Araling Katutubong Amerikano
Ang araling Katutubong Amerikano o aralin sa Katutubo ng Amerika (Ingles: Native American Studies, nakikilala rin bilang American Indian Studies, Indigenous American Studies, Aboriginal Studies, Native Studies, o First Nations Studies) ay isang larangang interdisiplinaryo na pang-akademiya na nagsisiyasat sa kasaysayan, kultura, politika, mga paksa at karanasang kontemporaryo ng katutubong mga tao ng Hilagang Amerika[1], o, sa pagharap na hemisperiko, ng Kaamerikahan. Tumataas ang bilang ng mga debate na nakatuon sa kaibahan sa halip na mga pagkakahalintulad sa pagitan ng iba pang mga disiplina ng araling etniko na katulad ng araling pang-Amerikanong Aprikano, araling pang-Amerikanong Asyano, at araling Latino. Partikular na ang sa soberanyang pampolitika ng maraming mga indihenang nasyon na nagmamarka ng tunay na pagkakaiba sa karanasang pangkasaysayan mula sa iba pang mga pangkat na panglipi at etniko na nasa Estados Unidos at Canada. Bilang isang larangan na humahango magmula sa mga disiplinang katulad ng antropolohiya, sosyolohiya, kasaysayan, panitikan, agham na pampolitika, at araling pangkasarian, ang mga iskolar ng aralin na pangkatutubong Amerikano ay sumasaalang-alang sa isang kasamu't sarian ng mga pananaw at gumagamit sila ng iba't ibang mga kagamitang pangsuri at pangmetodo para sa kanilang mga gawain.[1]
Dalawang susing diwa ang humubog sa aralin na pangkatutubong Amerikano, ayon sa iskolar na Sioux na si Elizabeth Cook-Lynn: (a) ang pagkakatutubo o pagiging isang katutubo (ayon sa pagkakabigay ng kahulugan sa larangan ng kultura, heograpiya, at pilosopiya) at (b) ang soberaniya (ayon sa kahulugan na pambatas at pangkasaysayan).[2] Ang mga praktisyunero ng araling ito ay tumatangkilik at nagtataguyod ng dekolonisasyon ng mga taong indihena, awtonomiyang pampolitika, at paglulunsad at pagtatatag ng isang disiplinang nakalaan sa pagtatanggal ng mga suliraning kontemporaryo na hinaharap ng mga taong katutubo.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Sara C. Heitshu, Thomas H. Marshall: Native American Studies: A Guide to Reference and Information Sources (Social Sciences), Libraries Unlimited, U.S., Ikalawang Rebisadong Edisyon, 2009, ISBN 1-56308-971-8
- ↑ Cook-Lynn 11
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.