Inasal

(Idinirekta mula sa Asado)
Para sa ibang gamit ng asada, tingnang ang asada (paglilinaw).

Ang inasal[1] (Kastila: asado;[2] Ingles: roast; Portuges: churrasco) ay isang uri ng paglulutong tanyag sa Kabisayaan kung saan binusa sa tapahan (Ingles: oven) ang putahe. Kasingkahulugan nito ang pag-ihaw, pagbusa, pagbanggi o paglitson.[3][4][5][6] Sa paglulutong Pilipino, mabagal ang pagpapakulo, may kaanghangan, at masidhi ang pagkakatimpla.[6] Ang inasal ay isa ring popular na pamamaraan ng pagluto sa Arhentina.[7]

Inasal na mga lamang-loob at longganisa
Inihanda ang inihaw sa Patagonia, Argentina

Mga sanggunian

baguhin
  1. Unlaping in- + asal (Kastila: asar)
  2. Asada ang pang-uring pambabae sa Kastila.
  3. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  4. Odulio de Guzman, Maria. The New Filipino-English English-Filipino Dictionary (Ang Bagong Diksiyunaryong Pilipino-Ingles Ingles-Pilipino), National Bookstore, 1968, isinalimbag noong 2005, ISBN 9710817760, may 197 na mga pahina
  5. Fabian, Rosario. Aling Charing's Filipino & Foreign Recipes, nasa wikang Ingles, National Bookstore, 1986, may 141 na mga pahina, ISBN 9710829300
  6. 6.0 6.1 Laquian, Eleanor at Irene Sobreviñas. Filipino Cooking Here and Abroad, nasa wikang Ingles, 1977 (Unang Taon ng Paglilimbag), National Bookstore, Lungsod ng Maynila, Pilipinas, may 194 na mga pahina, ISBN 9710800620
  7. Adams, F. 2001. Culture Shock! Argentina. Times: Singapore.