Sikolohiyang Pilipino
Ang artikulo na ito ay kinabibilangan ng isang tala ng pangkalahatang sanggunian, subalit kulang sa kaukulang pagbanggit sa loob ng mga pangungusap. (Setyembre 2022) |
Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. ito ay para mas higit na mauunawaan ng isang Pilipino ang kanyang sarili upang sa gayon ay mapaunlad niya ang kanyang buhay. Isang alternatibong perspektibo kung paano ipapaliwanagnag pag-iisip, pagkilos at damdaming Pilipino, na malakiang kaibahan sa mga pananaw ng iba pang anyo ng sikolohiya sa Pilipinas.
Noong 1960s pa lamang ay tinuturo na ang sikolohiya sa mga paaralan na may bahid ng mga Kanluranin. Sinabi ni Dr. Rogelia Pe-Pua na kahit na ang mga illustrados na pinagpalang mag-aral ng sikolohiya noong nasa ilalim pa ng mga Kastila, gaya ng ating mga pambansang bayaning sina Dr. José Rizal at Apolinario Mabini, ay nagpahayag ng pagkadismaya sa paraan ng pagkakaturo nito. Nakita noon ng tagapangulo noon ng Departamento ng Sikolohiya na si Dr. Virgilio Enriquez na may kailangang baguhin para mas madaling maunawaan ito ng mga Pilipino. Sa panahong 1975 naitaguyod ang Sikolohiyang Pilipino.
Tatlong anyo ng Sikolohiyang Pilipino
baguhinAyon kay Dr. Virgilio Enriquez, mayroong tatlong anyo ang Sikolohiyang Pilipino: Sikolohiya sa Pilipinas, Sikolohiya ng Pilipino, at Sikolohiyang Pilipino. Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, libro, at sikolohiyang makikita sa Pilipinas, banyaga man o makapilipino. Ang Sikolohiya ng Pilipino naman ay tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino. Ang panghuling anyo ng Sikolohiyang Pilipino ay walang iba kundi ang Sikolohiyang Pilipino, mismo. Ayon dito, ang Sikolohiyang Pilipino ay bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyon ng sa Pilipinas. Samakatuwid, mga Pilipino lamang ang makakasulat tungkol dito.
Sa maikling salita, Ang sikolohiya sa Pilipinas ay "bisita sa bahay", Sikolohiya ng mga Pilipino ay "tao sa bahay, at Sikolohiyang Pilipino ay "ang maybahay"
Mga konsepto ng Sikolohiyang Pilipino
baguhinKinikilala ng maraming sikolohista sa akademiya na mayroong pangangailangang isalin ang ibang mga salita sa Filipino upang mas maigi silang talakayin. Ang anim na konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang mga sumusunod:
• Ang Katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga salitang galing at ginagamit sa Pilipinas. Ang kahulugan din nito ay kinuha mula sa mga Pilipino.
• Ang Pagtatakda ng Kahulugan. Dito naman, ang salitang ginagamit ay galing sa Pilipinas, habang ang kahulugan nito ay banyaga. Ang halimbawa nito ay ang lahat ng mga Pilipinong salita na binigyan ng kahulugan sa Ingles upang hindi maguluhan ang mga tao sa saliksik.
• Ang Pagaandukha na konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang pagkukuha ng salitang dayuhan at baguhin ang kanyang anyo hangga’t magkaroon siya ng Pilipinong kahulugan.
• Ang konsepto ng Pagbibinyag sa Sikolohiyang Pilipino ay madali lang intindihan sapagkat ang ibig sabihin nito ay ang paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang mga sariling kahulugan sa mga salitang Pilipino.
• Ang Paimbabaw na Asimilasyon. Sa Paimbabaw na Asimilasyon pinag-uusapan ang mga salitang banyaga na ginagamit sa Pilipinas ngunit mahirap isalin sapagkat iiba ang kahulugan nito.
• Ang Ligaw/Banyaga na mga salita. Tumutukoy ito sa mga salita o konsepto na hindi ginagamit sa Pilipinas, kaya’t walang Pilipinong katapat ito.
Apat na piliyasyon ng Sikolohiyang Pilipino
baguhinAyon kay Zeus Salazar, mayroong apat na piliyasyon, o filiation sa Ingles, ang Sikolohiyang Pilipino:
• Sikolohiyang Akademiko-Pilosopikal: Nagsimula ito sa panahon ng mga Amerikano sa Unibersidad ng Pilipinas, ngunit malaki rin ang papel ng Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad ng San Carlos sa pag-aaral ng ganitong klaseng sikolohiya. Madalas ay pilosopikal at teolohikal ang piliyasyon na ito.
