng pag-aaral hinggil sa mga paksang makaagham. Kaya't nang magtapos sa pagkaabogado, nagpasiya siyang maging isang mananaliksik pang-agham.[1]
Noong 1771, pinakasalan niya si Marie Paulze, isang dalagang bata sa kaniya ng labing-apat na taon, na nagsilbi bilang kalihim at mangguguhit ng mga larawan para sa kaniyang inakdaang mga aklat. Wala silang naging mga anak.
Politika
baguhinMatagal na naging kasapi ng isang samahang kinamumuhian ng mga mamamayang Pranses si Lavoisier, ang Farm-General sa Ingles (Pranses: Ferme générale), isang organisasyong may tungkulin sa pangangalap ng buwis para sa hari. Noong 1789, nagkaroon ng pagaaklas sa Pransiya laban sa hari. Sa kasukdulan ng Rebolusyong Pranses na ito, hinuli at nilitis ang mga miyembro ng Farm-General, na nahatulan ng parusang kamatayan. Kabilang si Lavoisier sa mga ito. Pinugutan siya ng ulo, sa pamamagitan ng gilotina, noong 1794.[1]
Agham
baguhinBagamat wala siyang sariling mga pagkakatuklas, nagbigay siya ng mga tumpak na paliwanag hinggil sa mga natuklasan ng ibang tao. Nakapagpa bago sa larangan ng kimika ang kaniyang mga naging paliwanag tungkol sa kombustyon, o pagsunog. Batay sa kaniyang mga gawain ang kasalukuyang agham ng kimika.[1]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Antoine Laurent Lavoisier". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lavoisier, Antoine", Encyclopædia Britannica, 2007, Encyclopædia Britannica Online, 24 Hulyo 2007