Antsiranana

Isang lugar sa Rehiyong Diana, Madagascar

Ang Antsiranana (Malgatse: Antsiran̈ana Malagasy pronunciation: [antsʲˈraŋanə̥]), dating tinawag na Diego-Suarez bago ang taong 1975, ay isang lungsod sa dulong hilaga ng Madagascar. Ito ay ang kabisera ng Rehiyon ng Diana. Mayroon itong tinatayang populasyon na 115,015 katao noong 2013.[1]

Antsiranana
Antsiranana is located in Madagascar
Antsiranana
Antsiranana
Kinaroroonan ng Antsiranana sa Madagascar
Mga koordinado: 12°18′S 49°17′E / 12.300°S 49.283°E / -12.300; 49.283
Bansa Madagascar
RehiyonRehiyon ng Diana
Lawak
 • Kabuuan42 km2 (16 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2013)
 • Kabuuan115,015
 • Kapal2,700/km2 (7,100/milya kuwadrado)
KlimaAw

Ang dalawang pangunahing mga institusyong pang-edukasyon sa lungsod ay ang Université d’Antsiranana at ang Lycée Français Diego Suarez (o Lycée Français Sadi-Carnot na isang Pranses na paaralang pandaigdig),[2][3]

Kasaysayan

baguhin

Dating kilala ang lungsod at ang look bilang Diego Suarez, mula kay Diogo Soares, isang Portuges na maglalayag na bumisita sa look noong 1543–44.[4]

Noong dekada-1880, ang look ay inimbot ng Pransiya na naghangad nito upang gawing estasyon ng pagtutustos ng karbón (coaling station) para sa mga bapor. Pagkaraan ng unang Digmaang Franco-Hova, nilagda ni Reynang Ranavalona III noong Disyembre 17, 1885 ang isang kasunduang nagbibigay sa Pransiya ng pangangalaga (protectorate) sa look at nakapaligid na lupain, gayon din ang mga pulo ng Nosy-Be at Ste. Marie de Madagascar.

Napabilang ang pamamahala ng kolonya sa Madagascar noong 1896. Ang Ikalawang Iskuwadron sa Pasipiko ng Imperyong Ruso ay inangkla at muling tinustusan sa Diego-Suarez habang patungo ito sa Labanan ng Tsushima noong 1905.

 
Mga barkong pandigma at barkong pangmangangalakal ng Britanya sa daungan ng Antsiranana kasunod ng pagsuko ng mga Pranses noong Mayo 13, 1942.

Noong 1942, ang Diego Suárez ay pangunahing pakay ng Operasyong Ironclad, ang simulang punto ng paglusob ng mga puwersang Alyado at pagbihag ng Madagascar. Nag-alala ang mga Alyado na maaaring gipitan ng Hapon ang Pransiyang Vichy sa pagpayag sa paggamit ng Madagascar (tulad ng nangyari sa Indotsinang Pranses noong nakaraang taon). Napagpasiya na hindi dapat gawing base ang Diego Suárez para sa pagpigil ng pagbabarko ng mga puwersang Alyado. Ang Diego Suarez na may napakahusay na daungan at maraming mga opisyal ng pamahalaan ay piniling unang dako ng pagsalakay. Bilang tugon, inatake ng mga puwersang Hapones ang mga hukbong pandagat ng Britanya sa daungan gamit ang maliliit na mga submarino. Ikinasira nito ang barkong-pandigma na HMS Ramillies at pinalubog nito ang isang tangker ng langis.

Patuloy na ginamit ng Pransiya ang lungsod bilang isang himpilang militar pagkaraan ng kasarinlan ng Madagascar noong 1960, hanggang sa rebolusyong sosyalismo noong 1973.

