Arkidiyosesis ng Vienna
Ang Arkidiyosesis ng Vienna (Latin: Archidioecesis Viennensis) ay isang arkidiyosesis ng Simbahang Katolika sa Austria.
Arkidiyosesis ng Vienna Archidioecesis Viennensis Archidioecesis Vindobonensis Erzdiözese Wien | |
---|---|
Kinaroroonan | |
Bansa | Austria |
Nasasakupan | Vienna, Lower Austria |
Lalawigang Eklesyastiko | Arkidiyosesis ng Vienna |
Kalakhan | Vienna |
Estadistika | |
Lawak | 9,100 km² |
Populasyon - Kabuuan - Katoliko | (noong 2014) 2,713,222 1,246,608 (45.9%) |
Parokya | 659 |
Kabatiran | |
Denominasyon | Simbahang Katolika |
Ritu | Ritung Romano |
Itinatag na - Diyosesis | 18 Enero 1469 |
Katedral | Katedral ni San Esteban, Vienna |
Patron | San Esteban |
Kasalukuyang Pamunuan | |
Papa | Francisco |
Kalakhang Arsobispo | Christoph Schönborn |
Katulong na Obispo | Franz Scharl Stefan Turnovsky |
Bikaryo Heneral | Nikolaus Krasa |
Obispong Emerito | Helmut Krätzl |
Mapa | |
Website | |
Website ng Arkidiyosesis |
Unang itinayo ang Diyosesis ng Vienna noong 18 Enero 1469, at itinaas ito bilang arkidiyosesis noong 1 Enero 1722. Naninirahan ang luklukan ng naturang diyosesis ay ang katedral ng Stephansdom sa Vienna.
Kasáma ng Arkidiyosesis ng Salzburg, ang dalawang eklesyastikong lalawigan ang bumubuô sa kasalukuyang estado ng Austria. Ang naturang Arkidiyosesis ay ang kalakhan ng tatlong diyosesis, ang Eisenstadt, Linz, at Sankt Pölten.
Ang kasalukuyang obispo ay si Christoph Schoenborn, na hinirang noong 1995 at nagíng kardinal noong 1998.
Mga ordinaryo
baguhin- Melchior Klesl † (15 Hulyo 1613 hinirang – 18 Setyembre 1630 pumanaw)
- Philipp Friedrich Reichsfreiherr von Breuner † (3 Hunyo 1639 hinirang – 22 Mayo 1669 pumanaw)
- Wilderich Reichsfreiherr von Walderdorff † (28 Hunyo 1669 hinirang – 4 Setyembre 1680 pumanaw)
- Emerich (Johann Anton) Sinelli, O.F.M. Cap. † (14 Nobyembre 1680 hinirang – 25 Pebrero 1685 pumanaw)
- Ernst Reichsgraf von Trautson zu Falkenstein † (23 Marso 1685 hinirang – 7 Enero 1702 pumanaw)
- Franz Anton Fürst von Harrach zu Rorau † ( 1702 inordinang obispo – 31 Hulyo 1706 nagbitiw)
- Franz Ferdinand Freiherr von Rummel † (4 Oktubre 1706 kinumpirma – 15 Marso 1716 pumanaw)
- Sigismund Graf Kollonitsch † (1 Hulyo 1716 hinirang – 12 Abril 1751 pumanaw)
- Johann Joseph Reichsgraf von Trautson zu Falkenstein (Trauston) † (12 Abril 1751 Humalili – 10 Marso 1757 pumanaw)
- Christoph Bartholomäus Anton Graf Migazzi † (15 Marso 1757 hinirang – 14 Abril 1803 pumanaw)
- Sigismund Anton Graf von Hohenwart, S.J. † (29 Abril 1803 hinirang – 30 Hunyo 1820 pumanaw)
- Leopold Maximilian Graf von Firmian (Frimian) † (25 Enero 1822 hinirang – 29 Nobyembre 1831 pumanaw)
- Vinzenz Eduard Milde † (27 Oktubre 1831 hinirang – 14 Marso 1853 pumanaw)
- Joseph Othmar von Rauscher † (20 Marso 1853 hinirang – 24 Nobyembre 1875 pumanaw)
- Johann Baptist Rudolph Kutschker † (12 Enero 1876 hinirang – 27 Enero 1881 pumanaw)
- Cölestin Joseph Ganglbauer, O.S.B. † (23 Marso 1881 hinirang – 14 Disyembre 1889 pumanaw)
- Anton Josef Gruscha † (24 Enero 1890 hinirang – 15 Agosto 1911 pumanaw)
- Franz Xavier Nagl † (5 Agosto 1911 humalili – 4 Pebrero 1913 pumanaw)
- Friedrich Gustav Piffl † (1 Abril 1913 hinirang – 21 Abril 1932 pumanaw)
- Theodor Innitzer † (19 Setyembre 1932 hinirang – 9 Oktubre 1955 pumanaw)
- Franz König † (10 Mayo 1956 hinirang – 16 Setyembre 1985 nagretiro)
- Hans Hermann Groër, O.S.B. † (15 Hulyo 1986 hinirang – 14 Setyembre 1995 nagretiro)
- Christoph Schönborn, O.P. (14 Setyembre 1995 humalili – )