Arkitekturang pangdestinasyon

Ang arkitekturang pampatutunguhan, arkitekturang pangkapupuntahan, arkitekturang pampuntahan, arkitekturang pantunguhin, o arkitekturang pangdestinasyon (Ingles: destination architecture) ay isang larangan na ginagamit ng mga arkitektong pangdestinasyon at tagapagdisenyong pangdalampasigan (Ingles: destination and coastal architect-designer), na mga prupesyon na nasa larangan ng pagdidisenyo at arkitektura na nag-aral upang lumikha at magpaunalad ng mga proyektong may tema, may pasyalan, pahingahan, at bakasyunan, may hospitalidad, at nasa dalampasigan o baybayin, at kakaiba o eksotiko. Nilalayon ng arkitekturang pangdestinasyon na mapataas ang halaga ng pagiging kaakit-akit, ng pagiging may dunong sa negosyo, ng pagiging nakapagpapatuloy ng kapaligiran, at ng mga napagkukunang panlipunan, pangkultura at pang-ekonomiya ng mga namumuhunan at ng mga kliyenteng naghahanap ng mas maimahinasyon at mainobasyong uri ng turismo kung saan mabuti silang tatanggapin bilang mga bisita, manlalakbay, at turista.[1]

Ang proseso ng pagdidisenyo ng "destinasyong pangturista", na ginagawa nga ng arkitektong pangdestinayon (tinatawag ding tagapagdisenyo o tagapagplano ng destinasyon), ay naglalangkap ng nakaugaliang disenyong pang-arkitektura, disenyong pangteatro, disenyong panlibangan, at disenyong pangtema para sa pagpapaunlad ng mga pasyalan at bakasyunan, na nakatuon sa mga paksang pangdagat at pangbaybayin.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "What is a Destination Architect?". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-29. Nakuha noong 2012-11-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.