• Sikolohiyang Akademiko-Siyentipiko: Nagsimula rin ito sa UP at hinikayat ng piliyasyong ito ang mga akademiko na ituring ang pananaliksik bilang importante sa sikolohiya. Dito rin naging uso ang pagnanais ng mga sikolohista na magkaroon ng mga resulta na empirikal.
• Sikolohiyang Katutubo: Ang sikolohiyang katutubo ay hindi nagsimula sa isang unibersidad katulad ng nauunang dalawa dahil dati pa itong pinapraktis ng mga katutubong Pilipino. Nahahati ito sa dalawa: ang Katutubong Sikolohiya at Kinagisnang Sikolohiya. Tinutukoy ng katutubong sikolohiya ang mga paniniwala at karanasan ng mga katutubong Pilipino, habang sakop naman ng kinagisnang sikolohiya ang wika, kultura, at sining ng mga Pilipino.
• Sistemang Sikomedikal at Relihiyon: Nagsimula ito mula sa medikong relihiyosong gawa ng mga naunang babaylan at katalonan.Tinatalakay rito ang iba’t ibang sistema ng paniniwala.
Ang indirektang komunikasyon ng mga Pilipino ay isang mahalagang parte ng kanilang personalidad. Ayon kay Enriquez, ang ating kakayahan mabasa o mapansin ang mga di-sinasalitang mga hudyat tulad ng kilos ng ating katawan. Binibigyang importansiya ng mga Pilipino kung anong nararamdaman ng kaniyang kapwa, kung kaya ang Pilipino ay madaling makiramdam. Hindi mapakali o mabigat sa kalooban ng Pilipino kung mayroong itinatagong hinaing sa sarili o sa kapwa. Ayaw ng Pilipino ang ganitong pakiramdam sa kanilang persepsiyong pakikiisa. Upang maiwasan ang anumang away (sa sarili o sa ibang tao), maingat ang mga Pilipino sa kanilang mga binibitawang salita kung kaya nabuo ang konseptong indirektang pakikipag-usap.
Ibang-iba ito sa mga taga-Kanluran kung saan sila ay direktang ipinapahiwatig ang kanilang mga ideya’t saloobin, na kadalasa’y mali ang dating sa mga Pilipino. Madalas na ang dating ay pambabastos. Halos lagi ay nakararanas ang Pilipino ng indirektang komunikasyon, at hindi mahirap sa kanilang basahin ang mga ito.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- Enriquez, V.G (1978). Kapwa: A core concept in Filipino social psychology. Philippine Social
Sciences and Humanities Review, 42 (1-4).
- Enriquez, V.G. (1976). Sikolohiyang Pilipino: Perspektibo at direksiyon (Filipino psychology: perspective and direction). In L.F Antonio, E.S. Reyes, R.E. Pe and N.R. Almonte (Eds.), Ulat ng Unang Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino (Proceedings of the First National Conference on Filipino Psychology) (pp. 221–243). Quezon City: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.
- Enriquez, V.G. (1985). The development of psychological thought in the Philippines. In A. Aganon and M. David (Eds.), Sikolohiyang Pilipino: Isyu, Pananaw at Kaalaman (New Directions in Indigenous Psychology) (pp. 1149–176). Manila: National Book Store.
- Enriquez, V.G. (1994). Pagbabangong-dangal: Psychology and Cultural Empowerment. Quezon City: Akademya ng Kultura at Sikolohiyang Pilipino.
- Mataragnon, R. (1987). Pakikiramdam in Filipino social interaction. In Foundations of Behavioral Sciences: A Book of Readings. Quezon City: University of the Philippines.
- Pe-Pua, R., & Protacio-Marcelino, E. (2000). Sikolohiyang Pilipino (Filipino psychology): A legacy of Virgilio G. Enriquez. Asian Journal of Social Psychology, 3(1), Retrieved from Psychology and Behavioral Sciences Collection database.
- Salazar, Z. A. (1985). Four filiations in Philippine psychological thought. In A. Aganon & M. A. David [Eds.], Sikolohiyang Pilipino: Isyu, pananaw at kaalaman (pp. 194-214). Manila: National Book Store.