Ariadna Gutiérrez

Si Ariadna María Gutiérrez Arévalo (ipinanganak Disyembre 25, 1993), higit na kilala bilang Ariadna Gutiérrez, ay isang TV Host, modelo at beauty pageant titleholder na nanalo sa Miss Colombia 2014 at first runner-up ng Miss Universe 2015. [1]

Si Ariadna Gutiérrez noong 2015

Buhay at Karera

baguhin

Ipinanganak si Gutierrez sa Sincelejo, Kolombya. Noong 7 buwan pa lang ay nanirahan na sila ng kaniyang mga magulang sa Barranquilla at nag-aral sa Paaralang Aleman ng Baranquilla.[2]

Bago siya kinoronahang Miss Colombia 2014, ginantimpalaan siya bilang Señorita Sucre (Miss Sucre Colombia 2014). Sa ngayon ay isa siyang propesyonal na modelo sa Sucre, Kolombya.

Miss Colombia 2014

baguhin

Lumahok si Gutierrez sa Miss Colombia 2014, na kumatawan sa Departamentong Sucre, kung saan napanalunan niya ang titulo ng Miss Colombia na ginanap noong Nobyembre 17, 2014 sa Cartagena de Indias.[3][4] Pinsan ni Gutierrez ang Miss Colombia 2013 at Miss Universe 2014 na si Paulina Vega.

Miss Universe 2015

baguhin

Kinatawan ni Gutierrez ang Kolombya sa Miss Universe. Sa una, nagkamali si Steve Harvey sa pag-anunsyo kay Gutierrez bilang Miss Universe 2015, at kay Pia Wurtzbach, Miss Philippines, na unang runner-up.[5] Subalit, pagkatapos ng pagkakakorona kay Gutierrez, napagtanto ni Harvey na nagkamali siya ng pagbasa sa resulta na dapat Colombia ang unang runner-up[6] at si Wurtzbach ang Miss Universe. Ipinutong din ni Vega ang korona kay Pia Wurtzbach bago agarang natapos ang pagsasa-himpapawid.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Miss Colombia speaks out after losing Miss Universe crown". The Telegraph. 23 Disyembre 2015. Nakuha noong 30 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Senorita Colombia 2014". sucre.gov.co (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Septiyembre 2015. Nakuha noong 1 Enero 2014. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. "Ariadna Gutierrez de Sucre Nueva Senorita Colombia 2014". vidayestilo.tierra.com. Nakuha noong 1 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Miss Colombia 2014 Ariadna Gutierrez Says She Feels 'Perfect' Despite Comments She's Overweight, Is Preparing for Miss Universe 2015". Latin Post. 3 Pebrero 2015. Nakuha noong 21 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Wrong contestant crowned at Miss Universe 2015". CNN. 21 Disyembre 2015. Nakuha noong 21 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Pierceall, Kimberly (21 Disyembre 2015). "Miss Universe host's mistake initially gives crown to Colombia, not Philippines". Globe and Mail. Toronto, Canada. Nakuha noong 30 Disyembre 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin