Ekonomika

(Idinirekta mula sa Economics)

Ang ekonomika o ekonomiks (Ingles: economics) bilang isang agham panlipunan, ay ang pag-aaral sa paglikha, pamamahagi, at pagkonsumo ng kalakal.[1]

Ang salitang "ekonomika" ay nagmula sa Sinaunang Griyegong οἰκονομία (oikonomia, "pangangasiwa ng isang sambahayan, administrasyon") mula sa οἶκος (oikos, "bahay") + νόμος (nomos, "kustombre" o "batas") at kaya ay "mga batas ng sam (bahay)an".[2] Ang larangang ito ay mahahati sa iba't ibang paraan. Ang pokus ng paksang ito ay kung paanong ang mga ahenteng ekonomiko ay umaasal o nakikipag-ugnayan at kung paanong ang mga ekonomiya ay gumagana. Sa pag-ayon dito, ang isang pangunahing pagtatangi sa mga aklatan ay sa pagitan ng mikroekonomika at makroekonomika. Ang mikroekonomika ay sumusuri sa pag-aasal ng mga pangunahing elemento sa ekonomiya kabilang ang mga indibidwal na ahente (gaya ng mga sambahayan at negosyo o bilang mga mamimili o tagatinda) at mga pamilihan (markets) at mga interaksiyon nito. Ang makroekonomika ay sumusuri sa kabuuang ekeonomiya at sa mga isyu na umaapekto rito kabilang ang kawalang trabaho, inplasyon, paglagong ekonomiko, at patakarang piskal at pananalapi. Nagsisimula ang ekonomiya sa premisa (premise) o proposisyon na kakaunti ang kayamanan at kinakailangang mamili sa pagitan ng mga napapaligsahang alternatibo. Sa ibang salita, binibigyan ng pansin ng ekonomika ang mga tradeoff. Sa kakulangan, kung pipili sa isang alternatibo, nangangahulugang sinusuko ang isang pang alternatibo—ang halaga ng pagkakataon (opportunity cost). Nililikha ng halaga ng pagkakataon ang isang tahasang ugnayan ng halaga sa pagitan ng nagpapaligsahang alternatibo. Sa karagdagan, sa parehong nakasalig sa merkado (market oriented) at nakaplanong ekonomika, kadalasang di na tahasang ipinapaliwanag ang dami ng kakulangan sa pamamagitan ng kaugnay na halaga.[3]

Ang iba pang mga malawak na distinksiyon sa ekonomika ay kinabibilangan ng sa pagitan ng positibong ekonomika at normatibong ekonomika, sa pagitan ng teoriyang ekonomika at nilalapat na ekonomika, sa pagitan ng teoriyang makatwirang pagpili at ekonomikang pag-aasal, at sa pagitan ng nananaig na ekonomika (mas ortodokso at nakikitungo sa "rasyonalidad-indibidwalismo-ekwilibrium nexus") at ekonomikang heterodokso (mas radikal at nakikitungo sa "mga institusyon-kasaysaysan-panlipunan na istrakturang nexus").[4][5]

Ang analis na ekonomiko ay maaaring ilapat sa buong lipunan gaya ng sa negosyong ekonomika, pinansiyang ekonomika, kalusugang ekonomika at pamahalaan gayundin din sa krimen,[6] edukasyon[7], pamilya, batas, politika, relihiyon,[8] mga institusyong panlipunan, digmaan,[9] at agham.[10] Sa pagliko ng ika-21 siglo, ang lumalawig na sakop ng ekonomika sa mga agham panlipunan ay inilarawan bilang imperialismong ekonomiko.[11]

Mikroekonomika

baguhin

Mga pamilihan

baguhin
 
Isang pamilihan
 
New York Stock Exchange. Ang pamilihan ng stock (stock market) ang pamilihan kung saan ang mga stock ng mga kompanya ay iniisyu at kinakalakal sa pamamagitan ng mga stock exchange.

Ang mikroekonomika (microeconomics) ang pag-aaral ng ekonomika na sumusuri ng mga indibidwal na manlalaro sa isang pamilihan (market) at ang istraktura ng mga pamilihang ito. Ito ay umuukol bilang hindi mapaliliit na saligang kapayakan nito ang mga pribado, publiko at mga domestikong manlalaro. Ang mikroekonomika ay nag-aaral kung paanong nag-uugnayan ang mga manlalarong ito sa pamamagitan ng mga indibidwal na pamilihan (kung ipagpapalagay na may kakulangan ng mga makakalakal na unit at regulasyon ng pamahalaan). Ang isang pamilihan ay maaaring umukol sa isang produkto(gaya ng mga mansanas, aluminum, at mga mobile phone) o sa mga serbisyo ng isang paktor ng produksiyon(paglalagay ng larko, paglilimbag ng aklat, o pagpapake ng pagkain). Ang teoriya ng mikroekonomika ay nagsasaalang alang ng mga agregato (kabuuan) ng kantidad na hinihingi ng mga mamimili at kantidad na sinusuplay ng mga nagtitinda na nag-aaral ng bawat posibleng presyo kada unit. Pinag-aaralan din nito ang komplikadong interaksiyon sa pagitan ng mga manlalaro ng pamilihan sa pamamagitan ng parehong pagbili at pagbebenta. Ang teoriyang ito ay nagsasaad na ang mga pamilihan ay maaaring umabot sa isang ekwilibrium sa pagitan ng hininging kantidad at sinuplay na kantidad sa paglipas ng panahon.

Sinusuri rin ng mikroekonomika ang iba't ibang mga istraktura ng pamilihan. Ang perpektong kompetisyon ay naglalarawan sa isang istraktura ng pamilihan sa paraang walang mga kalahok ang sapat na malaki upang magkaroon ng kapangyarihan sa pamilihan upang magtakda ng presyo sa parehong produkto. Masasabi ring ang isang perpektong kompetetibong pamilihan ay umiiral kapag ang bawat kalahok ay isang tagakuha ng presyo at walang kalahok ang umiimpluwensiya sa presyo ng produktong binibili o tinitinda nito. Ang hindi perpektong kompetisyon ay tumutukoy sa mga istraktura ng pamilihan kung saan ang mga kondisyon ng perpektong kompetisyon ay hindi umiiral. Ang mga anyo ng hindi perpektong kompetisyon ay kinabibilangan ng: monopoloyo kung saan mayroon lamang isang tagatinda ng isang kalakal, duopolyo kung saan mayroon lamang dalawang tagatinda ng isang kalakal, oligopolyo kung saan may ilan lamang mga tagatinda ng isang kalakal, monopolistikong kompetisyon kung saan mayroong maraming mga tagatindang lumilikha ng mataas na diperensiyadong kalakal at monopsonya kung saan mayroon lamang isang tagabili ng isang kalakal at oligopsonya kung saan may kakaunting mga tagabili ng isang kalakal. Hindi tulad ng perpektong kompetisyon, ang hindi perpektong kompetisyon ay palaging nangangahulugang ang kapangyarihan sa pamilihan (market power) ay hindi pantay na ipinamahagi. Ang mga negosyong nasa ilalim ng hindi perpektong kompetisyon ay may potensiyal na maging mga tagagawa ng presyo na nangangahulugang sa paghawak ng isang mataas na hindi bahagi ng kapangyarihan sa pamilihan, maaari nitong impluwensiyahan ang mga presyo ng kanilang mga produkto. Ang mikroekonomika ay nag-aaral ng mga indibidwal na pamilihan sa pamamagitan ng pagpapasimple ng sistemang ekonomiko sa pagpapalagay na ang gawain sa pamilihan na sinusuri ay hindi umaapekto sa iba pang mga pamilihan. Ang paraan na ito ng analisis ay kilala bilang analisis na parsiyal-ekwilibrium (suplay at pangangailangan). Ang teoriyang pangkalahatang ekwilibrium ay nag-aaral ng iba't ibang mga pamilihan at mga pag-aasal nito. Ito ay nagtitipon (ang suma ng lahat ng mga gawain) sa buong lahat na mga pamilihan. Ang paraang ito ay nag-aaral ng parehong mga pagbabago sa pamilihan at mga interaksiyon nito na tumutungo sa ekwilibrium.[12]

Produksiyon, gastos, kaigihan

baguhin

Sa mikroekonomika, ang produksiyon ang konbersiyon ng mga input tungo sa mga output. Ito ay isang prosesong ekonomiko na gumagamit ng mga input upang lumikha ng isang komoditad para sa pagpapalit o direktang gamit. Ang produksiyon ay isang daloy at kaya ay isang rate ng output kada yugto ng panahon. Ang mga distinksiyon ay kinabibilangan ng gayong mga alternatibong produksiyon gaya ng sa pagkonsumo (pagkain, gupit, etc) vs. pamumuhunang kalakal (bagong mga traktor, gusali, kalye, etc), pampublikong kalakal (pambansang pagtatanggol, mga bakuna etc.) o mga pribadong kalakal (bagong kompyuter, saging etc) at modelong mga baril laban sa mantikilya.

Ang gastos ng pagkakataon ay tumutukoy sa gastos ekonomiko ng produksiyon: ang halaga ng susunod na pinakamahusay na pagkakataon ay nawala. Ang mga pagpipilian ay dapat gawin sa pagitan ng kanais nais ngunit mutwal na eksklusibong mga aksiyon. Ito ay inilarawan bilang paghahayag ng "basikong ugnayan sa pagitan ng kakulangan at pagpipilian". [13] Ang gastos ng pagkakataon ng isang gawain ay isang elemento sa pagsisiguro na ang mga kulang na mapagkukunan ay ginagamit ng maigi upang ang gastos ay matitimbang laban sa halaga ng gawaing ito sa pagpapasya sa dami o kaunti nito. Ang mga gastos ng pagkakataon ay hindi nakarestrikto sa mga gastos na pang-salapi o pinansiyal ngunit maaaring sukatain ng real na halaga ng nawalang output, libangan, o anumang nagbibigay ng alternatibong kapakinabangan (utilidad).[14]

Ang mga input na ginagamit sa prosesong produksiyon ay kinaibilangan ng gayong pangunahing mga paktor ng produksiyon bilang mga serbisyong trabaho, kapital (matibay na nilikhang mga kalakal na ginagamit sa produksiyon gaya ng isang umiiral na pabrika) at lupain (kabilang ang mga likas na mapagkukunan). Ang ibang mga input ay maaaring kabilangan ng mga pagitang kalakal na ginagamit sa produksiyon ng huling mga kalakal gaya ng bakal sa isang bagong kotse. Ang kaigihang ekonomiko ay naglalarawan kung gaano kahusay ang isang sistema ay lumilikha ng isang ninais na output sa isang ibinigay na hanay ng mga input at makukuhang teknolohiya. Ang kaigihan ay mapapabuti kung ang mas maraming output ay malilikha nang walang pagbabago sa mga input o sa ibang salita ay ang halaga ng "itinapon" ay napaliit. Ang isang malawak na tinatanggap na pangkalahatang pamantayan ang kaigihang Pareto na naabot kapag wala nang karagdagang pagbabago ang gagawa sa isa na mas mabuti nang hindi gagawa sa isa pa na mas masahol.

 
Isang halimbawa ng PPF

Ang production-possibility frontier (PPF) ay isang ekspositoryong pigura sa pagkakatawan ng kakulangan, gastos at kaigihan. Sa pinakasimpleng kaso, ang isang ekonomiya ay maaari lamang lumikha ng dalawang kalakal (sabihing "mga baril" at "mantikilya"). Ang PPF ay isang tabla o grapo na nagpapakita ng iba't ibang mga kombinasyon ng kantidad ng dalawang mga kalakal na malilikha sa isang ibinigay na teknolohiya at kabuuang paktor na mga input na naglilimita sa magagawang kabuuang output. Ang bawat punto sa kurba ay nagpapakita ng potensiyal na kabuuang output para sa ekonomiya na maksimum na magagawang output ng isang kalakal sa ibinigay na magagawang kantidad na output ng iba pang kalakal. Ang bawat punto sa kurba ay nagpapakita ng potensiyal na kabuuang output para sa ekonomiya na ang maksimum na magagawang output ng isang kalakal sa ibinigay na magagawang kantidad ng output ng iba pang kalakal. Ang kakulangan ay kinakatawan sa pigura ng mga tao na handa ngunit walang sa kabuuan na magkonsumo ng lagpas sa PPF(gaya ng sa X) at ng negatibong lihis ng kurba.[15] Kung ang produksiyon ng isang kalakal ay dumadami sa kahabaan ng kurba, ang produksiyon ng iba pang kalakal ay umuunti na isang relasyong inberso. Ito ay dahil ang pagdami ng output ng isang kalakal ay nangangailangan ng paglipat ng mga input dito mula sa produksiyon ng iba pang kalakal na nagpapaunti sa huli. Ang lihis ng kurba sa isang punto dito ay nagbibigay ng trade-off sa pagitan ng dalawang mga kalakal. Ito ay sumusukat sa kung anong karagdagang unit sa isang kalakal ang nagkakahalaga sa mga unit na nawala sa isa pang kalakal na isang halimbawa ng real na pagkakataong gastos. Kaya kung ang isang baril ay nagkakahalaga ng 100 mantikilya, ang gastos ng pagkakataon ng isang baril ay 100 mantikilya. Sa kahabaan ng PPF, ang kakulangan ay nagpapahiwatig na ang pagpipili ng mas marami ng isang kalakal sa agregato ay nag-aatas sa paggawa ng kaunti ng isa pang kalakal. Sa karagdagan, sa isang ekonomiyang pamilihan, ang pagkilos sa kahabaan ng kurba ay maaaring magpakita na ang pagpipilian ng dumaming output ay inaasahang nagkakahalaga sa gastos ng mga ahente. Sa konstruksiyon, ang bawat punto sa kurba ay nagpapakita ng kaigihang produktibo sa pagmamaksima ng ouput sa ibinigay na kabuuang mga input. Ang isang punto sa loob ng kurba (gaya ng sa A) ay magagawa ngunit kumakatawan sa kawalang kaigihan sa produksiyon(maaksayang paggamit ng mga input) sa paraang ang output ng isa o parehong mga kalakal ay maaaring dumami sa pamamagitan ng paglipat sa isang hilagang-silaganganing direksiyon sa isang punto sa kurba. Ang mga halimbawang binanggit ng gayong kawalang kaigihan ay kinabibilangan ng mataas na kawalang trabaho sa isang siklo ng negosyong resesyon o organisasyong ekonomiko ng isang bansa na nagpipigil sa buong paggamit ng mga mapagkukunan. Sa pagiging nasa kurba ay maaari pa ring hindi buong sumapat sa kaigihang paglalaan na tinatawag ring kaigihang Pareto kung ito ay hindi lumilikha ng isang halo ng mga kalakal na pinapaboran ng mga konsumer sa iba pang mga punto.

Ang karamihan ng nilalapat na ekonomika sa patakarang pampubliko ay nauukol sa pagtukoy kung paanong ang kaigihan ng isang ekonomiya ay mapapabuti. Ang pagkilala ng realidad ng kakulangan at pagkatapos ay pagtukoy kung paanong pangasiwaan ang lipunan para sa pinaka maiging paggamit ng mga mapagkukunan ay inilarawan bilang "esensiya ng ekonomika" kung saan ang paksang to ay "gumagawa ng walang katulad nitong kontribusyon".[16]

Espesyalisasyon

baguhin

Ang espesyalisasyon ay itinuturing na susi sa kaigihang ekonomiko batay sa mga pagsasaalang-alang na teoretikal at empirikal. Ang iba't ibang mga indibidwal o bansa ay may iba't ibang mga real na gastos ng pagkakaton ng produksiyon, sabihing mula sa mga pagkakaiba sa mga stock ng kapital na tao kada manggagawa o kapital/trabahong mga rasyo. Ayon sa teoriya, ito ay maaaring magbigay ng isang komparatibong pakinabang sa produksiyon ng mga kalakal na gumagamit ng mas intensibong ng relatibong mas sagana at kaya ay relatibong mas murang input. Kahit ang isang rehiyon ay may isang absolutong pakinabang gaya ng sa rasyo ng mga output nito sa mga input sa bawat uri ng output, ito ay maaari pa ring mag-espesyalisa sa output kung ito ay may komparatibong pakinabang at kaya ay nakikinaban mula sa pakikipagkalakalan sa isang rehiyon na kulang sa anumang absolutong pakinabang ngunit may isang komparatibong pakinabang sa paglikha ng iba pa. Napagmasan na ang mataas na bolyum ng kalakalan ay nangyayari sa mga rehiyon kahit sa may pagpalapit sa isang katulad na teknolohiya at halao ng mga input na paktor kabilang ang mga mataas-na-sahod na mga bansa. Ito ay tumungo sa imbestigasyon ng mga ekonomiya ng iskala at aglomerasyon upang ipaliwanag ang espesyalisasyo sa pareho ngunit diperensiyadong mga linyang produkto sa kabuuang pakinabang ng mga respektibong nangangalakal na partido o mga rehiyon.[17] Ang pangkalahatang teoriya ng espesyalisasyon ay lumalapat sa kalakalan sa mga indibidwal, mga kabukiran, mga tagayari, mga tagabigay ng serbisyo at mga ekonomiya. Sa bawat ng mga sistemang produksiyong ito, maaaring may tumutugong paghahati ng trabaho na iba't ibang mga pangkat ng trabaho na nag-eespesyalisa o tumutugong iba't ibang mga uri ng kapital na kasangkapan at diperensiyadong mga paggamit ng lupain.[18] Ang isang halimbawa na nagsasama ng mga katangian sa itaas ang isang bansa na nag-eespesyalisa sa produksiyon ng mga high-tech na kaalamang mga produkto gaya ng ginagawa ng mga maunlad na bansa at nakikipagkalakalan sa mga umuunlad na bansa para sa mga kalakal na nilikha sa mga pabrika kung saan ang trabaho ay relatibong mura at sagana na nagreresulta sa iba ibang gastos ng pagkakataon sa produksiyon. Kaya ang maraming kabuuang output at utilidad ay nagreresulta mula sa pag-eespesyalisa sa produksiyon at pakikipagkalakalan kesa sa kung ang bawt bansa ay lumikha ng sarili nitong mga produktong high-tech at low-tech. Ang teoriya at obserbasyon ay nagtakda ng mga kondisyon gaya ng mga presyong pamilihan ng mga output at ang mga produktibong input ay pumipili ng paglalaan ng mga input na paktor sa pamamagitan ng komparatibong pakinabang upang ang mababang gastos na mga input ay napupunta sa paglikha ng mga mababang gastos na output. Sa proseo, ang agregatong output ay maaaring tumaas bilang nagresultang produkto o ng disenyo.[19] Ang gayong espesyalisasyon ng produksiyon ay lumilikha ng mga pagkakataon para sa mga pakinabang mula sa kalakalan kung saan ang mga may ari ng mapagkukunan ay nakikinabang mula sa kalakalan sa pagbebenta ng isang uri ng output para sa isa pang mas mataas na halagang mga kalakal. Ang isang sukat ng mga pakinabang ang tumaas na mga lebel ng sahod na maaaring tulungan ng kalakalan.[20]

Suplay at pangangailangan

baguhin
 
Ang modelong suplay at pangangailangan ay naglalarawan kung paanong ang mga presyo ay nagbabago bilang resulta ng balanse sa pagitan ng pagiging makukuha ng produkto at pangangailangan. Ang grapo ay nagpapakita ng pagtaas (paglipat sa kanan) sa pangangailangan mula D1 tungo sa D2 kasama ng sumunod na pagtaas sa presyo at kantitad na kinakailangan upang maabot ang isang bagong puntong ekwilibrium sa kurbang suplay (S).

