Si Archilochus, o Archilochos (Griyego: Ἀρχίλοχος) (c. 680 BCE – c. 645 BCE),[1] ay isang makata buhat sa pulo ng Paros noong panahong Arkaiko ng Gresya na ipinagdiriwang dahil sa kanyang pabagu-bago at paiba-ibang paggamit ng mga metrong pantula at bilang ang pinakamaagang nakikilang may-akdang Griyego na kumatha ng halos ang kabuuan ay ukol sa tema ng kanyang mga damdamin at mga karanasan.[2][3] Isinama siya ng mga dalubhasa ng Alexandria sa kanilang kanonikong talaan ng mga makatang iambiko, sa piling nina Semonides at Hipponax,[4] ngunit ibinibilang din siya ng sinaunang mga tagapagpaliwanag o mamumuna sa piling nina Tyrtaeus at Callinus bilang ang maaaring imbentor ng elehiya.[5] Subalit madalas siyang binibigyang katangian ng makabagong mga manunuri bilang payak na isang makatang liriko.[6] Bagaman ang kanyang mga akda ay umiiral na lamang sa ngayon bilang mga kaputol, ipinamimitagan at iginagalang siya ng sinaunang mga Griyego bilang isa sa kanilang pinakamaningning na may-akda, na nagkaroon ng kakayahan upang mabanggit na kapantay nina Homer at Hesiod,[7] kahit na pinipintasan siya ng mga ito bilang isang arketipal na makata ng paninisi o pagbibintang[8] — ang kanyang mga paniniphayo o pangungutya ay nasabi rin na nakapagtaboy sa kanyang dating kasintahang mapapangasawa sana at ang kanyang ama upang magkamit ng pagpapakamatay.

Archilochus
Kapanganakan688 BCE (Huliyano)
  • (Dagat Egeo, Turkiya)
Kamatayan645 BCE
MamamayanSinaunang Gresya
Trabahomakatà, manunulat

Mga sanggunian

baguhin
  1. Habang ito ang pangkalahatang tinatanggap na mga petsa magmula kay Felix Jacoby, "The Date of Archilochus," Classical Quarterly 35 (1941) 97-109, may ilang mga dalubhasang hindi sumasang-ayon; halimbawa na si Robin Lane Fox, sa Travelling Heroes: Greeks and Their Myths in the Epic Age of Homer (London: Allen Lane, 2008, ISBN 978-0713999808), p. 388, na nagpetsa sa kanya bilang c. 740-680.
  2. J.P.Barron at P.E.Easterling, 'Elegy and Iambus', sa The Cambridge History of Classical Literature: Greek Literature, P.Easterling at B.Knox (mga patnugot), Cambridge University Press (1985), pahina 117
  3. David A. Campbell, Greek Lyric Poetry, Bristol Classical Press (1982), pahina 136.
  4. Sophie Mills, 'Archilochus', sa Encyclopaedia of Ancient Greece, Nigel Wilson (patnugot), Routledge (2006), pahina 76.
  5. Didymus ap. Orion, Et.Mag. p. 57, Scholiast ukol sa artikulong Birds 217, binanggit nina J.P.Barron at P.E.Easterling, 'Elegy and Iambus' sa The Cambridge History of Classical Literature: Greek Literature, mga patnugot: P. Easterling at B. Knox, Cambridge University Press (1985), n. 1 pahina 129.
  6. Rayor, Diane J, Sappho's Lyre: Archaic Lyric and Women Poets of Ancient Greece (Berkeley: University of California Press, 1991, ISBN 978-0-520-07336-4)
  7. J.P.Barron at P.E.Easterling, 'Elegy and Iambus', sa The Cambridge History of Classical Literature: Greek Literature, P.Easterling at B.Knox (mga patnugot), Cambridge University Press (1985), pahina 118.
  8. Christopher G. Brown, 'Introduction' to Douglas E. Gerber's A companion to the Greek Lyric Poets, Brill (1997), pahina 49.