Ang asebo (mula sa Kastilang acebo; Ingles: holly; pangalang pang-agham: Ilex) ay isang uri palumpong na may agad na nakikilalang mga dahon. May matatalim na mga gilid ang mga dahon, at kalimitang ginagamit sa pagpapalamuti ng bahay tuwing Araw ng Pasko. May ilang uri ng asebong ginagamit sa paggawa ng mga tsaa. Kinabibilangan ang saring asebo ng may 600 mga uri ng mga namumulaklak na mga halamang nasa pamilyang Aquifoliaceae, at ito lamang ang sari sa pamilyang ito. May isang sari, ang monotipikong Nemopanthus (Asebong Bundok o Mountain Holly), na dating nakahiwalay sa mga Ilex dahil sa batayang may mas bawas na mga calyx ang mga bulaklak nito at may mas makitid na mga talulot; at maging sa sitolohiya, dahil sa pagiging tetraploid nito, samantalang mga diploid ang mga Ilex. Subalit, pagkaraan ng mga pagsusuri ng mga impormasyong molekular, isinanib na ang mga Asebong Bundok sa mga Ilex, bilang Ilex mucronata; mas higit na malapit ang mga ito sa Ilex amelanchier.[1][2]

Asebo
Mga dahon at bunga ng Asebong Europeano (Ilex aquifolium)
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Aquifoliales
Pamilya: Aquifoliaceae
Sari: Ilex
L.
Mga uri

Mga 600, basahin ang teksto.

Sanggunian

baguhin
  1. Powell, M., Savolainen, V., Cuénoud, P., Manen, J. F., & Andrews, S. (2000). The mountain holly (Nemopanthus mucronatus: Aquifoliaceae) revisited with molecular data. Kew Bulletin 55: 341–347.
  2. Gottlieb, A. M., Giberti, G. C., & Poggio, L. (2005). Molecular analyses of the genus Ilex (Aquifoliaceae) in southern South America, evidence from AFLP and ITS sequence data. Amer. J. Bot. 92: 352-369. Makukuha sa AMJBot.org sa internet.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.