Ang Mga presyo at kantidad ay inilarawan bilang pinadirektang mapagmamasdang mga katangian ng mga kalakal na nilikha at ipinalit sa ekonomiyang pamilihan.[21] Ang teoriya ng suplay at pangangailangan (supply and demand) ay isang nangangasiwang prinsipyo upang ipaliwanag kung paanong ang mga presyo ay nakikipagtulungan sa mga halagang nalilikha at nakokonsumo. Sa mikroekonomika, ito ay lumalapat sa pagtukoy ng presyo at output para sa isang pamilihan na may perpektong kompetisyon na kinabibilangan ng kondisyon na walang mga mamimili o tagantinda ay sapat na malaki upang magkaroon ng kapangyarihan sa pagtatakda ng presyo. Sa isang ibinigay na pamilihan ng isang komoditad, ang pangangailangan ang ugnayan ng kantidad na handang bilhin ng lahat ng mga mamimili sa bawat unit presyo ng kalakal. Ang pangangailangan ay kadalasang kinakatawan ng isang tabla o grapo na nagpapakita ng presyo at kantidad na kinakailangan (gaya ng sa pigura). Ang teoriya ng pangangailangan ay naglalarawan sa mga indbidiwal na konsumer bilang mga makatwirang pumipili ng pinaka-ninanais na kantidad ng bawat kalakal, ibinigay na sahod, mga presyo, panlasa, etc. Ang termino para dito ay 'tinatakdaang maksimisasyon ng utilidad' (kasama ng sahod at kayamanan bilang mga pagtatakda sa pangangailangan). Dito, ang utilidad ay tumutukoy isang isang hinipotesis na relasyon ng bawat inbidwal na konsumer sa pagraranggo ng iba't ibang kumpol ng komoditad bilang mas o hindi mas nais. Ang batas ng pangangailangan ay nagsasaad na sa pangkalahatan, ang presyo at kantidad na kinakailangan sa isang ibinigay na pamilihan ay magkaugnay ng magkabaligtaran. Ang ibig sabihin nito, kung mas mataas ang presyo ng isang produkto, ang kaunti ng mga tao ay mas handang bumili nito (ang ibang mga bagay ay hindi nagbago). Habang ang presyo ng komoditad ay bumabagsak, ang mga konsumer ay lumilipat tungo dito mula sa relatibong mas mahal na mga kalakal (ang epektong paghalili). Sa karagdagan, ang kapangyarihan ng pagbili mula sa pagbagsak ng presyo ay nagpapataas ng kakayahan na bumili (ang epektong sahod). Ang ibang mga paktor ay maaaring magpabago ng pangangailangan. Halimbawa, ang pagtaas ng sahod ay maglilipat sa kurba ng pangangailangan para sa isang normal na kalakal papalabas relatibo sa pinagmulan gaya ng sa pigura. Ang lahat ng mga tagatukoy ay nananaig na kinukuha bilang mga konstanteng paktor ng suplay at pangangailangan. Ang suplay ang ugnayan sa pagitan ng presyo ng isang kalakal at sa kantitad na makukuha para sa pagbebenta sa presyong ito. Ito ay maaaring ikatawan bilang isang tabla o grapo na nag-uugnay sa presyo at kantitad na sinuplay. Ang mga prodyuser halimbawa ang mga negosyo ay hinipotesis na nagmamaksima ng tubo na nangangahulugan ang mga ito ay nagtatangka na lumikha at magsuplay ng halaga ng mga kalakal na magdadala sa kanila ng pinakamataas na tubo. Ang suplay ay karaniwang kinakatawan bilang isang direktang proporsiyonal na relasyon sa pagitan ng presyo at kantitad na sinuplay (ang ibang mga bagay ay hindi nagbago). Ang ibig sabihin nito, sa mas mataas na presyo na ang isang kalakal ay maibebenta, ang mas marami nito ang isusuplay ng mga prodyuser nito gaya ng nasa pigura. Ang mas mataas na presyo ay gumagawa ritong tumubo upang tumaas ang produksiyon. Gaya ng sa panig ng pangangailangan, ang posisyon ng suplay ay maaaring lumipat sabihing mula sa isang pagbabago sa presyo ng isang produktibong input o isang teknikal na pagpapabuti. Ang batas ng suplay ay nagsasad sa pangakalahatan na ang pagtaas sa presyo ay tumutungo sa paglawig ng suplay at ang isang pagbagsak sa presyo ay tumutungo sa pagliit sa suplay. Dito rin, ang mga tagatukoy ng suplay gaya ng presyo ng mga paghalili, gastos ng produksiyon, tekonolohiyang nilapat at iba iba pang mga paktor na input ng produksiyon ay lahat kinukuha na konstante para sa isang spesipikong yugto ng panahon ng ebalwasyon ng suplay. Ang ekwilibrium ng pamilihan ay nangyayari kapag ang kantidad na sinuplay ay katumbas ng kantidad na kinailangan na interseksiyon ng mga kurbang suplay at pangangailangan sa pigura sa itaas. Sa isang presyo sa ilalim ng ekwilibrium, may isang kakulangan ng kantitad na sinuplay kumpara sa kantitad na kinailangan. Ito ay ipinagpalagay na nagpapataas ng presyo. Sa isang presyo sa itaas ng ekwilibrium, mayroon isang surplus ng kantitad na sinuplay kumpara sa kantitad na kinailangan. Ito ay nagtutulak sa presyong pababa. Ang modelo ng suplay at pangangailangan ay humuhula na sa ibinigay na mga kurbang suplay at pangangailangan, ang presyo at kantitad ay papatag sa presyo na gumagawa sa kantitad na sinuplay na katumbas ng kantidad na kinailangan. Gayundin, ang teoriyang suplay at pangangailangan ay humuhula ng isang bagong kombinasyong presyo-kantitad mula sa isang paglipat sa pangangailangan (gaya ng sa pigura) o sa suplay. Sa isang ibinigay na kantidad ng isang kalakal ng konsumer, ang punto sa kurbang pangangailangan ay nagpapakita ng halaga o marhinal na utilidad sa mga konsumer para sa unit na ito. Ito ay sumusukat kung ano ang handang ibayad ng konsumer para sa unit na ito.[22] Ang tumutugong punto sa kurbang suplay ay sumusukat sa marhinal na gastos na pagtaas sa kabuuang gastos sa suplayer para sa tumutugong unit ng kalakal. Ang presyo sa ekwilibrium ay tinutukoy ng suplay at pangangailangan. Sa isang perpektong kompetetibong pamilihan, ang suplay at pangangailangan ay nagtutumbas ng marhinal na gastos at marhinal na utilidad sa ekwilibrium.[23] Sa panig ng suplay sa pamilihan, ang ilang mga paktor ng produksiyon ay inilalarawan na nagbabago sa maikling pagtakbo na umaapekto ng gastos ng pagbabago ng mga lebel ng output. Ang mga rate ng paggamit ng mga ito ay madaling mababago gaya ng kuryente, mga input ng hilaw na materyal at trabahong over-time at temporaryo. Ang ibang mga input ay relatibong nakapirme gaya ng planta, kasangkapan at mga mahahalagang tauhan. Sa mahabang pagtakbo, ang lahat ng mga input ay maaaring ayusin ng pangasiwaan. Ang mga distinksiyong ito ay nagsasalin ng mga pagkakaiba sa elastisidad (pagiging matugon) ng kurbang suplay sa mga pagtakbong maikli at mahaba at ang mga tumutugong pagkakaiba sa pagbabagong presyo-kantitad mula sa isang paglipat sa panig ng suplay o pangangailan ng pamilihan. Ang teoriyang marhinalista gaya ng sa itaas ay naglalarawan ng mga konsumer bilang nagtatangka na umabot sa pinaka-ninanais na mga posisyon na sumasailalim sa mga pagtatakdang sahod at kayamanan samantalang ang mga prodyuser ay nagtatangkang magmaksima ng kanilang mga tubo na sumasailalim sa kanilang mga pagtatakda kabilang ang pangangailangan para sa mga kalakal na nilikha, teknolohiya at presyo ng mga input. Para sa konsumer, ang puntong ito ay dumarating kapag ang marhinal na utilidad ng isang kalakal, net ng presyo, ay umaabot sa sero na hindi nag-iiwan ng net na pakinabang mula sa karagdagang pagtaas ng konsumpsiyon. Sa parehong paraan, ang prodyuser ay nagkukumpara ng marhinal na kita (tulad ng presyo sa isang perpektong kompetitor) laban sa marhinal na gastos ng isang kalakal kasama ng marhinal na tubo na diperensiya. Sa punto kung saan ang marhinal na tubo ay umaabot sa sero, ang karagdagang mga pagtaas sa produksiyon ng isang kalakal ay humihinto. Para sa pagkilos sa ekwilibrium ng pamilihan at para sa mga pagbabago sa ekwilibrium, ang presyo at kantitad ay nagbabago rin sa marhin: higit o kaunti ng isang bagay kesa sa kinakailangang lahat o wala. Ang ibang mga aplikasyon ng suplay at pangangailangan ay kinabibilangan ng distribusyon ng sahod sa mga paktor ng produksiyon kabilang ang trabaho at kapita sa pamamagitan ng mga pamilihang paktor. Sa isang kompetetibong pamilihan ng trabaho halimbawa, ang kantitad ng trabaho at ang presyo ng trabho (rate ng sahod) ay nakasalalay sa pangangailangan para sa trabaho (mula sa mga amo para sa produksiyon) at suplay ng trabaho (mula sa mga potensiyal na trabahador). Ang ekonomika ng trabaho ay sumusuri sa interaksiyon ng mga trabahador at amo sa pamamagitan ng mga gayong pamilihan upang ipaliwanag ang mga paterno at pagbabago sa mga sahod at iba pang sahod ng trabaho, mobilidad ng trabaho at pagkakaroon o kawalan ng trabaho, produktibidad sa pamamagitan ng kapital na tao, at mga kaugnay na isyung patakarang pampubliko.[24] Ang analisis ng suplay at pangangailangan ay ginagamit upang ipaliwanag ang pag-aasal ng isang perpektong kompetetibong mga pamilihan ngunit bilang isang pamantayan ng paghahambing, ito ay maaaring palawigin sa anumang uri ng pamilihan. Ito ay maaari ring lahatin upang ipaliwanag ang mga bariabulo sa buong ekonomiya halimbawa, ang kabuuang ouput (tinantiya bilang real na GDP) at ang pangkalahatang lebel ng presyo gaya ng pinag-aaralan sa makroekonomika.[25] Ang pagbabakas ng mga kwalitatibo at kwantitatibong mga epekto ng mga bariabulong nagbabago ng suplay at pangangailangan kahit pa sa pagtakbong maikli o mahaba ay isang pamantayang pagsasanay sa nilalapat na ekonomika. Ang teoriyang ekonomika ay maaaring ring tumukoy upang ang mga kondisyon gaya ng suplay at pangangailangan sa pamamagitan ng pamilihan ay isang maiging mekanismo sa paglalaan ng mga mapagkukunan.[26]

Mga negosyo

baguhin

Ang mga tao ay kalimitang hindi nakikipagkalakalan ng direkta sa mga pamilihan. Bagkus, sa panig ng suplay, maaaring ang mga ito ay magtrabaho at magprodyus sa pamamagitan ng mga negosyo. Ang pinakahalatang mga uri ng mga negosyo ang mga korporasyon, sosyohan, at mga tiwala (trusts). Ayon kay Ronald Coase, ang tao ay nagsisimulang mag-organisa ng kanilang produksiyon sa mga negosyo kapag ang halaga ng pagnenegosyo ay naging mas mababa kesa sa paggawa nito sa pamilihan. Ang mga negosyoay nagsasama ng trabaho (labor) at kapital at maaaring magtamo ng mas malaking mga ekonomiya ng iskala (kapag ang aberaheng presyo kada unit ay bumababa habang maraming mga unit ay pinoprodyus) kesa sa indibidwal na pamilihang pangangalakal.

Sa perpektong kompetetibong mga pamilihan na pinag-aralan sa teoriya ng suplay at pangangailangan, mayroong maraming mga prodyuser na wala sa mga ito ang malaking nakakaimpluwensiya sa presyo. Ang industriyal na organisasyon ay lumalahat mula sa espesyal na kaso upang pag-aral ang stratehikong pag-aasal ng mga firm na mayroon malaking kontrol sa presyo. Ito ay nagsaalang-alang ng istraktura ng gayong mga pamilihan at ang mga interaksiyon nito. Ang karaniwang mga istraktura ng pamilihang pinag-aralan bukod sa perpektong kompetisyon ay kinabibilangan ng monopolistikong kompetisyon, mga iba't ibang anyo ng oligopolyo at monopolyo.

Ang manedyerial na ekonomika ay naglalapat ng mikroekonomikong analisis sa spesipikong mga pagpapasya sa mga negosyo o ibang mga pinangangasiwaang unit. Ito ay mabigat na humahango mula sa kwantitatibong mga paraan gaya ng pagsasalik ng mga operasyon at pagpoprograma at mga paraang estadistikal gaya ng regresyong analisis sa kawalan ng katiyakan at perpektong kaalaman. Ang nagpapaisang tema ang pagtatangka upang i-optimisa ang mga pagpapasyang negosyo, kabilang ang minimisasyon ng unit-gastos at maksimisasyon ng tubo sa ibinigay na mga layunin ng negosyo at mga pagtatakda (constrainsts) na itinakda ng teknolohiya at mga kondisyon ng pamilihan.

Kawalang katiyakan at teoriya ng laro

baguhin

Ang kawalang katiyakan sa ekonomika ang hindi alam na pagkakataon ng pakinabang o pagkalugi kahit pa ito ay mabibilang na panganib o hindi. Kung wala nito, ang pag-aasal ng sambahayan ay hindi maaapektuhan ng kawalang katiyakan sa pagkakaroon ng trabaho at mga pagkakataon ng kita, pananalapi at mga kapital na pamilihan ay liliit sa pagpapalit ng isang instrumento sa bawat yugto ng pamilihan at walang magiging industriyang pangkomunikasyon.[27] Sa ibinigay na iba't ibang mga anyo nito, may iba't ibang mga paraan upang ikatawan ang kawalang katiyakan at imodelo ang mga tugon ng mga ahenteng ekonomiko dito.[28] Sa ibinigay na mga iba't ibang anyo nito, mayroon iba't ibang mga paraan ng pagkakatawan ng kawalang katiyakan at pagmomodelo ng mga tugon dito ng mga ahenteng ekonomiko. Ang teoriya ng laro ang sangay ng nilalapat na matematika na nagsasaalang-alang ng mga stratehikong interaksiyon sa pagitan ng mga ahente na isang uri ng kawalang katiyakan. Ito ay nagbibigay ng pundasyong matematikal ng industriyal na organisasyon upang imodelo ang iba't ibang uri ng pag-aasal ng mga kompnaya, halimbawa sa isang oligopolistikong industriya (mga ilang tagatinda) ngunit pantay ring mailalapat sa negosiasyon ng sahod, baratilyo, disenyo ng kontrata, at anumang sitwasyon kung saan ang mga indibidwal na ahente ay sapat na kaunti upang magkaroon ng madadamang mga epekto sa bawat isa. Bilang paraan na mabigat na gumagamit ng ekonomikang pag-aasal, ito ay nagpo-postula na ang mga ahente ay pumipili ng mga stratehiya upang palakihin ang kanilang kabayaran (pay-offs) kung ibinigay ang mga stratehiya ng ibang mga ahente na kahit papaano ay sa isang bahagi mayroon magkakatunggaling mga interes.[29][30] Dito, ito ay naglalahat ng mga pakikitungong maksimisasyon na binubuo upang siyasatin ang mga aktor ng pamilihan gaya ng modelong suplay at pangangailangang at pumapayag sa hindi kompletong impormasyon ng mga aktor. Ang larangang ito ay nagmumula sa 1944 na Klasikong Teoriya ng mga laro ni John von Neumann at Oskar Morgenstern. Ito ay may malaking mga aplikasyon na tila sa labas ng ekonomika sa mga iba't ibang paksa gaya ng pormulasyon ng mga stratehiyang nukleyar, etika, agham politika at ebolusyonaryong biolohiya.[31]

Ang pag-ayaw sa panganib (risk aversion) ay maaaring pumukaw ng gawain na sa maiging gumaganang mga pamilihan ay nagpapakinis ng panganib at nagbabatid ng impormasyon tungkol sa panganib gaya ng mga pamilihan para sa kasiguruhan, mga kontrata ng hinaharap ng komoditad, at mga instrumentong pananalapi. Ito ay nagsisiyasat rin ng pagpepresyo ng mga instrumentong pananalapi, mga pinansiyal na istraktura ng mga kompanya, kaigihan at karupukan ng mga pamilihang pananalapi, mga krisis pinansiya at kaugnay na patakaran ng pamahalaan o regulasyon.[32][33]

Ang ilang mga organisasyong pamilihan ay maaaring magsanhi ng kawalang kaigihan na kaugnay ng kawalang katiyakan. Batay sa artikulong "Market for Lemons" ni George Akerlof, ang paradaym na halimbawa ang isang hindi maaasahang pamilihan ng mga ginamit na kotse. Ang mga kustomer na walang kaalaman kung ang isang kotse ay isang "lemon" ay nagpapababa ng presyo nito ng mababa sa kung anong ang may kalidad na ginamit na kotse ay magiging.[34] Ang asymetria ng impormasyon ay lumilitaw dito kung ang tagatinda ay nag-aangkin ng mas mahalagang impormasyon kesa sa namimilia ngunit walang pabuya sa paglalantad nito. Ang mga kaugnay na problema sa kaseguruhan ang adbersong seleksiyon gaya ng sa pinaka-nanganganib ay pinakamalamang na magpaseguro (insure) gaya ng mga walang habas na motorista at ang moral na panganib gaya ng mga resulta ng kaseguruhan sa mas mapanganib na pag-aasal gaya ng walang habas na pagmamaneho ng sasakya. Ang parehong mga problema ay maaaring magtaas ng presyo ng kaseguruhan (insurance) at magbawas ng kaigihan sa pagtataboy sa mga kundi ay nagnanais na mga transaktor mula sa pamilihan (hindi kompletong pamilihan). Sa karagdagan, ang pagtatangka na bawasan ang isang problema na sabihing adbersong pagpili sa pamamagitan ng pagmamandato ng kaseguruhan (insurance) ay maaaring magdagdag ng isang pa na sabihing moral na panganib.[35] Ang impormasyong ekonomika na nag-aaral ng mga gayong problema ay may kaugnayan sa mga paksang gaya ng kaseruhan, batas ng kontrata, disenyo ng mekanisko, pamperang ekonomika at pangangalaga ng kalusugan. Ang mga nilalapat na paksa ay kinabibilangan ng pamilihan at mga legal na remedyo gaya ng mga garantiya (warranties), minandato ng pamahalaang parsiyal na kaseguruhan, muling pag-iistraktura o batas ng bangkarota, inspeksiyon at regulasyon para sa kalidad at paghahayag ng impormasyon.[36][29]

Pagkabigo ng pamilihan

baguhin

Ang terminong "pagkabigo ng pamilihan" ay sumasakop sa ilang mga problema na nagpapahina ng pamantayang mga pagpapalagay ekonomiko. Bagaman inuuri ng mga ekonomista ang mga pagkabigo ng pamilihan ng magkakaiba, ang mga sumusunod na mga kategorya ay lumilitaw sa mga pangunahing aklat.

Ang mga asimetria ng impormasyon at mga pamilihang hindi kompleto ay maaaring magresulta sa ekonomikang kawalang kaigihan ngunit isa ring posibilidad ng pagpapabuti ng kaigihan sa pamamagitan ng pamilihan, legal at mga regulatoryong remedya.

Ang natural na monopolyo o ang pagsasanib ng mga konsepto ng praktikal at teknikal na monopolyo ay isang sukdulang kaso ng pagkabigo ng kompetisyon bilang isang pagpipigil sa mga prodyuser. Ang problema ay inilalarawan bilang isa kung saan na ang marami ng isang produkto ay ginawa, mas mababa ang unit na gastos. Ang ibig sabihin nito ay may ekonomikong saysay lamang na magkaroon ng isang prodyuser.

Ang mga publikong kalakalal ang kalakal na kulang sa suplay sa isang tipikal na pamilihan. Ang mga naglalarawang katangian ay ang mga tao ay maaaring kumonsumo ng mga publikong kalakal na hindi nagbabayad para sa mga ito at ang mas higit sa isang tao ay maaaring kumonsumo ng kalakal sa parehong panahon.

Ang mga eksternalidad ay nangyayari kung saan mayroon malaking panlipunang gastos o pakinabang mula sa produksiyon o konsumpsiyon na hindi nakikita sa mga presyo ng pamilihan. Halimbawa, ang polusyon ng hangin ay maaaring lumikha ng negatibong eksternalidad at ang edukasyon ay maaaring lumikha ng positibong eksternalidad (kaunting krimen etc). Ang mga pamahalaan ay kadalasan nagtatakda ng buwis at kundi ay naghihigpit ng pagtitinda ng mga kalakal na may mga negatibong eksternalidad sa pagsisikap na itama ang mga pagbaluktot ng presyo na sanhi ng mga eksternalidad na ito. Ang elementaryong teoriya ng pangangailangan-at-suplay ay humuhula ng ekwilibrium ngunit hindi ang bilis ng pagsasayos para sa mga pagbabago ng ekwilibrium sabhi ng paglipat sa pangangailangan o suplay.

Sa maraming mga area, ang ilang anyo ng pagiging madikit ng presyo ay pinostula upang isaalang alang ang mga kantidad kesa sa mga presyo na umayos sa maikling panahon sa mga pagbabago sa panig ng pangangailangan o sa panig ng suplay. Ito ay kinabibilangan ng pamantayang analisis ng siklo ng negosyo sa makroekonomika. Ang analisis ay kadalasang umiikot sa mga dahilan ng gayong pagdikit ng presyo at ang mga implikasyon nito sa pag-aabot ng ini-hipotesis na pangmatagalang takbong ekwilibrium. Ang mga halimbawa ng gayong pagiging madikit ng mga presyo sa mga partikular na pamilihan ay kinabibilangan ng rate ng sahod sa mga pamilihan ng trabaho at ipinaskil na mga presyo sa mga pamilihang lumihis sa perpektong kompetisyon.

Ang makronekonomikang instabilidad (hindi matatag) ay isang pangunahing pinagmumulan ng kabiguan ng pamilihan na ang pangkalahatang kawalan ng konpidensiya sa negosyo o panlabas na sindak (shock) ay maaaring magpahinto ng produksiyon at distribusyon na nagpapahina ng mga ordinaryong pamilihan na kundi nito ay ligtas.

Ang mga ilang espesyalisadong larangan ng ekonomika ay umuukol sa kabiguan ng pamilihan ng higit sa iba. Ang ekonomika ng publikong sektor ay isang halimbawa dahil kapag ang mga pamilihan ay nabigo, ang ilang uri ng mga regulatoryo o programa ng pamahalaan ang lunas. Ang karamihan sa pangkapaligirang ekonomika ay umuukol sa mga eksternalidad o "mga masama sa publiko".

Ang mga opsiyong patakaran ay kinabibilangan ng mga regulasyon na nagpapakita ng analisis na gastos-benepsiyo o mga solusyon ng pamilihan na nagbabago ng mga pabuya gaya ng mga kabayaran ng emisyon o muling paglalarawan ng mga karapatan ng pag-aari.

Publikong sektor

baguhin

Ang publikong pananalapi ang larangan ng ekonomika na umuukol sa pagbabadyet ng mga kita (revenues) at gastos ng entidad na publikong sektor na karaniwan ay pamahalaan. Ang paksang ito ay tumutugon sa mga bagay gaya ng insidensiya ng buwis (sino talaga ang nagbabayad ng partikular na buwis), analisis na gastos-benepisyo ng mga programa ng pamahalaan, mga epekto sa ekonomikong kaigihan at pamamahagi ng sahod ng iba't ibang mga paggasta at buwis at mga politikang piskal. Ang huli na aspeto ng teoriya ng publikong pagpili ay nagmomodelo ng publikoong sektor na pag-aasal na analogoso sa mikroekonomika na sumasangkot sa mga interaksiyon ng may sariling interes na mga botante, mga politiko at mga burokrata.[37] Ang karamihan sa ekonomika ay positibo na naghahangad na maglarawan at humula ng ekonomikong penomena. Ang normatibong ekonomika ay naghahangad na tumukoy kung anong ang mga ekonomiya ay dapat maging tulad. Ang ekonomikang kapakanan (welfare economics) ang normatibong sangay ng ekonomika na gumagamit ng mga pamamaraang mikroekonomika upang sabay na matukoy ang kaigihang paglalaan sa loob ng ekonomiya at pamamahagi ng sahod na kaugnay nito. Ito ay nagtatangkang sumukat ng panlipunang kapakanan sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga ekonomikong gawain ng mga indibidwal na bumubuo sa lipunan.[38]

Makroekonomika

baguhin
 
Sirkulasyon sa Makroekonomika

Ang makroekonomika ay sumusuri ng ekonomiya sa kabuuan upang ipaliwanag ang malawak na mga agregato at mga interaksiyon gamit ang isang pinasimpleng anyo ng teoriya ng pangkalahatang ekwilibrium. Ang gayong mga agregato ay kinabibilangan ng pambansang kita at ouput, bilang ng kawalang trabaho, inplasyon ng presyo at mga subagregato gaya ng kabuuang pagkonsumo at paggasta ng pamumuhunan at mga bahagi nito. Ito ay nag-aaral rin ng mga epekto ng patakarang pang-salapi at patakarang piskal. Simula mga 1960, ang makroekonomika ay inilarawan ng karagdagang integrasyon sa batay-sa-mikrong mga pagmomodelo ng mga sektor kabilang ang pagiging makatwiran ng mga manlalaro, maiging paggamit ng impormasyon ng pamiliha at hindi perpektong kompetisyon.[39] Ito ay sumagot sa isang matagal na pagkabahala sa hindi konsistenteng mga pag-unlad sa parehong paksa.[40] Ang analisis na makroekonomiko ay tumuturing rin sa mga paktor na umaapekto sa pangmatagalang lebel at paglago ng pambansang sahod. Ang gayong mga paktor ay kinabibilangan ng akumulasyon ng kapital, pagbabagong teknolohikal at paglago ng pwersang trabaho.[41]

Paglago

baguhin

Ang ekonomika ng paglago ay nag-aaral ng mga paktor na nagpapaliwanag ng paglagong ekonomiko na pagtaas ng output kada capita sa loob ng mahabang yugto ng panahon. Ang parehong mga paktor ay ginagamit upang ipaliwanag ang pagkakaiba sa lebel ng output kada capita sa pagitan ng mga bansa, sa partikular ay kung bakit ang ilang mga bansa ay lumalago ng mas mabilis kesa sa iba at kung ang mga bansa ay nagtatagpo sa parehong mga rate ng pagbabago. Ang pinaka pinag-aaralang mga paktor ay kinabibilangan ng rate ng pamumuhunan, paglago ng populasyon at pagbabagong teknolohikal. Ang mga ito ay kinatawan sa mga anyong teoretikal at empirikal gaya ng sa neoklasiko at endohenyosong mga modelo ng paglago at sa pagkukwenta ng paglago.[42]

Siklo ng negosyo

baguhin

Ang ekonomika ng dakilang depresyon ang nag udyok sa pagkakalikha ng makroekonomika bilang hiwalay na disiplana ng larangan ng pag-aaral. Sa panahon ng dakilang depresyon sa Estados Unidos noong mga 1930, si John Maynard Keynes ay sumulat ng aklat na pinamagatang "Pangkalahatang Teoriya ng Trabaho, Interes at Salapi" na bumabalangkas sa mga mahalagang teoriya ng ekonomikang Keynesian. Ikinatwiran ni Keynes na ang agregatong pangangailangan para sa mga kalakal ay maaaring maging hindi sapat habang nangayari ang mga pagbagsak ng ekonomiya na tumutungo sa hindi kinakailangang mataas na kawalang trabaho at kawalan ng mga potensiyal na output. Dahil dito, kanyang itinaguyod ang isang aktibong mga tugong patakaran ng publikong sektor (pamahalaan) kabilang ang mga aksiyon ng patakarang pang-salapi ng bangko sentral at mga aksiyon ng patakarang piskal ng pamahalaan upang patatagin ang output sa siklo ng negosyo.[43] Kaya ang isang sentral na konklusyon ng ekonomikong Keynesian ay sa ilang mga sitwasyon, walang malakas na automatikong mekanismo na nagpapagalaw ng ouput at pagkakaroon ng trabaho patungo sa buong lebel ng pagkakaroon ng trabaho. Ang modelong IS/LM ni John Hicks ang naging pinakaimpluwensiyang interpretasyon ng Pangkalatahang Teoriya. Sa loob ng mga taon, ang pagkaunawa ng siklo ng negosyo ay sumangay sa iba't ibang mga eskwela na kaugnay o sumasalungat sa Keynasianismo. Ang sintesis na neoklasiko ay tumutukoy sa rekonsiliasyon ng ekonomikang Keynesian sa ekonomikang neoklasiko na nagsasaad na ang Keynesianismo ay tama sa maikling pagtakbo at ang ekonomiya ay sumusunod sa teoriyang neoklasiko sa mahabang pagktakbo. Ang eskwelang bagong klasiko ay bumabatikos sa sa pananaw na Keynesian ng siklo ng negosyo. Ito ay kinabibilangan ng permanenteng sahod na pananaw ni Milton Friedman sa konsumpsiyon, ang himagsikang makatwirang mga ekspektasyon[44] na pinangunahan ni Robert Lucas at ang teoriyang tunay na siklo ng negosyo. Salungat dito, ang eskwelang bagong Keynesian ay nagpapanatili ng asumpsiyong makatwirang mga ekspektasyon. Gayunpaman ito ay nagpapalagay ng isang pagkakaiba ng mga kabiguan ng pamilihan. Sa partikular, ang Bagong mga Keynesian ay nagpapalagay na ang mga presyo at sahod ay "madikit" na nangangahulugan ang mga ito ay hindi nagsasaayos nang mabilis sa mga pagbabago sa kondisyong ekonomiko. Kaya ang mga bagong klasiko ay nagpapalagay na ang mga presyo at sahod ay automatikong nagsasaayos upang makamit ang buong pagkakaroon ng trabaho samantalang nakikita ng mga bagong Keynesian ang buong pagkakaroon ng trabaho bilang automatikong nakakamit lamang sa mahabang pagtakbo at kaya ang mga patakarang ng bangko sentral at pamahalaan ay kinakailangan dahil ang "mahabang pagtakbo" ay maaaring labis na mahaba.

Inplasyon at patakarang pang-salapi

baguhin

Ang inplasyon ang sitwasyong ekonomiko na nararanasang kapag ang suplay ng salapi tungo sa ekonomiya ay tumataas at kalaunan ay nagreresulta sa pagtaas ng mga presyo ng mga mahalaga at mga kinokonsumong kalakal at mga serbisyo. Ang inplasyon ay pangkalahatang nangyayari sa ilalim ng dalawang mga sirkunstansiya-paghila ng pangangailangan (demand pull) at pagtulak ng gastos (cost push). Ang inplasyong paghila ng pangangailangan ay sinasabing lumilitaw kapag ang agregatong pangangailangan sa isang ekonomiya ay humihigit sa agregatong suplay. Ito ay kinabibilangan ng inplasyon na lumilitaw bilang real na kabuuang produktong domestiko at at ang kawalang trabaho ay bumabagsak habang ang ekonomiya ay gumagalaw sa kahabaan ng kurbang Phillips. Ang inplasyong pagtulak ng gastos ay isang uri ng inplasyon na sanhi ng malaking pagtaas sa halaga ng mga mahalagang kalakal o serbisyo kung saan walang angkop na alternatibo ay makukuha. Ang isang sitwasyong kadalasang binabanggit nito ang krisis ng langis noong 1973 na nakikita ng ilang mga ekonomista na isang pangunahing sanhi ng inplasyong naranasan sa mga bansang Kanluranin sa dekadang iyon. Ikinatwirang ang inplasyong ito ay nagresulta mula sa pagtataas ng halaga ng langis (petroleum) na itinakda ng OPEC. Dahil ang langis ay labis na mahalaga sa mga industriyalisadong ekonomiya, ang isang malaking pagtaas sa mga presyo nito ay maaaring magpataas ng presyo ng karamihan ng mga produkto na nagpapataas ng rate ng inplasyon. Ito ay maaaring magpataas ng normal o likas na rate ng inplasyon na rumiriplekta sa mga pag-aangkop na ekspektasyon at ang pag-ikid ng presyo/sahod upang ang pagkabigla ng suplay ay may patuloy na mga epekto. Ang mga pangunahing reporma at resolba ay inilalapat sa patakarang pang-salapi (monetary) at patakarang piskal ng isang bansa. Ang mga patakarang pang-salapi (monetary) ay karaniwang nilalapat ng mga bangko sentral samantalang ang mga patakarang piskal ay ginagamit at pinapatupad ng katawang pampamahalaan sa pakikipagtulangan ng Bangkong Apex.

Ang salapi ang paraan ng huling pagbabayad ng mga kalakaal sa karamihan ng mga ekonomiyang sistema ng presyo at ang unit ng akawnt kung saan ang mga presyo ay karaniwang isinasaad. Ang isang labis na angkop na pangungusap ni Propesor Walker na isang kilalang ekonomista ay: "Ang pera ay kung ano ang ginagawa ng pera...". Ang pera ay may pangkalahatang pagtanggap, isang relatibong konsistensiya sa halaga, dibisibilidad, pagiging matibay, portabilidad (pagiging madadala), ellastiko sa suplay at nakaliligtas sa konpidensiya ng publikong masa. Ito ay kinabibilangan ng kurensiyang hinahawakan ng mga publikong hindi bangko at mga matsetsekeng mga deposito. Ito ay inilarawan bilang isang panlipunang konbensiyon, tulad ng wika na magagamit para sa isa na sa malaking dahilan ay dahil sa ito ay magagamit para sa iba.

Bilang midyum ng pagpapalitan, ang salapi ay nagpapadali ng kalakalan. Ito ay pangunahing isang sukat ng halaga at sa mas mahalagang paglalarawan ay imbak (store) ng halaga na basehan ng paglikha ng kredito. Ang ekonomikong tungkulin nito ay maaring isalungat sa barter (hindi pamperang pagpapalitan). Dahil sa malawak na uri ng mga nililikhang kalakal at mga espesyalisadong mga prodyuser, ang barter ay maaaring magtakakda ng mahirap na mahanap na dobleng koinsidensiya ng mga kagustuhan sa kung ano ang ipinapalit, halimbawa sa mga mansanas at isang aklat. Ang pera ay maaaring magbawas ng gastos ng pagpapalitan ng transaksiyon dahil sa handa nitong pagiging matatanggap. Sa gayon, hindi magastos para sa tagatinda na tumanggap ng pera bilang kapalit kesa sa kung ano nililikha ng tagabili.[45]

Sa lebel ng ekonomiya, ang teoriya at ebidensiya ay konsistente sa positibong ugnayang tumatakbo mula sa kabuuang suplay ng salapi tungkol sa nominal na halaga ng kabuuang output tungo sa pangkalahatang lebel ng presyo. Sa dahilang ito, ang pangangasiwa ng suplay ng salapi ay isang mahalagang aspeto ng patakarang pang-salapi (monetary).[46]

Patakarang piskal at regulasyon

baguhin

Ang pambansang akawnting ay isang paraan sa pagbubuuod ng agregatong gawaing ekonomiko ng isang bansa. Ang mga pambansang akawnt ay isang mga sistemang dobleng entradang akawnting na nagbibigay ng detalyadeng pinagsasaligang mga sukat ng gayong impormasyon. Ang mga ito ay kinabibilangan ng Mga akawnt ng pambansang sahod at produkto (national income and product accounts o NIPA) ay nagbibigay ng mga pagtatantiya para sa halaga ng salapi ng output at sahod kada taon o kwarter. Ang NIPA ay pumapayag sa pagsubaybay ng pagganap ng ekonomiya at mga bahagi nito sa pamamagitan ng siklo ng negosyo o sa loob ng mas mahabang mga panahon. Ang datos ng presyo ay maaaring pumayag sa pagtatangi ng nominal mula sa mga real na halaga na pagtutuwid ng mga kabuuang salapi para sa mga pagbabago ng presyo sa loob ng panahon.[47] Ang mga pambansang akawnt ay kinabibilangan rin ng sukat ng kapital na stock, kayamanan ng isang bansa at internasyonal na mga daloy kapital.[48]

Ekonomikang internasyonal

baguhin

Ang kalakalang internasyonal ay nag-aaral ng mga tagatukoy ng mga daloy ng kalakal-at-serbisyo sa buong mga hangganang internasyona. Ito ay nauukol rin sa sukat at distribusyon ng pakinabang mula sa kalakalan. Ang mga aplikasyon g patakaran ay kinabibilangan ng pagtatantiya ng mga epekto ng pagbabago ng mga rate ng taripa at quota ng kalakalan. Ang pinansiyang internasyonal ay isang larangang makroekonomiko na sumusuri sa daloy ng kapital sa buong mga hangganang internasyonal at sa mga epekto ng galaw na ito sa mga rate ng palitan. Ang tumaaas na kalakalan sa mga kalakal, serbisyon at kapital sa pagitan ng mga bansa ay isang pangunahing epekto ng kontemporaryong globalisasyon.[49]

 
Mapa ng daigdig na nagpapakita ng GDP (PPP) kada capita.

Ang natatanging larangan ng ekonomikang pag-unlad ay sumusuri sa mga aspetong ekonomiko ng proseso ng pag-unlad sa relatibong mababang sahod na mga bansa na pumopokus sa pagbabagong istraktural, kahirapan, at paglagong ekonomiko. Ang mga pakikitungo sa ekonomikang pag-unlad ay kadalasang nagsasama ng mga paktor na panlipunan at pampolitika.[50]

Ang mga sistemang ekonomiko ang sangay ng ekonomika na nag-aaral ng mga paraan at institusyon kung saan ang mga lipunan ay tumutukoy sa pag-aari, direksiyon at paglalaan ng mga mapagkukunang ekonomiko. Ang isang sistemang ekonomiko ng isang lipunan ang unit ng analisis. Sa mga sistemang kontemporaryo sa iba't iabng mga dulo ng spektrum na organisasyonal ang mga sistemang sosyalista at sistemang kapitalista na ang karamihan ng produksiyon ay nangyayari sa respektibong negosyong pinapatakbo ng estado at mga pribado. Sa pagita nito ang mga magkahalong ekonomiya. Ang isang karaniwang elemento ang interaksiyon ng mga impluwensiyang ekonomiko at pampolitika na malawak na inilalarawan bilang ekonomiyang pampolitika. Ang mga sistemang komparatibong ekonomiko ay nag-aaral ng relatibong pagganap at pag-aasal ng iba't ibang mga sistema o ekonomiya.[51]

Kasanayan

baguhin

Ang kontemporaryong ekonomika ay gumagamit ng matematika. Ang mga ekonomista ay humahango sa mga kasangkapan ng kalkulo, linear algebra, estadistika, teoriya ng laro at agham pangkompyuter.[52] Ang mga ekonomistang propesyonal ay inaasahang maging pamilyar sa mga kasangkapang ito samantalang ang kaunti ay naeespesyalisa sa ekonometrika at mga pamamaraang matematikal.

Teoriya

baguhin

Ang nananaig na teoriyang ekonomiko ay umaasa sa a priori na kwantitatibong mga modelong ekonomiko na gumagamit ng iba't ibang mga konsepto. Ang teoriya ay karaniwang tumutuloy sa asumpsiyon ng ceteris paribus na nangangahulugang humahawak ng mga nagpapaliwanag na bariabulo kesa sa isa na nasa ilalim ng pagsasaalang alang. Kapag lumiliha ng mga teoriya, ang layunin ay humanap ng mga kahit papaano ay simple sa mga pangangailangang impormasyon, mas tiyak sa mga prediksiyon at mas mabunga sa paglikha ng karagdagang pagsasaliksik kesa sa mga naunang teoriya.[53]

Sa mikroekonomika, ang prinsipal na mga konsepto ay kinabibilangan ng suplay at pangangailangan, marhinalismo, teoriyang makatwirang pagpili, gastos ng oportunidad, mga limitasyon ng badyet, utilidad, at ang teoriya ng negosyo.[54][55] Ang mga sinaunang modelong makroekonomiko ay pumokus sa mga relasyon sa pagitan ng mga agregatong bariabulo ngunit habang ang mga relasyon ay lumilitaw na nagbabago sa loob ng panahon, ang mga makroekonomista ay napilitang bumatay ng kanilang mga modelo sa mga mikropundasyon. Ang mga nabanggit na konspetong mikroekonomiko ay gumagampan ng isang malaking papel sa mga modelong makroekonomiko, halimbawa sa teoriyang pang-salapi, ang teoriyang kantidad ng salapi ay humuhula na ang pagtaas sa suplay ng salapi ay nagpapataas ng inplasyon at ang inplasyon ay pinagpapalagay na naiimpluwensiyahan ng mga ekspektasyong makatwiran. Sa ekonomikang pag-unlad, ang mas mabagal na paglago sa mga maunlad na bansa ay minsang hinuhulaan dahil sa pagbagsak ng mga pagbabalik na marhinal ng pamumuhunan at kapital at ito ay napagmasdan sa Mga apat na tigreng Asyano. Minsan, ang hipotesis na ekonomiko ay tanging kwalitatibo at hindi kwantitatibo.[56]

Ang mga pagpapaliwanag ng mga pangangatwirang ekonomiko ay kadalasang gumagamit ng dalawang dimensiyonal na mga grapo upang ipakita ang mga relasyong teoretikal. Sa mas mataas na lebel ng paglalahat, ang treatise ni Paul Samuelson na Foundations of Economic Analysis (1947) ay gumamit ng mga pamamaraang matematikal upang ikatawan ang teoriya partikular na ang pagmamaksima ng mga relasyong pag-aasal ng mga ahente na umaabot sa ekwilibrium. Ang aklat ay nakapokus sa pagsusuri ng klase ng mga pahayag na tinatawag na mga teoremang operasyonal na makahulugan sa ekonomika na mga teorema na maiisip na mapapamalian ng empirikal na datos.[57]

Imbestigasyong empirikal

baguhin

Ang mga teoriyang ekonomiko ay kadalasang sinusubukan (tested) ng empirikal ng malaki sa pamamagitan ng paggamit ng ekonometrika gamit ang datos na ekonomika.[58] Ang mga kontroladong eksperimentong karaniwang sa agham pisika ay mahirap at hindi karaniwang sa ekonomika [59] at bagkus ay ang malawak na datos ay obserbasyonal na pinag-aaralan. Ang uring ito ng pagsusubok ay karaniwang itinuturing na hindi mas mahigpit kesa sa kontroladong eksperimentasyon at ang mga konklusyon ay karaniwang mas tentatibo. Gayunpaman, ang larangan ng ekonomikang eksperimental ay lumalago at ang tumataas na pggamit ay ginagawa sa mga natural na eksperimento.

Ang mga pamamaraang estadistika gaya ng regresyong analisis ay karaniwan. Ang tagasanay nito ay gumagamit ng mga gayong paraan upang tantiyahin ang sukat, kahalagahang ekonomiko at kahalagang estadistikal (lakas ng hudyat) ng mga hinipotesis na relasyon at upang isaayos para sa ingay mula sa ibang mga bariabulo. Sa pamamagitan ng gayong mga paraan, ang isang hipotesis ay maaaring magkamit ng pagtanggap bagaman sa isang probabilistiko kesa sa tiyak na kahulugan. Ang pagtanggap ay nakasalalay sa hipotesis na nagpapatuloy na mga pasubok na pagiging mapapamali. Ang paggamit ng karaniwang tinatanggap na mga pamamaraan ay hindi kinakailangang lumikha ng isang huling konklusyon o kahit isang kasunduan sa isang partikular na tanong sa ibinigay na iba't ibang mga pagsubok, hanay ng datos at mga naunang paniniwala.