Datos ng klima para sa Antsiranana (1961–1990, extremes 1941–present)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 36.3
(97.3)
34.6
(94.3)
34.8
(94.6)
35.0
(95)
33.6
(92.5)
33.0
(91.4)
33.0
(91.4)
33.0
(91.4)
33.0
(91.4)
37.0
(98.6)
38.0
(100.4)
39.0
(102.2)
39.0
(102.2)
Katamtamang taas °S (°P) 30.2
(86.4)
30.2
(86.4)
30.6
(87.1)
31.0
(87.8)
30.4
(86.7)
29.3
(84.7)
28.7
(83.7)
28.7
(83.7)
29.5
(85.1)
30.5
(86.9)
31.5
(88.7)
31.4
(88.5)
30.2
(86.4)
Arawang tamtaman °S (°P) 26.0
(78.8)
26.0
(78.8)
26.2
(79.2)
26.3
(79.3)
25.4
(77.7)
24.1
(75.4)
23.5
(74.3)
23.4
(74.1)
24.1
(75.4)
25.2
(77.4)
26.3
(79.3)
26.5
(79.7)
25.2
(77.4)
Katamtamang baba °S (°P) 22.8
(73)
22.7
(72.9)
22.9
(73.2)
22.6
(72.7)
21.6
(70.9)
20.2
(68.4)
19.6
(67.3)
19.4
(66.9)
20.0
(68)
21.2
(70.2)
22.5
(72.5)
22.9
(73.2)
21.5
(70.7)
Sukdulang baba °S (°P) 17.0
(62.6)
16.6
(61.9)
14.0
(57.2)
17.8
(64)
16.2
(61.2)
13.5
(56.3)
13.8
(56.8)
13.0
(55.4)
14.7
(58.5)
16.3
(61.3)
18.2
(64.8)
18.7
(65.7)
13.0
(55.4)
Katamtamang pag-ulan mm (pulgada) 337.5
(13.287)
305.8
(12.039)
179.4
(7.063)
52.3
(2.059)
13.4
(0.528)
19.1
(0.752)
19.0
(0.748)
18.7
(0.736)
8.8
(0.346)
17.4
(0.685)
54.6
(2.15)
170.8
(6.724)
1,196.8
(47.118)
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 1.0 mm) 16 15 12 6 4 3 4 4 2 3 5 10 84
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 79 92 81 76 70 68 66 66 66 65 71 76 72
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 189.2 170.0 214.9 256.4 284.8 256.5 273.1 283.6 293.3 306.8 281.5 228.9 3,039
Sanggunian #1: NOAA[5]
Sanggunian #2: Deutscher Wetterdienst (humidity, 1951–1967),[6] Meteo Climat (record highs and lows)[7]

Transportasyon

baguhin
 
Isang barkong pangkargamento sa daungan ng Antsiranana

Matatagpuan ang Antsiranana sa Look ng Antsiranana na isa sa pinakamalaking mga malalim na daungan sa Karagatang Indiyano, ngunit hindi ito itinuturing na mahalaga sa pangkargamentong trapiko dahil sa malayong kinaroroonan nito at, hanggang kamakailan lamang, isang baku-bakong daan papuntang timog. Ang Paliparan ng Arrachart ay nag-uugnay ng lungsod sa ibang mga bahagi ng Madagascar gamit ang transportasyong panghimpapawid.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Institut National de la Statistique, Antananarivo.
  2. "Accueil". Lycée Français Diego Suarez. Nakuha noong 7 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Lycée français Sadi-Carnot". AEFE. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 2, 2015. Nakuha noong Mayo 7, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Pierre Van Den Boogaerde, Shipwrecks of Madagascar, p.40
  5. "Diego–Suarez/Antsir (Antsiranana) Climate Normals 1961–1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong Oktubre 19, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Klimatafel von Antsiranana (Diégo-Suarez) / Madagaskar" (PDF). Baseline climate means (1961-1990) from stations all over the world (sa wikang Aleman). Deutscher Wetterdienst. Nakuha noong 10 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Station Antsiranana" (sa wikang Pranses). Meteo Climat. Nakuha noong 10 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin

12°18′S 49°17′E / 12.300°S 49.283°E / -12.300; 49.283