Disenyo

(Idinirekta mula sa Pagdidisenyo)

Ang disenyo, na tinatawag ding sulawing, sulam, sulambi o antangan,[1] ay ang pagpaplanong naglalatag ng basehan para sa paggawa ng bawat isang bagay o sistema. Magagamit ito kapwa bilang isang pangngalan at bilang isang pandiwa at, sa mas malawak na paraan, nangangahulugan itong nilapat na sining at inhinyeriya. Bilang isang pandiwa, ang magdisenyo ay tumutukoy sa proseso ng pagsisimula at pagpapaunlad ng isang plano para sa isang produkto, kayarian, sistema, o bahagi na may hangaring[2]. Bilang isang pandiwa, ang disenyo ay ginagamit para sa pinakahuling (kalutasan) plano (iyon ay ang mungkahi, ginuhit na larawan, huwaran o modelo, paglalarawan) o ang kinalabasan o resulta ng pagpapatupad ng plano sa anyo ng isang nabuong produkto ng isang proseso ng pagdidisenyo.[3].

Ang disenyo ay isang plano o espisipikasyon para sa pagbuo ng isang bagay, sistema, para sa implementasyon ng isang aktibidad o proseso, resulta ng plano, o kaya’y detalye sa anyo ng isang prototype, produkto, o proseso. Ang pandiwang “idisenyo” ay nagpapahayag ng proseso ng pagbuo ng isang disenyo. Sa ilang mga kaso, ang direktang pagbuo ng bagay na walang tahasang naunang plano (gaya ng craftwork, ilang engineering, coding, at graphic na disenyo) ay maaari ring ituring na isang aktibidad na  pangdisenyo. Karaniwang ang disenyo ay dapat na matugunan ang tiyak na layunin at hadlang nito; maaaring isaalang-alang ang estitiko, functional, ekonomiko, socio-political na mga considerasyon; at inaasahang makakaugnay sa tiyak na environment. Kasama sa mga karaniwang halimbawa ng disenyo ay ang mga guhit sa arkitektura at engineering, mga circuit diagrams, mga pattern ng pagtatahi at ang hindi masyadong  nahihipo na artifacts katulad ng mga modelo ng proseso sa negosyo.

Kapag hindi kasama ang ganitong klasipikasyon, sa malawakang diwa walang iba pang mga limitasyong umiiral at ang huling produkto ay maaaring kasuotan hanggang ugnayang-mukha ng tagagamit na grapikal hanggang sa mga gusaling tukudlangit. Kahit na ang mga mga konseptong birtuwal na katulad ng katauhang pangkorporasyon at mga tradisyong cultural na katulad ng pagdiriwang ng particular na mga kapistahang opisyal[4] ay paminsan-minsang dinidisenyo. Sa mas kamakailan, ang mga proseso (sa pangkalahatan) ay itinuturing din bilang mga produkto ng disenyo, na nagbibigay ng bagong kahulugan sa katagang disenyo ng proseso o proseso ng disenyo.

Ang taong nagdidisenyo ay tinatawag na isang tagapagdisenyo, tagadisenyo, o disenyador, na isang katagang ginagamit din para sa mga taong naghahanapbuhay bilang isang dalubhasa sa isa sa samu’t saring mga larangan ng disenyo, karaniwang tumutukoy din sa kung anong larangan ang pinagtutuonan ng pansin (katulad ng tagapagdisenyo ng moda, tagapagdisenyo ng konsepto, o tagapagdisenyo ng web). Karaniwang nangangailangan ang pagdidisenyo ng isang tagapagdisenyo upang isaalang-alang ang estetiko, pangtungkulin, at marami pang ibang mga aspeto ng isang bagay o isang proseso, na karaniwang nangangailangan ng maraming pananaliksik, pag-iisip, pagmomodelo, interaktibong pagbabago (paglulunas ng suliranin), at muling pagdidisenyo.

Dahil sa ganyang malawak na kahulugan, walang wikang pandaigdig o nakapagkakaisang institusyon para sa mga tagapagdisenyo ng lahat ng mga disiplina. Nagpapahintulot ito ng maraming nag-iiba’t ibang mga pilosopiya at mga pagharap patungo sa paksa. Subalit ang seryosong pag-aaral ng disenyo ay humihingi ng tumaas na pagtuon sa proseso ng disenyo.[5][6]

Paglalarawan

baguhin

Ilang tao ang nagsasabi na ang sining ay isang produkto o bagay na ginawa na may layuning antigin o estimulahin ang mga pandama ng tao, pati na ang isipan ng tao o espiritu ng tao. Ang akdang-sining o likhang-sining (ang artwork sa Ingles) ay karaniwang hinuhusgahan batay sa kung gaano ang katalaban nito sa tao, ang dami ng tao na makauugnay dito, at kung gaano ang antas ng pagpapahalaga ng tao rito. Ang una at pinakamalawak na diwa ng sining ay nangangahulugan ng "pagkakaayos" o "ayusin". Sa ganitong diwa, ang sining ay nalilikha kapag ang isang tao ay nag-aayos ng mga bagay na natatagpuan sa mundo upang maging isang bago o naiibang disenyo o porma; o kapag ang isang tao ay nag-ayos ng mga kulay na magkakatabi sa loob ng isang dibuho upang makagawa ng isang imahe o upang makagawa lamang ng isang marilag o nakatatawag-pansing disenyo.

Ang sining ay maaari ring maging isang pagpapadama ng damdamin. Ang alagad ng sining o artista ay maaaring makadama ng isang partikular na emosyon o damdamin at nakadaramang wala nang ibang paraan upang maipadama ito, maliban na lamang sa paglikha ng isang bagay na may kahalagahan o kahulugan para sa kanila. Karamihan sa sining na nalikha sa ganitong pagkakataon ay ginawa para sa alagad ng sining, sa halip na para sa mga tagapagtangkilik. Subalit, kapag ang isang madlang tagapagtangkilik ay nakauugnay din sa damdaming ito, ang nalikhang sining ay magiging isang matagumpay na sining sa harap ng madla.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Design Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., gabbydictionary.com
  2. Tingnan ang mga kahulugan mula sa talahuluganan na nasa Cambridge Dictionary of American English Naka-arkibo 2009-12-18 sa Wayback Machine., sa Dictionary.com (natatangi na ang mga kahulugan bilang 1-5 at 7-8) at sa AskOxford Naka-arkibo 2006-03-16 sa Wayback Machine. (natatangi na ang mga pandiwa).
  3. Tingnan ang mga kahulugan mula sa talahuluganan na nasa Dictionary.com, natatangi na ang mga kahulugan bilang 10-12. Tandaan na ang kahulugan bilang 9 sa pinagpasukang ito ay ang produkto ng isang proseso ng pagdidisenyo.
  4. Minsan itong nakikita sa mga relihiyon. Sa Lumang Tipan o Torah, inaayos ng Diyos kung paano ipagdiriwang ang Pesah ng mga Hudyo. Isa pang halimbawa ang pagdiriwang ng mga Saksi ni Joba ng Pag-aalala sa Kamatayan ni Kristo o Ang Memoryal, nagdadala sila ng isang relihiyosong katawan na nagsimula noong 1879.
  5. College of Design, Bachelor of Fine Arts, Graphic Design Naka-arkibo 2010-06-03 sa Wayback Machine., Pamantasang Pang-estado ng TuIowa. (Pahayag ng Misyon, pangalawang talata, magmula sa "Analytical thought ..." ).
  6. Judith E. Sims-Knight, Richard L. Upchurch at Paul Fortier, A Simulation Task to Assess Students’ Design Process Skill Naka-arkibo 2008-12-17 sa Wayback Machine. (Introduksiyon, pang-apat na talata, linya 4)