Heksagon
Ang heksagon (mula sa Ingles: hexagon, at ito mula sa Sinaunang Griyego: ἑξάγωνον hexágōnon, ἕξ héx "anim" + γωνία gōnía "anggulo") ay isang poligon na may anim na gilid at anim na mga berteks. Ang isang regular na heksagon ay may simbolong Schläfli na {6}. Ang kabuuang panloob na anggulo ng anumang heksagon ay 720°.
Regular na heksagon | |
---|---|
Type | pangkalahatang uri ng hugis na ito |
Edges and vertices | 6 |
Schläfli symbol | {6} t{3} |
Coxeter–Dynkin diagrams | |
Symmetry group | Dihedral (D6) |
Area | (with t = gilid na haba) |
Internal angle (degrees) | 120° |
Dual polygon | mismo |
Properties | konbeks, sikliko, ekwilateral, isogonal, isotoksal |
Mga gamit
baguhin- Ang mga heksagon ay madalas na matatagpuan sa kalikasan, bilang halimbawa, sa estruktura ng anila. Ang tibay nito ay nasa katunayan na ang isang heksagon ay ginawa ng mga ekwilateral na tatsulok.
- At saka ang base ng maraming mga bubog ay heksagonal.
- Mayroon din isang malaking padron ng mga ulap, malapit sa Hilagang Polo ng Saturno, na kilala bilang ang Heksagon ng Saturno.
- Samantala ang mga tao ng Pransiya ay tumatawag sa kanilang bansa "ang Heksagon" (sa Pranses, l'Hexagone).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heometriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.