Hugis

(Idinirekta mula sa Porma)

Ang isang hugis anyo, korte, porma, pigura, o tabas[1] ay isang representasyong grapikal ng isang bagay o panlabas na hangganan, balangkas, o panlabas na pang-ibabaw nito, taliwas sa ibang katangian tulad ng kulay, tekstura, o uri ng materyal. Nahahadlangan ng isang hugis pamplano o pigurang pamplano na mailagay sa isang plano, taliwas sa mga solidong hugis na 3D. Maaring ilagay ang isang dalawang-dimensyong hugis o dalawang-dimensyong pigura (binaybay din: 2D na hugis o 2D na pigura) sa isang pangkalahatang nakakurbang ibabaw (isang hindi Euclidiyanong dalawang-dimensyong espasyo).

Isang larurang pambata na tinatawag na Shape-O na ginawa ng Tupperware na ginagamit para matutunan ang iba't ibang mga hugis.

Pag-uuri ng mga payak na hugis

baguhin

May ilang payak na hugis ang maaring ilagay sa malawak na kategorya. Halimbawa, nauuri ang mga poligono ayon sa kanilang bilang ng sulok tulad sa mga tatsulok, kuwadrilateral, pentagono, at iba pa. Nahahati naman ang bawat isang kategoryang ito sa mas maliit pa na mga kaurian; ang mga tatsulok ay maaring maging ekwilatero, isoseles, obtuso, agudo, escaleno, atbp. habang ang mga kuwadrilateral ay maari maging parihaba, rombo, trapesoide, parisukat, atbp.

Ang iba pang karaniwang hugis ay mga punto, guhit, plano, seksyong koniko tulad ng mga elipse, bilog, at parabola.

Ilan sa mga karaniwang hugis na 3-dimensyon ay ang polihedro, na mga hugis na may patag na mukha; mga elipsoide, na hugis-itlog o hugis-espera na mga bagay; silindro; at mga kono.

Kung papatak ang isang bagay sa isa sa mga kategoryang ito na tumpak o kahit tinaya lamang, maari nating gamitin ito upang isalarawan ang hugis ng isang bagay. Kaya, maari nating sabihin na ang hugis ng isang takip ng boka de alakantarilya (o manhole cover) ay disko, dahil tinatayang pareho ang heometrikong bagay sa aktuwal na heometrikong disko.

Sa heometriya

baguhin

Ang isang hugis heometriko ay binubuo ng impormasyong heometriko na nanatili kapag tinanggal ang lokasyon, eskala, oryentasyon, at repleksiyon mula sa deskripsyon ng isang heometrikong bagay.[2] Alalaong baga, ang resulta ng paggalaw ng isang hugis, pagpapalaki nito, pag-ikot nito, o pagrepleho nito sa salamin ay parehong hugis tulad ng sa orihinal, at hindi naiibang hugis.

Mga piling hugis

baguhin

Bilog at mga baryante

baguhin

Kuwadrilateral at mga baryante

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  2. Kendall, D.G. (1984). "Shape Manifolds, Procrustean Metrics, and Complex Projective Spaces". Bulletin of the London Mathematical Society (sa wikang Ingles). 16 (2): 81–121. doi:10.1112/blms/16.2.81.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)