Aristarco
Si Aristarco ng Samos o Aristarco lamang (Ingles: Aristarchus, Griyego: Ἀρίσταρχος, Arístarchos; 310 BK/320 BK – bandang 230 BK/250 BK[1]) ay isang Griyegong astronomo at matematiko na ipinanganak sa pulo ng Samos sa Gresya. Siya ang unang nakikilalang tao na nagpahayag ng modelong heliosentriko ng sistemang solar, na naglalagay sa Araw, hindi ang Mundo, sa gitna ng nakikilalang sanlibutan. Naimpluwensiyahan siya ng Pitagoreanong Pilolao ng Krotona (kilala rin bilang Philolaus o Filolao), subalit, taliwas kay Pilolao, tinukoy kapwa ni Aristarco ang gitnang apoy bilang ang Araw, pati na ang paglalagay ng iba pang mga planeta sa tamang pagkakasunud-sunod mula sa Araw. Madalas na tinatanggihan ang kanyang mga ideyang pang-astronomiya upang paniwalaan ang mga teoriya ng modelong heosentriko ni Aristoteles at Tolomeo hanggang sa matagumpay na naungkat muli ang paksa pagkaroon halos ng 1,800 mga taon ni Copernicus, at malawakang pinaunlad at pinagsagawaan nina Johannes Kepler at Isaac Newton. Ipinangalan sa kanya ang isang hukay na pabilog na nasa ibabaw ng Buwan.
Aristarco | |
---|---|
Kapanganakan | 310 BCE (Huliyano)
|
Kamatayan | 230 BCE (Huliyano)
|
Trabaho | astronomo |
Bagaman nagsagawa ng mga pagmamasid si Aristarco na hindi gumagamit ng teleskopyo at hindi napaka tumpak ang naging kinalabasan ng kanyang mga pagsusukat, sinubok niyang alamin ang sukat ng layo ng Buwan mula sa Mundo na inihahambing sa distansiya ng Araw.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Aristarchus, Who First Claimed That The Earth Revolves Around the Sun?, Out in Space". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 104.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya, Gresya at Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.