Arkitekturang Sino-Portuges
Ang arkitekturang Sino-Portuges, kilala rin bilang Tsinong Baroko, arkitektura ng Kipot, arkitekturang Eklektikong Singapurense, o arkitekturang Peranakan ay isang haluang Asyanong estilo na naghahalo ng mga elemento ng mga estilo ng arkitekturang Tsino at Portuges. Ito ay laganap sa mga sentrong urbano kung saan tumira ang mga nandarauyhang Tsino sa katimugang Tsina at mga Peranakan ng Tangway ng Malaya, na may mga halimbawa na makikita at pinakainiingatan sa Singapur.
Matatagpuan din ang mga makasaysayang lugar na may ganitong arkitektura sa buong Tangway ng Malaya (gaya ng George Town), Katimugang Taylandiya (pangunahin sa Phuket), Macau, Vietnam, at Hainan (pangunahin ang Haikou). Sa marami sa mga lugar na ito gayunpaman, ang mga naturang estruktura ay ginigiba o nasa isang kalagayan ng pagkasira.
Estilong Sino-Portuges
baguhinAng mga katangian ng Sino-Portuges na arkitektura ay pinaghalong Europeo at Tsinong estilo o simpleng arkitekturang kolonyal. Ang mga lumang gusaling ito ay itinayo ng mga Tsinong culi. Ang gusali ay may disenyo (pinta) sa Tsinong estilo, ngunit ang estruktura ay Portuguese. Karaniwan, ang gusali ay isang isa o dalawang palapag na pinaghalong komersiyal-tirahan na gusali. Ang pader ay may lakas dahil sa bigat ng mga tisa sa bubong. Ang bubong ay nakabalot sa mga kurbadang tisa ng Tsinong pinanggalingan.
Sa kontemporaneong Singapur, ang mga naturang estruktura ay regular na pinananatili at pinapanumbalik, na ginagawa itong isang malaking atraksiyong panturista para sa mga dayuhang hindi pamilyar sa gayong mga estruktura. Ang makasaysayang pamana nito pati na rin ang lokasyon nito sa sentro ng lungsod ay nagpapahalaga din sa kanila.[1]
Kasaysayang Sino-Portuges sa Phuket
baguhinAng lumang bayan sa Phuket ay may kasaysayan bilang sentro ng pagmimina at kalakalan ng estanyo sa lalawigan. Sa panahon ng imperyalismong Kanluranin, pagkatapos ng 1511 (2054 BE), dumating ang mga Portuges na settler sa Phuket at sa daungan ng kalakalan ng Malacca. Ang mga nandarayuhan ay nagdala ng kulturang Kanluranin kasama nila, pati na rin ang agham, relihiyon, at ang kanilang sariling mga estilo ng arkitektura. Ang mga Portuges na naninirahan ay gumamit ng mga manggagawang Tsino upang magtayo ng kanilang mga bahay at establisimyento. Pinaghalo ng mga estrukturang ito ang mga estilo ng sining ng mga Portuges at Tsino, na nagbunga ng arkitektura ng Sino-Portuges.
Galeriya
baguhin-
Arkitekturang Sino-Portuges, Daang Dibuk, Lungsod ng Phuket, Taylandiya
-
Mga makukulay na bahay-tinahan sa Daang Koon Seng, Singapur
-
Mansiyon Kuden sa Satun, Taylandiya, isang halimbawa ng isang kaayusang kahon na mansiyong Sino-Portuges. Nasa gusali na ngayon ang Pambansang Museo ng Satun.
-
Ang Mansiyon ng Gobernador sa Phuket ay kumakatawan sa isang kabahan sa Mansiyon Kuden, na may malawak na pagkakaayos.
-
Ang distrito tulad ng Katong, Singapur, ay nagsasama ng maraming ornamental na elemento ng mga disenyo ng mansyon sa estilong Sino-Portuges.
-
Mga bahay ng Kalye Club, Singapur. Ang ilan sa mga gusali ay may kasamang mga bukas na balkonahe sa ikatlong palapag.
-
Mga tindahan ng Daang Tanjong Pagar, na naglalarawan ng tatlong palapag na uri ng arkitektura ng mga Kipot.
-
Mga doblang-palapag na bahay-tindahan sa Daang Joo Chiat, isang karaniwang disenyo sa labas ng urbanong Singapur.
-
Ornamentasyon ng isang bahay-tindahan sa paligid ng Kalye Arabe, Singapur. Ang detalyadong dekorasyon ay karaniwang isang tanda ng yaman para sa may-ari na nag-atas sa prestihiyo ng gusali.
-
Mansiyong Tjong A Fie, Medan, Indonesia, isang mas bihirang halimbawa ng Sino-Portuges na arkitektura sa bansa.
Tingnan din
baguhin
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Mahadevan, Sandhya. "Here's Why Shophouses in Singapore Are in High Demand Right Now". Tatler Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Hulyo 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Mga Old Phuket House. Nakuha noong 3 Oktubre 2016, mula sa www.phuket.com
- Ang Kilusang Lumang Bayan ng Phuket. Nakuha noong Oktubre 3, 2016, mula sa lestariheritage.net
- Sino-Portuguese na Arkitektura. Naka-arkibo 2016-10-24 sa Wayback Machine. Nakuha noong 3 Oktubre 2016, mula sa www.roughguides.com Naka-arkibo 24 October 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine.