Asidosis
Ang asidosis (mula sa Ingles na acidosis) ay ang pagtaas ng kaasiman sa dugo at iba pang mga tisyu ng katawan (halimbawa na ang pagtaas ng konsentrasyon ng dami ng iono ng hidroheno). Kung hindi umaabot sa pamantayang ganito, tumutukoy ito sa kaasiman ng plasma ng dugo. Nagaganap ang asidosis kapag ang arteryal na pH ay bumagsak na nasa ibaba ng 7.35 (maliban sa fetus), habang ang kabaligtaran nito na alkalosis ay nagaganap sa isang pH na mahigit sa 7.45. Kailangan ang paggawa ng analisis ng gas sa dugong arteryal at iba pang mga pagsusuri upang mapaghiwa-hiwalay ang pangunahing mga sanhi.
Asidosis | |
---|---|
Klasipikasyon at panlabas na mga pinanggalingan | |
ICD-10 | E87.2 |
ICD-9 | 276.2 |
DiseasesDB | 87 |
MedlinePlus | 001181 |
Samantala, ang asidemya (mula sa Ingles na acidemia) ay naglalarawan sa kalagayan ng mababang pH ng dugo, habang ang asidosis ay ginagamit na panglarawan sa mga proseso na humahantong sa ganitong mga katayuan. Gayunpaman, ang mga katawagang ito ay paminsan-minsang nagagamit na pamalit para sa isa't isa. Ang pagkakaiba ay maaaring mahalaga kapag ang pasyente ay mayroong ganitong mga bagay na nagdurulot ng kapwa asidosis at alkalosis, kung saan ang kaukulang kalubhaan ng bawat isa ang nagsasabi kung ang resulta ay pH na mataas o kaya ay mababa.
Ang antas ng pangselula na metabolikong aktibidad ay nakakaapekto at, gayundin, ay naaapektuhan ng pH ng mga pluwido ng katawan. Sa mga mamalya, ang normal na pH ng dugong arteryal ay nasa pagitan ng 7.35 at ng 7.50 sang-ayon sa espesye (katulad ng ang dugong arteryal ng malusog na tao ay nasa pagitan ng 7.35 at ng 7.45). Ang mga halaga ng pH ng dugo na kaugma sa buhay ng mga mamalya ay hanggang sa isang hanay ng pH na nasa pagitan ng 6.8 at ng 7.8. Ang mga pagbabago sa pH ng dugong arteryal (at sa gayon ay ng pluwidong ekstraselular o nasa labas ng selula) na nasa labas ng sakop na ito ay nagreresulta sa hindi na malulunasan pa na pagkasira ng selula.[1]
Diwa ng asidosis
baguhinAng konsepto ng asidosis ay ipinakilala ni Bernard Naunyn noong 1906 upang ipaliwanag ang kundisyong metaboliko ng sobrang pagkakaroon ng dami ng asido sa coma na diyabetiko. Sa panghuling mga yugto ng diabetes, sa kagutuman, sa pinakamalalang anyo ng pagsusuka habang nagdadalangtao, at sa anyo ng pagkalason dahil sa kloroporma (na hindi nagaganap sa loob ng mahaba-habang dami ng mga oras pagkaraang maibigay na ang anestetikong ito), at sa iba pang mga kalagayan, ang dugo matatagpuan na naglalaman ng partikular na mga asido, kasama na ang asidong diacetic (diyasetiko) at acetone. Ito ang kalagayan na kung tawagin ay asidosis.[2]
Ang mga asido ay hinango mula sa mga taba ng katawan na nagkakahiwa-hiwalay sa isang hindi normal na paraan, at nangyayari ito dahil sa ang mga tisyu ay hindi nadadalhan ng sapat na dami ng glucose (glukosa).[2]
Mga sintomas
baguhinAng pagkakaroon ng mga asidong nabanggit, habang nasa dugo, ay nakapagdurulot ng mga sintomas, partikular na ng (a) pagkahilo, na marahil ay maaaring humang sa coma (na mapagmamasdan sa diabetes), at (b) isang uri ng dyspepsia o kahirapan sa paghinga, kung saan ang pasyente ay tila dumaranas ng "pagkagutom sa hangin" (air-hunger).[2]
Kapag hindi binigyan ang isang tao ng pagkaing may karbohidrato, harina, asukal, at taba, ang asidosis ay maaaring dahil mula sa paghihiwa-hiwalay ng taba ng nasabing tao, subalit mas lalong maaaring kapuna-puna ito at mapanganib kapag habang hindi nabibigyan ang tao ng karbohidrato ay patuloy sa pagkain ng taba ang nasabing tao. Dito naroon ang pangabnib ng paggamot sa diabetes sa pamamagitan na mabilisan o lubos na tatanggalin ang karbohidrato mula sa diyeta habang pinapahintulutang kumain ng taba ang pasyente. Sa gayon ding panahon, ang karbohidrato ay dapat na sapat na mabawasan kapag ang karamdaman ay mababantayan. Ang paggagamot sa pamamagitan ng "pag-aayuno" ay ipinakilala upang maharap ang suliraning ito. Sa simula, ang pasyente ay diyeta na tila ginugutom muna, subalit paunti-unting dinaragdagan ang dami ng pagkain at, kapag ang ihi ay wala nang asukal pagkalipas ng 12 mga araw, idinaragdag ang karbohidrato (tinapay) at itinataas sa humigit-kumulang ay buong dami na maaaring kainin, basta't walang asukal na lumilitaw sa ihi.[2]
Ang asidosis sa mga taong diyabetiko (may diabetes) ay ginagamot sa pamamagitan ng insulin, glukosa, at sa kung minsan ng bikarbonato ng soda. Ginagamit din ang insulin kapag ang diperensiya ay dahil sa ibang sanhi.[2]