Lumang Bayan ng Phuket

Ang Lumang Bayan ay isang lugar ng makasaysayang interes sa lungsod ng Phuket. Ang mga pangunahing kalye ng Lumang Bayan ay Thalang, Phang Nga, Krabi, Dibuk, at Yoawarat. Kilala ang Old Town para sa mga Sino-Portuges na gusali sa magkabilang gilid ng kalye. Maraming mga lumang gusali ang ginawang mga tindahan, otel, restawran, at museo.

Mga almasen sa Soi Rommanee, Lumang Bayan ng Phuket (2018)

Kasaysayan

baguhin

Ang Phuket ay may mayamang kasaysayan bilang bansang nagmimina ng estanyo na pinamumunuan ng mga Siames, Tsino, Malay, Indiyano, Eurosyatiko, at mga nomada ng dagat. Ang isang natatanging komunidad sa Phuket ay ang "Baba", na may sariling paraan ng pamumuhay, wika, pananamit, at pagkain. Ang ubod ng komunidad na ito ay nabuo ng mga unang unyon sa pagitan ng mga minerong Hokkien at mga babaeng Siames. Ang natatanging pamana ng Baba na ito ay makikita sa Lumang Bayan ng Phuket.[1]

Mula noong ika-16 na siglo, ang mga Europeo ay kasangkot sa kalakalan ng estanyo ng Phuket. Noong ika-18 siglo, ang karamihan sa pagmimina ng lata ng isla ay isinagawa ng mga Hokkien na Tsino na naging instrumento sa pagtatayo ng lumang bahagi ng lungsod. Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, sa ilalim ng Gobernador Phraya Ratsadanupradit Mahitsaraphakdi, inimbitahan ang mga pangunahing kumpanya ng pagmimina sa Europa, at itinayo ang mga pangunahing pampublikong impraestruktura tulad ng mga kalsada at kanal. Maraming mga gusali sa estilong Sino-Portuges mula sa panahong ito ang napreserba at pinanumbalik, partikular na ang mga tindahan at malalaking mansiyon.[2] Walang nakakaalam nang eksakto kung kailan itinayo ang unang gusali sa estilong ito, ngunit ang mga larawan mula sa paghahari ni Haring Rama V (1853–1910) ay nagpapakita na ito ay itinayo na noon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Phuket Heritage: Phuket's Old Town Movement". lestariheritage.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-14. Nakuha noong 2014-05-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Old Phuket Town - Sino-Portuguese Houses". phuket.com. Nakuha noong 2014-05-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin