Araling Pilipino

Pag-aaral sa Pilipinas at sa mga tao nito (i.e. mga Pilipino)
(Idinirekta mula sa Araling Filipino)

Sa pangkalahatan, ang Pilipinolohiya (Kastila: Filipinología, Ingles: Filipinology o Philippineology) o mas pormal na kilala bilang araling Pilipino ay tumutukoy sa "pag-aaral ng Pilipinas at mga tao nito."[1]

Sinasaklaw nito ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas,[2] kultura ng Pilipinas, mga wika sa Pilipinas, lipunang Pilipino, buhay Pilipino, sikolohiyang Pilipino,[3] politikang Pilipino, at pamahalaan ng Pilipinas.[2] Ang pamamaraan o perspektibo ng aratling Pilipino ay maaaring panteorya, interdisiplinaryo, komparatibo, transisyonal, at pandaigdigan.[4] Nabuo ang Pilipinolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman[5] at naging bahagi ng kurikulum ng ilang mga dalubhasaan at pamantasan sa loob at labas ng Pilipinas.

Layunin

baguhin

Kabilang sa mga layuning pagkakatuto ng Pilipinolohiya ang pang-unawa, pagpapahalaga, at pagsusuring kritikal ng Pilipinas sa pamamagitan ng kasaysyan ng Pilipinas, isyung kontemporaryo sa pamayanang Pilipino, at Pilipinong Humanidades tulad ng pilosopiyang Pilipino, musikong Pilipino, sining Pilipino, panitikang Pilipino, at Pilipinong sayaw.[6] Nagbibigay ng pag-unlad ng pagtanggap ng kultura at kahulugang estetika ang pagsasama ng Pilipinong Humanidades sa pamamagitan ng babasahing pampanitikan, pakikinig ng ni-rekord na musika, panonood ng mga pelikula, at lakbay-aral.[6] Lumalawig ang araling Pilipino sa pagkonekta ng mga ambag ng mga tao na may lahing Pilipino sa bagong kaganapan at kalinangan (tulad ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat sa ibang mga bansa).[7] Maliban sa pagbibigay ng edukasyon at kamalayan tungkol sa Pilipinas, naglalayon ang Pilipinolohiya na gawin ang mga mag-aaral ng araling Pilipino na malaman ang pakakakilanlang etnikong Pilipino sa pamamagitan ng pagdanas ng kalinangang Pilipino.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. About Philippine Studies at St. Norbert College, De Pere, WI Naka-arkibo 2010-05-27 sa Wayback Machine., snc.edu
  2. 2.0 2.1 Yuchengco Philippine Studies Naka-arkibo 2010-06-12 sa Wayback Machine., College of Arts and Sciences, The University of San Francisco, usfca.edu (sa Ingles)
  3. Tolentino, Rolando B. "discipline called 'Pilipinolohiya' (Filipinology or studies of the Filipino psyche, culture and society" (...), Postnational family/postfamilial nation: family, small town and nation talk in Marcos and Brocka, Inter-Asia Cultural Studies, informaworld.com
  4. Philippine Studies Quarterly Naka-arkibo 2010-04-06 sa Wayback Machine., Ateneo de Manila Press, ateneopress.org (sa Ingles)
  5. Adventures in Political Science, barnesandnoble.com< (sa Ingles)
  6. 6.0 6.1 42. Philippine Humanities Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine., Announcement of Courses, Philippine Studies, ccsf.edu
  7. "Philippine Studies". www.ccsf.edu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 16, 2002.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Mission Statement of the Philippine Studies Department Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine., City College of San Francisco, California, ccsf.edu (sa Ingles)