Ang mga batikos batay sa mga pamantayang propesyonal at hindi replikabilidad (pagiging mauulit) ng mga resulta ay nagsisilbi bilang karagdagang pagtingin sa mga pagkiling (bias), mga kamalian at labis na paglalahat, ,[55][60] bagaman ang labis na pagsasaliksik na ekonomiko ay inakusahan ng pagiging hindi replikable (mauulit) at ang mga prestihiyosong hornal ay naakusahan ng hindi pagpapadali ng replikasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng kodigo at datos.[61] Tulad ng mga teoriya, ang mga paggamit ng mga pagsubok estadistika ay sa sarili nito bukas sa kritikal na analisis,[62] bagaman ang mga komentaryong kritikal sa mga papel sa ekonomika sa mga prestihiyosong hornal gaya ng American Economic Review ay bumagsak ng matirik sa nakaraang 40 taon. Ito ay itinutro sa mga pabuya ng hornal na imaksima ang mga banggit upang rumanggo ng mas mataas sa Social Science Citation Index (SSCI).[63]

Sa nilalapat na ekonomika, ang mga modelong input-output na gumagamit ng mga pamamaraang pagpoprogramang linyar ay medyo karaniwan. Ang malaking mga halaga ng datos ay pinapatakbo sa pamamagitan ng mga programa ng komputer upang siyasatin ang epekto sa ilang mga patakaran. Ang IMPLAN ay isang mahusay na kilalang halimbawa. Ang ekonomikang eksperimental ay nagtaguyod ng paggamit ng kinontrol na siyentipikong mga eksperimento. Ito ay nagpaliit ng matagal nang napapansing distinksiyon sa ekonomika mula sa mga pinayagan ng natural na agham na mga pagsubok ng nakaraang kinukuhang mga aksiyoma.[64] Sa ilang mga kaso, natagpuan ng mga ito na ang mga aksiyoma ay hindi buong tama. Halimbawa, ang larong ultimatum ay naghayag na ang mga tao ay tumatakwil na hindi magkatumbas na mga alok. Sa ekonomikang pag-aasal, sikolohistang si Daniel Kahneman ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa ekonomika noong 2002 para sa empirikal na pagkakatuklas niya at ni Amos Tversky' ng ilang mga pangkiling na kognitibo (cognitve biases) at mga heuristika. Ang parehong pagsubok empirikal ay nangyayari sa neuroekonomika. Ang isa pang halimbawa ang asumpsiyon ng masikip na madamot na mga preperensiya laban sa isang mdoel na sumusubok para sa madamot, altruistiko at matulunging mga preperensiya.[65] These techniques have led some to argue that economics is a "genuine science."[66]

Kasaysayan

baguhin

Ang mga kasulatang ekonomiko ay may petsang nagmula sa sinaunang kabihasnang Mesopotamiang, Gresya, Roma, India, Tsina, Persia, at Arabo. Ang mga kilalang mga manunulat mula sa sinaunang panahon hanggang sa ika-14 siglo ay kinabibilangan nina Aristotle, Xenophon, Chanakya (na kilala rin bilang Kautilya), Qin Shi Huang, Thomas Aquinas, at Ibn Khaldun. Ang mga akda ni Aristotle ay may malalim na impluwensiya kay Aquina na nakaimpluwensiya naman sa mga huling skolastika ng ika-14 hanggang ika-17 siglo.[67] Joseph Schumpeter described the latter as "coming nearer than any other group to being the 'founders' of scientific economics" as to monetary, interest, and value theory within a natural-law perspective.[68] Ang dalawang mga pangkat na kalaunang tinawag na mga 'merkantilista' at 'pisiokrata' ay mas direktang nakaimpluwensiya sa kalaunang pag-unlad ng paksang ito. Ang parehong mga pangkat na ito ay nauugnay sa pagtaas na nasyonalismong ekonomiko at modernong kapitalismo sa Europa. Ang merkantilismo ay isang doktrinang ekonomiko na yumabong mula ika-16 hanggang ika-18 siglo sa isang mabungang pampletong panitikan kahit ng mga mangangalakal o tauhan ng estado. Ito ay nagsasaad na ang kayamanan ng isang bansa ay nakasalalay sa pagtitipon nito ng ginto at pilak. Ang mga bansang walang pagkuha sa mga mina ay maaari lamang magkamit ng ginto at pilak mula sa pakikipagkalakalan sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga kalakal sa ibang bansa at paglilimita ng mga inaangkat kesa sa ginto at pilak. Ang doktrinang ito ay tumatawag sa pag-aangkat ng murang mga hilaw na materyal upang gamitin sa pamamanupaktura ng mga kalakal na maaaring iluwas at para sa regulasyon ng estado na magtakda ng mga protektibong taripa sa mga nilikhang kalakal na dayuhan at pagbabawal ng pagmamanupaktura sa mga kolonya.[69] Ang mga pisiokrata na isang pangkat ng ika-18 siglong mga palaisip at manunulat na Pranses ay nagpaunlad ng ideya ng ekonomiya bilang isang sirkular na daloy ng sahod at output. Ang mga pisiokrata ay naniniwalang ang tanging produksiyong agrikultural ang lumikha ng isang maliwanag na surplus sa gastos kaya ang agrikulta ang batayan ng lahat ng kayamanan. Kaya, kanilang tinutulan ang mga patakarang merkantilista ng pagtataguyod ng pagmamanupaktura at pangangalakal sa kapinsalaan ng agrikultura kabilang ang mga taripa ng pag-aangkat. Ang mga pisiokrata ay nagtaguyod ng pagpapalit na administratibo ng magastos na koleksiyon ng buwis ng isang buwis sa sahod ng mga may ari ng lupa. Bilang reaksiyon laban sa saganang regulasyong pangkalakal na merkantilista, ang mga pisiokrata ay nagtaguyod ng isang patakaran ng laissez-faire na tumatawag sa isang maliit na panghihimasok ng pamahalaan sa ekonomiya.[70] Ang modernong analisis na ekonomiko ay sinasabing nagmula kay Adam Smith (1723–1790).[71] Si Smith ay kritikal sa mga merkantilista ngunit inilarawan ang sistemang pisiokratiko "sa lahat ng mga imperpeksiyon nito" bilang "marahil ang pinaka dalisay na aproksimasyon ng katotohanan na hindi pa naililimbag" sa paksa.[72]

Klasikong ekonomiyang pampolitika

baguhin
 
Si Adam Smith ang sumulat ng The Wealth of Nations

Ang paglilimbag ng The Wealth of Nations(Ang Kayamanan ng mga Bansa) ni Adam Smith noong 1776 ay inilarawan bilang "ang epektibong kapanganakan ng ekonomika bilang isang hiwalay na disiplina."[73] Tinukoy ng aklat na ito ang lupain, trabaho, at kapital bilang tatlong mga paktor ng produksiyon at ang pangunahing mga taga-ambag sa kayamanan ng isang bansa bilang natatangi mula sa ideyang pisiokratiko na ang tanging agrikultura ang produktibo. Tinalakay ni Smith ang potensiyal na mga benepisyo ng espesyalisasyo ng dibisyon ng trabaho kabilang ang tumaas na produktibidad ng trabaho at tubo mula sa kalakalan kahit pa sa pagitan ng bayan at bansa o sa buong mga bansa.[74] Ang kanyang teorema na ang dibisyon ng trabaho ay limitado ng sakop ng pamilihan ay inilirawan bilang kaibuturan ng teoriya ng negosyo at industriya at isang "pundamental na prinsipyo ng ekonomikong organisasyon".[75] Ito ay iniliarawan rin bilang "ang pinakamahalagang substantibong proposisyon ng lahat ng mga ekonomika" at pundasyon ng teoriya ng alokasyon ng mga mapagkukunan na sa ilalim ng kompetisyon, ang mga may ari ng mapagkukunan (ng trabaho, lupain at kapital) ay naghahangad sa kanilang pinaka matubong paggamit na nagreresulta sa pantay na rate ng balik para sa lahat ng paggamit sa ekwilibrium (na isinayos para sa maliwanag na mga pagkakaibang lumilitaw mula sa mga gayong paktor gaya ng pagsasanay at kawalang trabaho).[76] Sa isang argumento na kinabibilangan ng "isa sa pinaka sikat na mga talata sa lahat ng mga ekonomika",[77] kinatawan ni Smith ang bawat indibidwal bilang sumusubok na gumamit ng anumang kapital na kanilang maaaring gamitin para sa kanilang sariling kapakinabangan, hindi ng lipunan,[78] at para sa kapakananan ng tubo na kinakailangan sa isang lebel sa paggamit ng kapital sa industriyang domestiko at positibong kaugnay sa halaga ng nilikha.[79][80] Iniugnay ng mga ekonomista ang hindi makikitang kamay na konsepto ni Smith sa kanyang pagkabahala para sa karaniwang lalake at babae sa pamamagitan ng paglagong ekonomiko at pag-unlad[81] na pumapayag sa mas mataas na mga lebel ng konsumpsiyon na inilarawan ni Smith bilang "ang tanging wakas at layunin ng lahat produksiyon."[82][83] Kayang isinama ang hindi makikitang kamay sa isang balangkas na kinabibilangan ng paglilimita ng mga restriksiyon sa kompetisyon at kalakalang pandayuhan ng pamahalaan sa parehong kabanatang[84] and elsewhere regulation of banking and the interest rate,[85] probisyon ng isang "natural na sistema ng kalayaan" - pambansang pagtatanggol, isang hustisyang egalitarian at sistemang legal at ilang mga institusyon at trabahong publiko na may pangkalahatang benepisyo sa buong lipunan na maaaring kundi dito ay hindi mapapakinabangan na lihkahin gaya ng edukasyon [86] at mga kalye, kanal at tulad nito.[87][88] Ang isang maimpluwensiya (influential) na introduktoryong aklat pampaaralan ay kinabibilangan ng katulad na talakayan at pagtataya: "Higit sa lahat, ang pangitain ni Adam Smith ng isang nagreregula sa sariling hindi makikitang kamay ang kanyang tumagal na kontribusyon sa modernong ekonomika."[89] Ginamit ni Thomas Robert Malthus (1798) ang ideya ng papaliit na mga pagbabalik upang ipaliwanag ang mababang pamantayan ng pamumuhay. Kanyang ikinatwiran na ang populasyon ng tao ay may kagawiang tumaas na heometriko na humihigit sa produksiyon ng pagkain na na tumaas ng aritmetiko. Ang pwersa ng isang mabilis na lumalagong populasyon laban sa isang limitadong halaga ng lupain ay nangangahulugang papaliit na mga pagbabalik ng trabaho. Kanyang inangkin na ang resulta ay patuloy na mababang mga sahod na pumipigil sa pamantayan ng pamumuhay para sa karamihan ng populasyon mula sa pag-ahon sa itaas ng lebel ng susbsistensiya.[90] Kinuwestiyon rin ni Malthus ang automatikong kagawian ng ekonomiya ng pamilihan na lumikha ng buong trabaho. Kanyang sinisi ang kawalang trabaho sa kagawian ng ekonomiya na limitahan ang paggastos nito sa pamamagitan ng labis na pagtitipid na isang temang nakalimutan hanggang sa muling buhayin ni John Maynard Keynes noong mga 1930. Bagaman binigyang diin ni Adam Smith ang produksiyon ng sahod, si David Ricardo (1817) ay pumokus sa distribusyon ng sahod sa mga may ari ng lupa, trabahador at kapitalista. Nakita ni Ricardo ang likas alitan sa pagitan ng mga may ari ng lupa sa isang panig at trabaho at kapital sa kabilang panig. focused on the distribution of income among landowners, workers, and capitalists. Kanyang isinaad na ang paglago ng populasyon at kapital, na tumutulak laban sa isang nakapirmeng suplay ng lupain ay nagpapataas ng mga upa at naglilimita sa mga sahot at tubo. Si Ricardo ang una na magsaad at magpatunay ng prinsipyo ng komparatibong pakinabang ayon sa kung aling bawat bansa ang dapat mag espesyalisa sa paglikha at pagluwas ng mga kalakal dahil ito ay may mas mababang gastos ng produksiyon kesa sa pag-asa lamang sa sarili nitong produksiyon.[91] It has been termed a "fundamental analytical explanation" for gains from trade.[92] Sa huli ng tradisyong klasiko, si John Stuart Mill (1848) ay lumisan sa mas naunang mga klasikong ekonomista sa pagiging hindi maiiwasan ng distribusyon ng sahod na nilikha sa sistema ng pamilihan. Nagturo si Mill sa isang natatanging pagkakaiba sa pagitan ng dalawang mga papel ng pamilihan: ang paglalaan ng mga mapagkukunan at distribusyon ng sahod. Kanyang isinulat na ang pamilihan ay maaaring maigi sa paglalaan ng mga mapagkukunan ngunit hindi sa pamamahagi ng sahod na gumagawa ritong kailangan para sa lipunan na manghimasok.[93] Ang teoriya ng halaga ay mahalaga sa teoriyang klasiko. Isinulat ni Smith na ang "tunay na presyo ng bawat bagay... ang pagpapagod at hirap ng pagkakamit nito" gaya ng pagkaimpluwensiya nito sa kakulangan nito. Isinaad ni Smith na sa upa at tubo, ang ibang mga gastos maliban sa mga sahod ay pumapasok rin sa presyo ng isang komoditad.[94] Ang ibang mga klasikong ekonomista ay nagtanghal ng mga bariasyon kay Smith na tinerminuhang trabahong teoriya ng halaga. Ang klasikong ekonomika ay pumokus sa kagawian ng mga pamilihan na lumipat sa mahabang takbong ekwilibrium.

Marxismo

baguhin
 
Ang eskwelang Marxista ng pag-iisip ekonomiko ay nagmula sa akda ni ekonomistang Aleman na si Karl Marx.

Ang ekonomikang Marxista (kalaunang Marxian) ay nagmula sa klasikong ekonomika. Ito ay hango mula sa akda ni Karl Marx. Ang unang bolyum ng pangunahing akda ni Marx na Das Kapital ay inilimbag sa wikang Aleman noong 1867. Dito, si Marx ay pumokus sa trabahong teoriya ng halaga at kanyang itinuring na pagsasamantala ng trabaho ng kapital.[95] Ang trabahong teoriya ng halaga ay nagsaad na ang halaga ng ipinalit na komoditad ay tinutukoy ng trabaho na napunto sa produksiyon nito.

Ekonomikang neoklasiko

baguhin

Ang isang katawan ng teoriyang kalaunang tinawag na ekonomikang neoklasiko o marhinalismo ay nabuo mula mga 1870 hanggang 1910. Ang terminong ekonomika ay pinasikat ng gayong mga ekonomistang neoklasiko gaya ni Alfred Marshall bilang isang maikling sinonimo para sa agham ekonomiko at isang paghalili sa mas naunang ekonomiyang pampolitika.[96] Ito ay tumutugon sa impluwensiya sa paksa ng mga pamamaraang matematikal sa natural na agham.[97] Isinistema ng ekonomikang neoklasiko ang suplay at pangangailangan bilang magkasanib na mga tagatukoy ng presyo at kantidad sa ekwilbrium ng pamilihan na umaapekto sa parehong paglalaan ng output at pamamahagi ng sahod. Ito ay namahagi ng trabahong teorya ng halaga na minana mula sa klasikong ekonomika ng pabor sa isang teoriya ng marhinal na utilidad sa panig ng pangangailangan at isang mas pangkalahatang teoriya ng mga gastos sa panig ng suplay.[98] Noong ika-20 siglo, ang mga teoristang neoklasiko ay lumipat papalayo sa mas naunang nosyon na nagmumungkahing ang kabuuang utilidad para sa lipunan ay dapat sukatin, ng pabor sa ordinal na utilidad na naghihipotesis lamang ng batay sa pag-aasal na mga ugnayan sa mga tao.[23][99] Sa mikroekonomika, ang ekonomikang neoklasiko ay kumakatawan sa mga pabuya at gastos bilang gumagampan ng isang lumalaganap na papel sa paghuhugis ng paggawa ng desisyon. Ang isang halimbawa nito ang teoriya ng konsumer ng indibidwal na pangangailangan na naghihiwalay kung paanong ang mga presyo (bilang mga gastos) ay rumiriplekta sa sinauna at tumatagal na sintesis na neoklasiko kasama ng makroekonomikang Keynesian.[100] Ang ekonomikang neoklasiko ay minsang tinatawag na ekonomikang ortodokso kahit ng mga kritiko o sumisimpatiya dito. Ang modernong nananaig na ekonomika ay nakabatay sa ekonomikang neoklasiko ngunit maraming mga pagpipino na nagdadagdag o naglalahat ng mas naunang analisis gaya ng ekonometrika, teoriya ng laro, analisis ng pagkabigo ng pamilihan at hindi perpektong kompetsiyon at ang modelong neoklasiko para sa pagsusuri ng mahabang takbong mga bariabulo na umaapekto sa pambansang sahod.

Ekonomikang Keynesian

baguhin
 
John Maynard Keynes.

Ang ekonomikang Keynesian ay hango mula kay John Maynard Keynes partikular sa kanyang aklat na The General Theory of Employment, Interest and Money (1936), na naglunsad ng kontemporaryong makroekonomika bilang isang natatanging larangan.[101] Ang aklat na ito ay pumopokus sa mga tagatukoy ng pambansang sahod sa maikling pagtakbo kapag ang presyo ay relatibong hindi mababago. Tinangka ni Keynes na ipaliwanag ang malawak na detalyeng teoretikal kung bakit ang mataas na kawalang trabaho sa pamilihan ng trabaho ay maaaring hindi nagtutuwid sa sarili nito sanhi ng mababang pangangailangang epektibo at kung bakit ang pleksibilidad ng presyo at patakarang pang-salapi ay maaaring walang kwenta. Ang gayong mga termino gaya ng rebolusyonaryo ay nilapat sa aklat na ito sa epekto nito sa analisis na ekonomiko.[102] Ang ekonomikang Keynesian ay may dalawang mga kahalili. Ang Ekonomikang Post-Keynesian ay tumutuon rin sa katigasang makroekonomiko at mga proseso ng pagsaayos. Ang pagsasalik sa mga pundasyong mikro para sa kanilang mga modelo ay kinakatawan batay sa tunay na buhay na mga pagsasanay kesa sa simpleng mga modelong nag-ooptimisa. Ito ay pangkalahatang nauugnay sa University of Cambridge at sa akda ni Joan Robinson.[103] Ang Ekonomikang Bagong-Keynesian ay nauugnay rin sa mga pag-unlad sa anyong Keynsian. Sa loob ng pangkat na ito, ang mga mananaliksik ay may kagawiang magsalo sa ibang mga ekonomista ng pagbibigay diin sa mga modelo na gumagamit ng mga pundasyong mikro at pag-aasal na nag-ooptimisa ngunit may isang mas makitid na pokus sa pamantayang mga temang Keynesian gaya ng katigasang presyo at sahod. Ang mga ito ay karaniwang ginagawang panloob na mga katangian ng mga model kesa sa simpleng pagpapalagay gaya ng mas matandang mga istilong Keynesian.

Eskwelang Chicago ng ekonomika

baguhin

Ang Eskwelang Chicago ng ekonomika ay mahusay na kilala sa pagtataguyod nito ng malayang pamilihan at mga ideyang monetarista. Ayon kay Milton Friedman at mga monetarista, ang mga ekonomiya ng pamilihan ay likas na matatag kung ang suplay ng pera ay hindi lapis na lumalawig o lumiliit. Si Ben Bernanke na kasalukuyang chairman ng Reserbang Pederal ng Estados Unidos ang isa sa mga ekonomista ngayon na pangkalahatang tumatanggap sa analisis ni Friedman ng mga sanhi ng Dakilang Depresyon.[104] Epektibong kinuha ni Friedman ang marami sa mga basikong prinsipyong inilatag ni Adam Smith at mga ekonomistang klasiko at minodernisa niya ang mga ito. Ang isang halimbawa nito ang kanyang artikulo sa isyu noong Setyembre 1970 ng The New York Times Magazine kung saan kanyang inangkin na ang panlipunang responsibilidad ng negosyo ay dapat "gamitin ang mapagkukunan nito at sumali sa mga gawaing ginawa na magpataas ng tubo.. (sa pamamagitan) ng malaya at bukas na kompetisyon nang walang panloloko o daya." [105]

Iba pang mga eskwela at pakikitungo

baguhin

Ang iba pang mahusay na kilalang mga eskwela ng pag-iisip na tumutukoy sa isang partikular na istilo ng ekonomikang sinanay at pinakalat mula sa mahusay na inilarawang mga pangkat ng akademiko na nakilala sa buong mundo ay kinabibilangan ng Eskwelang Austrian, Eskwelang Feiburg, Eskwela ng Lausanne, ekonomikang post-Keynesian at Eskwelang Stockholm. Ang kontemporaryong nananaig na ekonomika ay minsang hiniwalay sa pakikitungong Saltwater ng mga unibersidad sa kahabaaan ng Silanganing baybayin ng Estados Unidos at kanlurang US at ang Freshwater o ang pakikitungong eskwelang Chicago. Sa loob ng makroekonomika, mayroong pangkalahatang kaayusan ng kanilang paglitaw sa panitikan: klasikong ekonomika, ekonomikang Keynesian, sintesis na neoklasiko, ekonomikang post-Keynesian, monetarismo, bagong klasikong ekonomika, panig ng suplay na ekonomika, ekonomikang konstitusyonal, ekonomikang institusyonal, ekonomikang ebolusyonaryo, teoriyang dependensiya, ekonomikang istrakturalista, teoriyang mga sistema ng daigdig, ekonopisika, ekonomikang peminista at ekonomikang biopisikal.[106]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Padron:Reflist